read.cash Log in
@WhyEugene more from that month

Magandang Hapon Guys, 😐 Hindi ako natapos sa aking rehistro ng aking motor dahil down system daw ang LTO. Kanina pa akong umaga nakapila mga 11am dahil tinapos ko yung emission testing inabot na ako ng 5pm tapos binigyan na lang ako ng number para sa susunod na araw sabi ko holiday po bukas dahil La Union day March 2, pero ganun pa din pero di na daw ako pipila nun. Pumayag na din ako dahil ito na lang ang kailangan para matapos na tsaka may na-achieve naman ako kahit papaano kasama ko yung mama ko kaso di na ako nakapasok ng trabaho.🙂 Pero nakapunta pa ako ng office dahil may pinahanap sa akin si sir. 😊 Wala namang client nung pumunta ako ng office tsaka ginawa ko DTR ko kasama yung katrabaho ko at sinend sa aming coordinator. 🙂 Pahinga muna ako at dahil holiday sa La Union bukas March 2, balak namin maligo sa dagat para yung stressed namin mailalabas doon. 🙂

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.