Good Evening Boys and Girls. π Nakapulot po kami ng pusa kanina habang pauwi kami galing sa pagligo sa dagat. Wala kami sa bahay kaninang umaga dahil may advisory na mula 6am to 6pm walang kuryente kaya naiisipan na lang naming gumala at maligo sa dagat. Kaya ko siya napulot kasi muntikan ko na siyang masagasaan ng motor pero buti na lang alerto at bigla akong huminto. Sa aking paghinto, pumunta siya sa poste ng kuryente malapit sa tulay kaya tiningnan ko muna kung may amo siya baka nasa paligid lang pero mukhang galang pusa ito kasi walang tao at malapit pa sa tulay kaya ang ginawa ko pinakuha ko sa kapatid ko na angkas ko sa motor.π May nakita din akong pet shop kaya nakabili ako ng pantali kasi baka tumalon sa motor. π Ang ganda ng kulay niya kasi paborito ko talaga orange tsaka maamo yung pusa ang itatawag ko na lang sa kanya Orang.π
1 comment
Ang cute naman niyan parent leon ang kulay niya.π