First time momma question! Mga momma, ano po ginagawa o ginagamot nyo kay baby pag nag ngingipin? Walang lagnat si baby wala ding sipon at ubo lagi nya lang sinasabi na yayay daw teeth nya sabay hawak sa gums nya, yayay means masakit "yayay tet" ito lagi nya sinasabi sa akin. Hindi mapakali dito sa amin kaya pinasyal ko sa kabilang kwarto sa tita nya para maaliw kasi kahit anong aliw ko gawin ayaw nya talaga. Ayan sa picture nagpa kandong umupo sa lap ng tita nya at kumain, pero naka dalawang subo lang din kasi nag reklamo na naman na sakit daw teeth nya sabay hawak sa gums. Pag labas ng dalawang ngipin nya wala talaga syang iniinda kaya ngayon hindi ko alam ano gawin. Pero pina padede ko palagi, pag ayaw na nya mag dede ayun reklamo ulit. #motherhood #firstimemomma
3 comments
Xylogel teething gel sis. Nireseta sa panganay ko noon kaya hanggang sa bunso ko yun na gamit ko. Try mo okay sya lalo if ireref kasi malamig. Nakakaginhawa sa kanila.
Talaga sis? Sige sige pabili ako nyan bukas ni hubby. Sa freezer ba ilagay sis?
Hindi sis baka mafrozen. Sa baba lang basta makadagdag lamig lasi may cooling effect na din yun.