read.cash Log in

@WhyEugene

Joined 11 September 2022 · 1819 posts

Nice Guy. 😉

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@WhyEugene

Hopia Ube. 😋 Kain po tayo ulit. 😂 Kakatapos ko lang kumain ng hapunan pero may nakita akong hopia ube sa lamesa. Masarap siya purong ube talaga yung nasa loob niya. 😋 Nanunuod kami ngayon ng comedy horror yung pamagat ng movie Coodies mga teacher yung bida kasi lahat ng studyante naging zombie. Panuorin niyo na lang para ma-experience niyo din yung entertainment. 😁 Mas maganda panuorin ito with friends o katrabaho lalo na kapag teachers. 🤭

@WhyEugene

Tempura. 🦐 Seafoods muna kami ngayong gabi kaya gumawa at nagluto kami ng tempura kami ng bahala kung anong sawsaw ang aming gagawin pero ako toyo at kalamansi na may sila. 😂👍 Maganda nangyari sa akin ngayon lunes hindi ko akalain na tatawagan ako ngayong hapon para interviewhin ako at maganda naman ang naging resulta napasa ko daw yung interview antayin na lang daw ang susunod na tawag para sa pangalawang interview at yung CEO na mismo ang makakausap ko. Medyo kinakabahan pero hindi dapat kasi para sa akin naman ito kaya lalakasan ko ang loob ko. 🙂

@WhyEugene

Ham and Cheese Bread. 🥐 Binalikan ko yung binibilhan ko ng tinapay sa Cavite tagal ko na din kasing nawala kaya namiss ko ito buti na lang nandun pa din yung Furtune Bakery kasi naalala ko dito yung lola ko lagi kaming nabili dun kasi ang daming masasarap na tinapay. 🙂 Yung pinambili ko ng tinapay napanalunan ko sa Go Banna sa Lotto yung isang daan ko naging dalawang daan kaya nadoble yung pera ko tapos nung may mga nakakakita sa akin na nanalo ako nagsibilihan na rin grabe talaga yung saya ko kanina. 😂

@WhyEugene

Ube. 😁 Nabili namin sa small market na malapit sa lugar namin kasi naghahanap kami kanina ng aming hapunan pero tapos na kaming kumain kaya it's ube time. 😁 Nanunuod kami ngayon ng Running Man sa GMA Network kasi naumpisa namin yun kahapon kaya ipagpapatuloy ngayon. Nakakatuwa talaga panuorin pero alam naman nating ginaya lang sa ibang bansa yung game show pero dun din naman nila ginanap yung show tsaka mga sikat na artista sa pilipinas naman yung gumanap kaya sobrang entertainment. 😉

@WhyEugene

Breakfast. 😁 Good Morning. Di na kami pumunta sa birthday ng pinsan ko dahil sa lakas ng ulan may bagyo kaya luto na lang ng breakfast. 🙂 Sinundan lang namin yung nasa cooking book kung paano gumawa ng tuna breakfast pero yung iba additional na lang. 😂 Tara kain po tayo. 😁

@WhyEugene

Puto. 🙂 Birthday ng pinsan ko bukas panigurado may cake na bibilhin yun kaya ang binili ko yung puto para maiba naman. 😂 Pupunta kami mamaya kapag natapos namin panuorin yung running man sa GMA Network kasi mag uumpisa na mamayang 7:00pm.😁

@WhyEugene

Suha. 😄 Dahil lumuwas yung mama ko papuntang La Union tapos pagbalik niya dito sa Cavite meron na siyang dalang suha binigay daw mga kaibigan niya doon. 😁 Kakainin na dapat namin pero magbibirthday pinsan ko bukas kaya dadalhin na lang namin doon dahil kami-kami lang naman. 🙂

@WhyEugene

Heavy Rains. Buti na lang nakauwi ako ng maaga kasi kanina galing pa ako sa interview ko para sa inaaplayan ko sa company hindi ko pa naramdaman yung malakas na ulan. 😄 Sabi sa news ngayon pala papasok ang bagyong henry kaya pala maaga din kami pinauwi kahit interview. Sana naman matawagan ako para sa orientation.😄

@WhyEugene

Finished Knot. 😮 Ang ganda naman pala ng resulta kapag natapos na pinagpuyatan nila tita ito tsaka nilagyan yan pa ng mga design para lalong gumanda. ☺️ Pero may naisip akong bagong idea sabi ko sa tita ko pwede silang gumawa ng parol sa pamamagitan ng ginawa nila ber months naman kaya pwede na. 😂

@WhyEugene

Knot 😄 Ginagawang libangan ng mga kababaihan dahil nauuso sa panahon ngayon tulad na lang nitong ginawa ng tita ko di niya pa tapos pero ang plano niyang gawin dito sabitan ng mga paso o bote tapos isasabit kung saan bagay. 😄 Ako lang itong excited na makita yung resulta. 😅 Kayo po mga girls natry niyo na ba ito?

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. 😁 Nagluto si mama ng ulam namin nilaga na may kasamang mga dates na hindi ko alam na pwede pala yun pero ang importante makakain na kami ng tanghalian dahil may pupuntahan pa kaming meeting sa school ng kapatid ko. 😀 Tara kain po. 😉

@WhyEugene

Headlight. 😁 Dahil pundi na ang aking headlight sa motor, dumaan muna ako sa motor shop and accessories para bumili ng bumbilya ng headlight. 💡 Sabi ko pabili po ng headlight yung puti yung ilaw pero ang binigay sa akin blue yung bumbilya akala ko white light pero yellow light naman kaya pumunta ako sa ibang motor shop yung nakausap ko chinese yung owner nakaintindi ng tagalog at alam niya yung kailangan ko. 😁

@WhyEugene

Buko Pie. 🤭 Sinubukan ng tita ko gumawa ng buko pie, kasama niya ako sa pamimili ng mga ingredients para may taga bitbit. 😂 Syempre ang una naming binili ay buko pero iniwan niya muna ako dun saglit para makabili pa ng mga kailangan kasi kakayasin daw ng pahaba yung laman pero yung tubig ininom ko. 😁 Nung nakauwi na sa bahay, tulong sila ng mama ko sa paggawa. Tinikman ko at sobrang sarap parang pwede na din kami mag business. 😁

@WhyEugene

Ninong Feels. 😁 Sarap pala sa pakiramdam maging ninong kapag yung inaanak mo nagugustuhan yung binigay mo parang magulang na rin ako. 😁 Ngayon ko lang nakita itong inaanak ko na anak ng pinsan ko nakalista pala ako sa pagbinyag sa kanya pero kung nalaman ko yun hindi rin ako makakapunta dahil busy pa ako sa work nung may trabaho pa ako pero may good news for interview ako sa September 3 makakabawi din sa mga inaanak kapag na-hired na ako. 😂

@WhyEugene

Moon Cake and Creamy Caramel. 🍰😋 Ito ang aming desserts panghimagas pagkatapos kumain ng hapunan ngayong gabi. 😁 Dalawang tulog na lang September na mukhang mapapakanta na naman tayo ng Christmas Songs tsake may mga memes na magsisilabasan. 😂

@WhyEugene

Kakanin 😋 Tara meryenda po tayo ng kakanin yung paborito ko dito yung ube sobrang sarap at tama lang yung tamis niya. 😋 Gagawa sana yung tita ko pero syempre dami ng inaasikaso kaya bumili na lang sa labas. 😁

@WhyEugene

Handaan sa Fiesta. 🙂 Simpleng handaan lang para sa amin at sa mga mamimiesta sa amin. Kailangan din namin ng bisita dahil may pamahiin na papasok din ang mga blessings. 😊 Marami sa atin ang hindi naintindihan yung mga celebration dahil iba't-iba tayo ng mga relihiyon pero para sa akin walang masama kung makikisaya. 😁 Tara kain po tayo. 😄

@WhyEugene

Parada. 📯💂🏻‍♂️ Nanunuod kami ng iba't-ibang parada ng mga bawat barangay dahil fiesta. Labanan pala ito kung sino ang mapipili ay makakatangap ng premyo galing kay Mayor. 👍 Nakakamangha talaga panuorin mga ganito kasi nanunuod ka lang mapapasayaw ka pa. 😂

@WhyEugene

Perya. 😉 Ang daming mga rides sa peryahan mukhang simple lang sakyan pero kapag nakasakay ka na grabe mapapakapit ka na lang tulad na lang nitong tinatawag nilang octopus habang umiikot, umiikot din yung sinasakyan mo. 😄 Nakasakay na ba kayo dito? 😁

@WhyEugene

Fiesta 🎉🎊 Nung August 28 nagsimula yung fiesta sa Tanza, Cavite. Nanuod kami ng mga event nung gabi na yun tulad na lang ng mga makukulay na fireworks parang nag celebrate lang ng bagong taon tapos ang daming mabibilhan. 😄 Yung nakakaaliw dun yung may lalabas na higanteng statue na may mga dalang paputok hahabulin yung mga tao ang tawag nila doon ay "Toro" iiwasan mo talaga dahil yung mga paputok parang rackets kung saan-saan napunta tapos biglang umulan kaya basa kami nung umuwi ng bahay. 😁

@WhyEugene

Traffic. 🚛 Ngayong gabi, papunta kami sa pinsan ko dahil fiesta sa kanila sa linggo kaya ngayon na kami pumunta para hindi kami maabutan ng road closed pero natagalan kami dahil sa truck na ito mga 3 hours din ang tinagal. Pero ok lang basta makarating lang sa pupuntahan. 😁

@WhyEugene

Face to face classes. 😊 Sinundo ko yung kapatid ko sa school niya dahil uwian na niya. Nakita ko yung mga kasabay kong mag susundo din hindi sila mapakali dahil iniisip nila yung kalagayan ng mga mag aaral tapos hinarang pa ng guard kaya lalong nag alala. 🙂 First ng face to face kasi kaya hindi maiiwasang mag alala pero masasanay din yan. Ako nga binilhan ko ng bike yung kapatid ko para sa pagpasok niya. 😄

@WhyEugene

Lumpiang Gulay with Giniling. 😋 Kain muna kami ng tanghalian habang malakas ang ulan sa labas. 🙂 Nag-aalala na kami sa kapatid ko na face to face ngayon ang klase, gusto sana namin tingnan kong ok lang siya dun kaso umuulan ok naman siya siguro doon malaki na eh. 😂

@WhyEugene

Laundry. 🌪️ Ngayon pong umaga ay maglalaba kami ng aming mga damit sa pamamagitan ng bagong washing machine. 😉 All-in na po ito dahil kusa na siya mag drain at magiging dryer pagkatapos. Magagawa mo pa ang mga gusto mong gawin dahil hindi mo kailangan bantayan. 👍 Future is real. 😁

@WhyEugene

Dinner Time. 😋 Tara kain po tayo. 😁 Nanunuod kami ngayon ng Lolong habang kumakain ng bacon at porkchop. 🥓 Kailangan namin matulog ng maaga dahil madami kaming asikasuhin bukas tulad na lang ng kapatid ko face to face na start bukas at ako naman busy sa paghahanap ng work. 😉

@WhyEugene

Tata Osteng. 🙏 Malapit na po ang fiesta sa tanza at syempre exciting ito dahil nung mga nakaraang taon hindi natuloy mga fiestahan sa lugar gawa ng pandemic pero ngayon hindi na gaano mahigpit kaya tuloy na ang fiestahan. Nandun pa din naman ang pag iingat basta susunod lang sa protocol na mag suot ng face mask. 😁 Sabi kapag humiling ka kay Tata Osteng, matutupad yun kaya kahit kung nasaan man kayo naruroon ngayon, pwede kayong humiling sa kanya. Amen. 🙏

@WhyEugene

Dwarf Coconut Tree. 🌴 Ang cute ng mga maliliit na puno ng mga buko nakita ko lang dito sa clubhouse. Sabi nga ng tita ko gusto niya din ng ganyan sa garden niya. 😂 Sabi ng caretaker sa Tagaytay pa daw galing mga halaman na iyan kahapon pinadala. 😁

@WhyEugene

Champorado. 😋 Shalala, Champorado in the morning... 😁 Yes, ang aming umagahan ay champorado, ginamitan ng tableya na galing pa sa Bohol. 👍 Pwede naman siya sa hot choco pero gusto ko ng champorado. 😁 Tara kain po tayo. 😄

@WhyEugene

Bubble Machine Gun. 😀 Dumating na yung inorder ko para sa Birthday ng kapatid ko. Pinabukas ko na agad sa kapatid ko at nung nagamit na wow sobrang ganda pati ako sinubukan ko yung item. 😂 Nakakawala pala ng stress ito tsaka pwede mo din itong gamitin sa pag picture-picture. 👍

@WhyEugene

Jobseeker. 🔍 Naghahanap ako ng trabaho pero sabi sa akin ng taga PESO punta na lang ako sa Job Fair tuwing biyernes ginaganap sa isang mall. 🙂 Kaya dinamihan ko na pag print ng resume para madami akong ma-apply syempre first come, first serve. 😁

Everything by @WhyEugene, by month