read.cash Log in
@WhyEugene more from that month

Guys, mag ingat po kayo sa panahon ngayon dahil nauuso na naman ang modus ng Laslas gang tingnan niyo po kahit nakashort na ako pagpunta sa Mall nilaslasan pa din ako at nilakihan pa akala may makukuha sa akin. Nag umpisa yun nung kumain ako sa isang kilalang fast food tapos may lumapit sa akin at may nilagay na envelope sa table ko. Dahil wala akong maibigay hinayaan ko lang sa table tapos nung palabas na ako ng mall napansin ko na nalaslasan na pala ako. Buti na lang hawak ko yung mga gamit ko at di ko nilagay sa aking bulsa kaya walang nawala sa akin. Buti magaling ako magdala kahit nakikitaan na ako ng brief sige lang lakad ko. Kaya ingat po kayo... Sa CSI Mall La Union po nangyari. 🙂

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.