read.cash Log in
Y@Yadah

Nakaaliw dito sa noise.cash, 'no? Nakapasimple lang ng format. Natanong ko ang ate, @juwel, kung meron bang app ang noise.cash. Wala pa namn daw. Ayos lang naman kahit wala pa o wala na. At least hindi kakain ng space sa selpon. Pero ang ikinatutuwa ko talaga e yung pagiging simple lang ng lahat dito: Hindi kailangan lagyan ng title ang gagawing "ingay", walang mga text format na dapat pag-aralan, at walang pressure sa magiging itsura ng "ingay" na gagawin. Magsulat ka lang talaga -- sagutan ang tanong na "what's up?" -- at magdikit ng picture kung bet mo. Tapos! Hindi rin kinakailangan na nobela ang isusulat, kaya hindi magdudugo ang utak magsulat at hindi rin nakakabagot basahin mga "ingay' dahil nga hindi nobela ang babasahing "ingay". Gets? Ayun, tapos heart-heart na lang at maki-ingay sa ginawang ingay ng iba.O siya, makiki-ingay na muna ako sa mga kanoisers habang nagkakape. Magandang umaga po!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.