Nakahiga kami ni baby kanina nag mommamilk sya sa akin at biglang huminto tumingin sa akin at nag sabi ng "eat ko fish and rice please mama" Ako naman syempre bigla bumangon at kumuha ng request nya hihihi. So fish&rice ang kanyang morning snacks kanina. Sa gawa ng papa nya na table pa sya kumain hihihi. Nakakamay din kumain, nagaya nya sa akin na tuwing kakain ako ay nag kakamay talaga kasi ako feeling ko kasi busog na busog satisfied ako pag nagkakamay kumain eh hahaha.
6 comments
Mabuti pa sya sis, kumakain ng fish yung pamangkin ko hindi.. Gusto nya lang yung kanin at may sabaw..
Ayos lang yan sis atleast gusto nya sabaw andun ang mga katas sa sabaw maraming vitamins hihihi. Soon magustuhan nya rin yan ang fish
Ewan ko dun sa pamangkin kung yun. Ayaw nya sa ibang pagkain. Basta kanin and sabaw lang sa kanya.. haha.. Kahit gulay at karne ayaw din.
Hihihi, ganyan din si Exo, sabaw at kanin din palagi sis. Hihihi. Minsan lang kami maka bili ng fish or mga karne
Ayos yan sis para mas healthy sya
Salamat sis. Magandang hapon