Hindi ko alam kung chismis ito o kwento ko lang sa inyo hahaha. Yung ka leave in ng kuya ko nag demand ng ingrande na reception o kasalan. Kinausap ko sya, pinaintindi ko at alam din naman nya ang sitwasyon ng pamilya ng future husband nya (kuya ko). Kung hindi lang na hospital ang nakakatanda naming kapatid ng isang buwan at sa ICU pa, makakatulong talaga kami financially para sa kasal nila. Kung pinabalik nya ng work si kuya masusunod ang gusto nyang ingrande na kasalan. Ay iwan ko nalang ang hirap nya pakiusapan o paintindihin. Kung pipilitin nya kuya ko na mangutang para sa kasal nila, sino mahihirapan nyan? Sila lang din diba? Ang dahilan nya kasi daw nasabihan na nya mga barkada nya na ingrande kasal nya. Ayaw ko na mag kwento hahahaha hanggang dito nalang.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
Aw, sila din ang magkakaron ng problema niyan sis pagdating ng panahon, sana maintindihan niya
True sis, sila din. Yan din sinabi ko sa kanya sis, ang hirap nya talaga paintindihan kaya huminto nalang ako kasi para akong nakikipag usapan sa maliit na bata hehehe.
Naku mahirap mag kunwari sa buhay sis.. yung mag as if ka nako kaw parin kawawa
Hindi ko nalang pakakasalan yan hindi pa man demanding na malaking problema ng kuya mo yan
Noon pa sis hindi pa sila nag leave in naku reklamo ng reklamo si kuya sa kanya sobrang napaka selosa na wala sa lugar. Nang una kinakampihan ko ang babae kada sumbong ni kuya sa akin, noong nagtagal napansin ko na na grabe din pala sya ay grabe kaya simula noon hindi ko na sya kinampihan kapag mag sumbong si kuya sa akin. Pero pinilit ko sya intindihin noon, ngayon nahirapan na ako intindihin sya huhuhu. Ang hirap nya pa intindihin kahit anong pakiusap makaawa mo sa kanya sasagot pa rin sya ng kesyo nakapag sabi na sya sa mga barkada na nya na malaki handaan ng kasal nya hays iwan
Mahirap talaga yan Kung ayaw nya ng simple eh magpakasal syang magisa .wala ng kasalan pwede naman civil lang saka nalang pagnakaipon.kesa naman mabaon ka sa utang may ipagyabang kalang gandang morning