Na touch talaga ako kay mother inlaw ko kasi dinalhan sya ni tatay kagabi ng pagkain yung nasa larawan nyo na makita, galing kasi si tatay sa face to face meeting nila kagabi. At may naiwan pa daw kaya sabi ni Bishop daw kay tatay dalhin nya ang naiwan para ibigay kay nanay. Ngayon umaga pag kain namin ni Exo, sabi ni nanay na ibigay kay Exo nalang yung chicken, to think ha na dalawa baby namin dito ang isa yung bunsong anak nila nanay na special child 26 years old na pero parang baby na rin namin. Gusto rin naman nya na ibigay kay Exo ang chicken, love love nya rin kasi si baby nagagalit nga to eh pag may kukuha kay baby at inaaway si baby hihihi.
4 comments
Aww ang sweet naman ng grandma niya sis. Super lucky ang Exo bebe namin niyan ah. Goodmorning sis!
Hihihi maraming salamat sissybells. Lucky na rin ako sis kasi hindi ako nahirapan dito sa mga inlaws ko hihihi. Good morning sissy.
Tama sis diba talagang supportive din sila at tsaka maalaga. Sa akin din sis, yung biyenan ko ang swerte ko din. Magandang tanghali sis
So blessed tayo sa mga byanan natin sissy. Magandang tanghali.