Bago bumangon usap usap muna kami ni hubby kanina tungkol sa darating na kaarawan ng baby Exo namin mag dalawang taon na sya. Kung saan kami kukuha ng pera pang bili ng kahit pancit lang at fried chicken dadalhin sa pool swimming kasi may nag sponsor ng swimming pool hehehe yun na birthday gift nila kay Exo. Nakakagutom din naman ano pag mag swimming lang doon ng walang makain hahaha. Sahod kasi nyan ni hubby ay Katapusan pa ng May at ang kaarawan naman ni Exo ay sa May 26. Positive thinking naman si hubby hehehe, pag ipunan nya daw sa sideline nya, pero kasi yung sideline income nya ay sa pang araw araw namin yun na pagkain. We'll see nalang mga moms hahaha. Laban!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Laban momsh! Happy birthday babyyy
Salamat moms, fighting!!!!
Tama yan sis, think positive lang po tayo! Biglang may darating na blessing niyan for your family po.
Thank you sissy. Good morning.