Sa wakas nagkaroon na rin ng sariling Christmas tree sa bahay namin, for the first time sa buhay ko since birth hahahah. May nakita kasi akong Christmas tree sa ka churchmate namin tag 50+ pesos lang sa unitop nila binili, napasabi ako na may mura lang pala na Christmas tree maka bili nga rin ng ganyan para naman maranasan ko magkaroon ng Christmas tree sa bahay. Dahil empty na ang food storage ni Exo at wala na rin syang diaper kailan namin lumabas kahapon para bumili ng mga needs ni baby Exo at ulam. Mga 6pm na huminto ang ulan kaya, gabi na rin kami nakaalis, nang hiram nalang ng motor si hubby kay tatay para diritso kami sa downtown at ng maka bili ng Christmas tree. Tag 55 pesos lang yan sa unitop at may fairy lights ako sa mga wedding decor materials ko kaya ayun kinuha ko muna hahaha. Ayan na muna for now, hahanap pa ng ma recycle pang sabit dyan sa little Christmas tree namin. Or baka ganyan nalang talaga yan hanggang matapos ang December hahaha dipindi pag may budget pa, ang importanti may Christmas tree at mas lalong maramdaman ang Christmas hihihi.
7 comments
Para xmas feel din ang dating oag may xmas tree kase
Ako din po wala pa kaming christmas tree na ganyan since birth..christmas tree namin dati noong elementary pa ako ay yung maliit na puno na kukunan ng balat...
Mabuti sis meron kayo non, kami talaga wala kahit diy na Christmas tree hihihi.
Maganda kasi makita ang ganyang christmas tree para kahit papanao may sigla na makikita
Yey, ang cutie ng Christmas tree. Okay na yan simple basta happy, safe, and healthy lang lagi.
Kay ganda pagmasdan ng binili mo na Christmas tree. Matutuwa niyan si Exo 🤗.
Wow ang mura Ng Christmas tree sis ang laki na rin niya. Makabili nga Rin sa unitop haha Kasi hindi ko alam saan unitop dito haha. Ang ganda sis.