Good Evening Boys and Girls. 😊 Akalain mo yun, 3 years na sa akin yung bike ko na ito kasabay ng motor ko kasi dati problema ko yung mahirap pumasok sa trabaho walang masakyan tapos malayo pa sa mismong kalsada kasi papasok yung bahay na tinirahan namin sa tita ko kaya napabili ako ng bike pero nakakapagod naman mag pedal kasi papasok pa lang pagod na agad kaya nasundan ng motor at salamat sa panginoon dahil full payment na ako sa motor ko. 🙂 Ngayon bumukod na kami pero sa rent house muna kasi nag iipon ako para sa Future house ko actually ako nga lang dapat pero naawa ako sa mama at kapatid walang mapagiiwanan. Malapit sa Highway yung nirentahan naming bahay kaya madali na akong makakapasok sa trabaho pero motor pa rin yung gamit ko. Yung bike ko ginagamit ko na lang pang exercise sa umaga, pinagiisipan ko pa kung ibebenta ko yung bike. Ang akala ko nga pamilya ang kalakasan pero sa sitwasyon ko sila yung kahinaan ko kasi para akong nakatali na gusto kong makawala tapos dinudurog yung puso ko kaya gusto ko man magkaroon din ng sariling pamilya hindi ko pa magagawa pero syempre hindi ko hahayaan yun kasi pagsisihan ko din yun sa pagtanda ko. 😐 Dinadaan ko na lang sa panalangin sa panginoon yung problema dahil alam kong pagsubok lang ito at malalampasan din mga yan. 🙏
No comments yet