read.cash Log in
@Yen more from that month

"Baka pwedeng bumalik na lang tayo sa dati?" "Ha? Tayo na lang ulit? Hindi ba ikaw nga 'yong tumapos?" "Hindi. Ibig kong sabihin, sa dati, 'yong bago naging tayo, 'yong masaya lang, 'yong hindi pa komplikado." "Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam." Isinugal natin ang lahat. Ako lang ang naging sigurado. Kung alam ko lang na may pag-aalinlangan ka, minahal na lang sana kita sa malayo— kung saan hindi ka mawawala. Siguro, wala tayo dito, wala tayo dito sa katapusan kung hindi na lang natin sinubukan kung hindi na lang natin sinimulan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.