Now I know! Alam nyo ba mga mommies dati inuudyok ko si hubby mag apply ng ibang work yung office base or mga restaurant ganun. Ilang taon na kasi sya online job simula binata pa sya. So ngayon na wala kaming kuryente, nakiki wifi at power lang sya sa may wifi at power na lugar. Ngayon ko na naramdaman na mahirap pala pag sa labas work nya hahaha. Sabi ko sa sarili, naku buti nalang hindi sya sumunod sa kagustuhan ko mahirap pala maiwan mag isa sa bahay na may baby hahaha. Sa txt nya kahapon 10 hours sya at ngayon hanggang friday kasi pinatapalan sa kanya ang buong araw na absent nya noong lunes. Pag dating nya kagabi sa bahay tulog na kami ni Exo, 8pm na daw sya dumating kagabi, aga kasi natulog si Exo, akoy rin masama pakiramdam kaya nakatulog ng maaga.
7 comments
Madalas kasi sis hindi natin nakikita ang bigger picture minsan nakikita pa natin yong iba na why sila okay naman na ganito ang work nila kaya gusto din natin na ganun din tayo. Kailangan nating makita din ang both sides of the coin para macompare kung alin ang mas maganda. For me now, ang motto ko na in life is Let go and Let God! Basta sympre gagawin din natin ang part natin hindi naman pwedeng puro faith nalang. Dahil faith without work is dead. Pero importante is we trust in him that in his own perfect time all will manifest beautifully and abundantly. Kasi the Lord's time is different from our time.
Hi sissy Belated Merry Christmas and a happy new year. Truth talaga sissy hihihi. Agree ako sa sinabi mo totoong totoo talaga.
Totoo yan sis, talagang mahirap ang naiiwan mag isa. Parang ang kids ko, super excited sila kada sasapit ang oras ng out ni papa nila. Talagang namimis nila kaagad isa pa sis kasi pag nasa bahay sila mas may bonding pa din ang family tapos may katuwang kapa sa ibang gawain
Tama ka talaga sissy hihihi kaya ngayon ko lang talaga masayado na intindihan na naranasan ko na nasa labas si hubby nag work nakiki wifi hihihi.
Sana sis, maayos na ang internet at kuryente diyan sa inyo. Mahirap kasi lalo na may bata. Naexperience ko yung ganyan nung binagyo din kami grabe iritable ang chikitings. Buti na lang malamig lamig ang panahon sis.
True sissy grabe pawis ni Exo bumabaha palagi huhuhu. Kahit medyo malamig panahon sissy bumabaha pa rin pawis nya huhuhu. Ang hirap pa kumilos ngayon kasi walang tubig.
Isa pa din yan sis, ang hirap na nga ng walang kuryente tapos wala pa ding tubig haay. Kami din inaantay pa ang tubig baka mamaya pa.