Good Evening Boys and Girls. 🙂 Pumunta kami kahapon sa Ilocos Norte dahil may work event doon. Kausap ko yung katrabaho ko na nasa La Union sabi niya ang lakas ng lindol pero kami hindi kami naniniwala. Nung nasa Ilocos Norte na kami, nagtaka kami kung bakit lahat ng tao nagsisilabasan sa mga building yun pala lumilindol na. Hindi namin naramdaman dahil nasa loob kami ng sasakyan habang umaandar. Nakarating naman kami sa aming pupuntahan akala nga namin hindi na kami matutuloy dahil sa inaantay ang after shock. Nung tumitingin kami sa social media, grabi pala ang lakas ng lindol 7.3 magnitude madaming nasira na gusali tapos ang ginawa ko tinawagan ko na sila mama kung ok lang ba sila buti na lang ligtas sila. Sunod kong tinawagan yung katrabaho ko na nasa office sa La Union pinalabas nila mga clients buti at suspended na lahat. 🙏 Yung pinsan ko sa Cavite nagsabi din na lumindol daw kaya lumabas siya sa building na pinagtratrabauhan niya.
No comments yet