read.cash Log in
Y@Yadah

Ito ang diorama project ng junakis ko. Baka hindi halata pero ito po yung makasaysayang kalye Crisologo na nagpapakita ng mga lumang bahay at tirahan ng mga espanyol noong sinakop ang lungsod ng IIlocos. Tunay na mapapabalik-kasaysayan ka kapag naparito ka sa lugar na ito dahil mula sa mga gusali hanggang sa mga karwahe ay talaga namang kastilang kastila. Kakaibang experience din ang makapaglakad sa kalyeng gawa sa lirio na talagang ibang iba sa mga kalsada sa ngayon. Maiimagine na lang natin na naglakad sa parehong mga kalsada ang ating mga ninuno ilang daang panahon na ang lumipas. Kaya naman hindi na nakakapagtataka na mapabilang ang Vigan City sa Ilocos Sur sa 7 Wonders of the World dahil sa angking kagandahan at tanawin ng lugar. Sana talaga mawala na tong pandemya para makapamasyal na uli.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.