Kanina habang nag aantay kami doon sa kalsada ng ayudang bigas galing sa barangay ay nakita namin taga VECO pa lakad lakad parang nag susurvey sa area kung ano mga sira na mga poste o wire, sabi ni nanay noong isang araw pa daw yan sila pa ikot ikot dito banda sa amin. Kanina pag uwi ko sa bahay tumawag si kuya (kapatid ni hubby) na i open daw plangko o starter kung umilaw na ba kasi umilaw na daw doon sa kalsada. Ayun pag open namin may ilaw na nga. Napa sigaw at napa talon ako sa tuwa pati si Exo nakiki talon at hiyaw na rin sa akin hahah. Ang saya lang talaga, may kuryente at enternet na kami, sana mayamaya ang tubig naman ang babalik kasi mas mahirap pag walang tubig, kaya ko pa matiis ng walang kuryente kaysa walang tubig.
2 comments
Yehey! God is really good and in perfect timing sissy. I'm so happy para sa inyong lahat na taga diyan sis.
True sissy. Maraming salamat sissy, magandang tanghali