Kakatapos ko lang nanood ng live selling kaya ngayon lang ulit ako nakapag open dito at may 50+ unread na naman ako hahaha. Alam nyo ba ang saya ko talaga kasi nanalo ulit ako ng 50 pesos gcash sa palaro ng seller bago sila mag end ng Live. Ang pinahulaan ay last 3 digit ng barcode ng oishi checherya at ayun nahulaan ko "900" ang last 3 digit. May na mined ako ng worth 200 pesos pang resell ko, minus 50 sa prize ko 150 nalang binayaran ko. Last two weeks din nag live selling sila at nagpa laro sila bago mag end ang live, nahulaan ko rin "switch" na word naka 50 pesos gcash din ako last two weeks. May ge mine din ako worth 200 pesos rin pang resell ko kaya na minus ng 50 pesos, 150 nalang binayaran ko. Ang saya ko talaga, sobrang saya hihihi. Malaking amount na yun ha 50 pesos pang bawas sa ba bayaran ko hihihi. "Kris Fashion Boutique" pala name ng page ng seller baka gusto nyo rin mag mine mine sa paninda nila hihihi.
9 comments
Ayoko nanonood ng live sellinf bukod sa napagastos kana e naubos pa ang data hehhe
Ang swerte mo sis, ikaw na. Malaking bagay na din ung 50 kaya mas malaki na tubo mo nyan
congrats sis, dagdag na din yan
Ang galing sis nanalo kayo sulit rin panonood ng live :) sige sis try kong tingnan ang name ni seller.
Galing
Buti ka pa sis 50+ akin sobrang dami pa.
Congraaaaats sis! 🎉🎉
Wow ang swerte mo naman sis. Congrats!
ang swerte mo nmn po sa gnyn kelan kaya makaranas hehehe