read.cash Log in
@WhyEugene more from that month

Magandang Gabi sa inyo. ๐Ÿ˜ Gusto niyo ba ng kwento ngayong biyernes ng gabi? Ok simulan na natin. Ito ang kwento ng isang dalagitang dayo sa probinsya at dahil semester break na sa kanilang eskwelahan sa seyudad, niyaya siya ng kanyang kaibigan na sumama mag bakasyon sa kanilang probinsya. Dahil kaibigan niya ito, hindi niya ito tinangihan kaya nagpaalam siya sa magulang niya na sasama siya sa kanyang kaibigan mag bakasyon sa probinsya at agad namang pumayag. Tinawagan niya ang kanyang kaibigan na pinayagan na siya. Umalis na sila sakay ng bus at nakarating na sila ng hapon at sumakay sa tricycle. Nung pababa na sila sa tricycle, sinasabihan siya ng manong driver na mag iingat ka neneng lalo na at hindi ka pamilyar dito sa lugar dahil halata sa kilos mo na di ka sanay sa buhay probinsya. Sabi naman nung kaibigan niya na manong driver akong bahala sa kaibigan ko, ako nagyaya sa kanya dito. Pag dating nila parang may fiestahan nagaganap. Pinakilala siya ng kanyang kaibigan sa mga magulang at mga kamag-anak nito dahil magkakatabing bahay lang ito. Dahil napagod sila sa byahe, pinakain na sila para makapag pahinga pagkatapos. Ang mga nakahanda sa lamesa ay bulalo, longganisa, pritong manok, pritong isda, pritong atay at dinuguan. Dahil hindi kilala ng dalagita ang ibang pagkain, ang pinili niya ay pritong manok dahil sanay siya sa mga fastfood. Pagkatapos nilang kumain, inaasikaso na nila ang kanilang tutulugan tapos nakita ng kanyang kaibigan yung suot niyang kwintas sabi nito wow ang ganda naman niyan pwede ko bang hiramin? sabi niya bigay sa akin ng mama ko ito pero sige basta wag mo lang iwawala. Habang natutulog na yung kaibigan niya, siya ay pupunta sana sa cr pero may narinig siya na kapag tulog na yung dayo, kunin niyo na at ating ihanda sa gabi. Naiisip niya na planado yung pagyaya sa kanya ng kanyang kaibigan mga aswang pala ito at gagawin pala siyang pagkain ng buong kamag-anak. Narinig din niya na papunta na ito sa kwarto kaya ang ginawa niya tinakpan niya ng kumot ang kaibigan niya at siya din ay nagtaklob. Pagpasok ng mga ito naguluhan sila kung sino sa dalawa yung dayo kaya tinatawag nila yung pangalan ng kaibigan niya pero siya yung sumagot kaya tinakpan agad yung bibig at dinala palabas habang nakabalot pa din ng kumot sabi pa nila na sumunod ka na lang. Habang nasa labas na ang lahat at busy sa pagpapakulo ng mainit na tubig sa malaking batya, pagkakataon na ng dalagita na makatakas sa kanyang pagtakas nakita niya yung tricycle driver na naghatid sa kanila na nakatali sa puno agad niya itong tinulungan. Sabi sa kanya mabuti at nakaligtas ka neneng dahil ako muntikan na din isasabay daw sana ako sa iyo. Habang tinatatangal yung tali narinig nila ang malakas na mga ungol, nakita na kasi nila na hindi yung dayo yung nakuha nila. Nag madali na sila para makatakas at buti na lang nandun yung tricycle kaya agad silang nakaalis. Hinatid siya ng tricycle driver sa police station para ikwento ang mga nangyari at magpalipas ng gabi. Kinaumagahan pinuntahan ng mga pulis yung lugar na sinasabi ng dalagita ngunit wala silang nakita kahit sinong tao. Hinatid na din siya nito sa kanilang lugar sa seyudad at nabalitaan na din ng magulang ng dalagita. At dito na po nagtatapos ang kwentong ito sana close pa din kayo ng kaibigan mo kapag nabasa mo ito. Trust issue yern. ๐Ÿ˜ Ok Good Night. ๐Ÿ˜…

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.