Malapit ng mag isang buwan! December 17,2021 nag simula na wala na kaming tubig, kuryente at signal. Pero ngayon bumalik na ang signal sa ibang network at kuryente namin may ilaw at net wifi na kami ulit. Pero hanggang ngayon hindi pa rin bumalik tubig namin. Kung ako papiliin, mas gusto ko ang tubig muna ang naibalik kaysa kuryente, nasanay na kasi kami sa madilim na may kunting liwanag hahaha. Grateful pa rin kami dahil kahit papaano ay may magagamit kami na tubig pang laba, cr at pang ligo though hindi ako kumbinsado na malinis ito dahil hindi sya katulad sa probinsya na ilog na malinis talaga. Sa larawan makita nyo gumawa sila nanay ng tabay para doon kami kukuha nh tubig hindi direct sa ilog kasi madumi talaga pag sa ilog mismo kami kukuha ng tubig.
5 comments
sna po magtutuloy na para di na mahirap mag igib. oks lang sa kuryente mapagtyagaan pero ang tubig hays. yan ang pinaka mahirap
Oo sis kasi kada galaw natin lalo na sa kusina tubig talaga eh. Hirap gumalaw sa kusina ng walang tubig
kya nga eh. oks sna kung may sariling poso
Tama sis kaso we can live without electricity meron namang kandila, gas pero tubig lofeline kasi natin yan kaya dapat yon ang inuna nila..... lumalabas tuloy ngayon mas importantante pa ang signal ang internet kesa tubig🥺😳 sad reality. Happy ako may kuryente na kayo sis, water naman priority nila next.
Oo sis sana tubig inuna ang hirap kumilos ng walang tubig, pang hugas plato, pang saing pang luto mineral gamit namin tag 30 gallon, grabe sis ubos ang kunting pera araw araw. Kasi kahit pakuluan namin tubig sa tabay, dalawang isip pa rin kami yun gamitin, ok lang yun sa pang laba at cr hihihi. Hindi kasi katulad sa ilog ng probinsya na malinis talaga bisan pag malubog ang tubig, diri sis tin aw ang tubig pero duha2x ta ug limpyo ba kay daghan balay hihihi.