read.cash Log in
@WhyEugene

@WhyEugene in August 2022

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. ๐Ÿ˜ "PASALUBONG" Ang nakasanayan na ng mga pinoy kapag dadalaw sa kakilala o kamag-anak na galing sa malalayong lugar o kahit pauwi na sa bahay. ๐Ÿ˜ Syempre mapabata o matanda gustong-gusto natin ng pasalubong pero ang importante sa lahat ay yung nakarating ng ligtas yung taong may dala ng pasalubong. ๐Ÿ˜๐ŸŽ‰

@WhyEugene

Egg with tomatoes. ๐Ÿณ๐Ÿ… I just came home from work and I was alone in the apartment because my mom went to Cavite with my sister. I was hungry so I just cooked an egg and put tomatoes on it. ๐Ÿ˜‹

@WhyEugene

Time Check is 12:33 Midnight in the Philippines. ๐Ÿ˜ŠโŒšโ˜‘๏ธ I was hungry so I just cooked some early breakfast. ๐Ÿ˜‹ Soon I'm moving out because I'm going back to my home town Cavite. More than three years here in La Union working as Data Encoder from government and now I submitted my resignation letter effectively August 15.

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. ๐Ÿ˜ Ang plano ko dapat ay mag motor mula La Union hanggang Cavite kasi pabalik na ako sa aking home town pero habang tumitingin ako sa aking fb account may nakita akong puro check point sa Manila kaya napapaisip ako kung tutuloy ba ako kasi yung nabili kong motor wala pang plate number, temporary plate lang meron. ๐Ÿ˜ Nagtanong-tanong ako sa terminal ng bus kung kasya ba yung motor dun sa lagayan sa baba sabi kasya naman daw pero iCargo daw taposโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. ๐Ÿ˜Š Ang hirap pa lang pumasok sa online selling kasi may nag order sa akin bibilhin daw yung tatlong klase ng damit, nag usap kami kung saan magkikita pero walang dumating kaya pinalampas ko muna yung scam na yun sinubukan ko ulit may umorder ulit na kukunin na din yung tatlo, naku po na-ghosting ako. ๐Ÿ˜ Di bale kapag hindi ko naibenta ito, pamimivay ko ng libre. ๐Ÿ‘โค๏ธ

@WhyEugene

I can't wait to taste the Lomi Batangas again. ๐Ÿ˜‹ Tatlong taon mula nung mapunta ako sa La Union pero ngayon babalik na ko sa Cavite. Lagi ko itong kinakain sa Rosario, Cavite kapag tapos na trabaho ko sa dati kong work. ๐Ÿ˜‚ Sinong nakakain na ng ganito sa inyo? ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Evening Guys. ๐Ÿ˜ Naalala ko yung concert ng bandang Sponge Cola sa labas ng mall kasi galing ako nun sa mall para mag window shopping sakto paglabas ko nakita kong naguumpisa na yung concert kaya pumunta ako sa backstage para tingnan sana kaso sinita lahat ng nasa backstage ng mga security guard kaya umuwi na lang ako, di ko na tinuloy panuorin nung mga oras na yun kasi naisip ko mahihirapan din akong makauwi sa sobrang dami ng tao baka mag siksikan na naman sa jeepโ€ฆ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. ๐Ÿ™‚ I have already been through a lot of things in life. ๐Ÿ™‚ That turned me into a fighter. ๐Ÿ‘Š I am strong and life will never get me down, because the harder I fall, the higher I bounce. ๐Ÿ’ชโค๏ธ Let's eat to Jollibee. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. ๐Ÿ˜‚ Today, I will show you my dinner for tonight. ๐Ÿ˜‹ This is beef steak with white onions dressing. ๐Ÿฝ๏ธ You want this recipe? Just follow the image below. ๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡

@WhyEugene

Dahil pabalik na ako sa aking hometown sa Cavite, bumili ako ng limang piraso nitong nasa litrato kasi nung natikman ko sobrang sarap tamang-tama ipasalubong ko sa aking mga kamag-anak. ๐Ÿ˜ Ingat na lang ako sa byahe. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. ๐Ÿ˜ Sinong nagsabi na hindi pwede ang honda beat sa expressway? ๐Ÿ˜‚ Nagkasya yung motor ko sa van papuntang Cavite atleast hindi ako pagod sa byahe. Ang dami ng nangyayari sa buhay ko kaya kapag may nagbukas ng pinto pasukan mo lang dahil doon mag uumpisa ang pagbabago sa buhay mo. ๐Ÿ˜ Actually, gutom na ako pero tiisin ko na lang at malapit naman na ako sa aking patutunguhan. ๐Ÿ‘๐Ÿผ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls.๐Ÿ˜Š May binili kaming water filter para maging malinis ang aming pag inum ng tubig at para makatipid na rin. Hindi naman siya makakadagdag sa kunsumo ng kuryente kasi kapag gusto mong umiinom, automatic siyang magbubukas. ๐Ÿ‘๐Ÿผ Dahil safety ang pinaguusapan, trusted ko itong water filter na ito. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Magandang Hapon. ๐Ÿ˜ Ang dami kong inasikaso mga papel kanina para sa pag-apply ng trabaho pero natapos ko na din lahat kaya sa pag apply na lang. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ‘ Nandito ako sa Landmark ng Trece Martires City, Cavite madaming ng nag bago dahil 3 years akong nag trabaho sa La Union. Buti at hindi ako nahirapan kumuha ng mga papeles tulad ng barangay clearance. ๐Ÿ˜ Yung mga ka-batch ko gusto ko sanang kamustahin pero syempre mga busy na rin sa buhay kaya tsaka na lang kapag may time tsakaโ€ฆ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. ๐Ÿ˜ Niregaluhan ako ng tito ko ng retro games. Nung nilaro ko yung mga laro parang bumalik yung pagkabata ko kasi ito yung nilalaro ko nung bata pa ako. ๐Ÿ˜ Maganda siyang i-display sa aking kwarto para maging time capsule magamit pa ng susunod ng generation ng pamilya. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Nagkabit kami ng maka-bagong orasan malapit sa hagdan kanina. Nung natapos namin napakaganda nga siyang tignan. ๐Ÿ˜ฎ Parang nasa lobby ka lang ng hotel. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. ๐Ÿ˜ Palubog na ang araw, nakapagluto na po ba lahat ng hapunan? ๐Ÿ˜‚ Sayang binenta pa namin yung rice cooker namin kasi yung rice cooker sa nilipatan namin sobrang liit pang isahang tao lang. Di bale kapag nakahanap na ng bagong trabaho pag-iiponan ko yun para kahit may bisita sa amin di kami mamomoblema sa pagsaing. Sa ngayon dalawang saing ang ginagawa ko para sa amin tatlo lang kami nila mama kaya pagkakasya muna namin. ๐Ÿ˜Š

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. ๐Ÿ˜ Sinubukan namin itong walkie-talkie kung hanggang saan aabot yung pakikipagusap. Mula sa bahay hanggang labasan sa gate malinaw pa rin yung marerecieve na voice message. ๐Ÿ˜ฎ Sobrang nakakamangha talaga hindi muna kailangan magload ng magload mag charge lang abot naman kahit malayo. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Ang lakas maka-throwback sa akin nitong isang baldeng assorted ng biscuits kasi naalala ko nung bata pa ako lagi kaming pinapasalubungan ng lolo't lola ng ganito tuwing dadalaw. ๐Ÿ˜ Pero ngayon nasa kabilang buhay na sila kaya sobrang memorable sa akin ang ganito tita ko naman yung bumili. ๐Ÿ˜Š

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. ๐Ÿ˜ Jogging-jogging lang ngayon umaga at nakakita ako ng old playground kaso di ko alam kung safe pa bang gamitin ito tsaka umulan kaya basa yung mga nasa paligid. ๐Ÿ˜ Maghahanap na rin ako ng aking breakfast kasi nakakagutom. ๐Ÿ˜†

@WhyEugene

Tangalin na po. ๐Ÿ˜ Tara kain po tayo ng sinigang na baboy kakaluto lang po dahil kagagaling lang sa palengke tsaka nagtanong na rin kami sa pagpapakabit ng internet. Nung tinuturo namin yung lugar namin wala daw available na slot doon kaya magtatanong pa kami sa iba pero bago yun uwi muna kami para makakain. ๐Ÿ˜Š Masarap kumain kapag may sabaw. ๐Ÿ˜‹

@WhyEugene

Time Check 3:23 pm August 18, 2022 Grabe lakas ng ulan kaya nag charge na ako ng mga gadgets kasi panigurado may kasama itong brownout sa lakas din ba naman ng kulog at kidlat. ๐Ÿ˜ฌ Yung mama at kapatid ko nasa meeting pa naman sila ngayon sa school para sa face to face classes sana may dala silang payong. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Sa ating mga kababayang Treceรฑo, kanina lamang po pasado ala 4 ng hapon ay may 3 taong tinamaan ng kidlat na pawang mga residente sa ating Lungsod. Nangyari po ito sa may pilahan ng tricycle malapit sa Queenโ€™s Joy Resort. Sa paunang ulat ay isa sa tatlo ay binawian na ng buhay. (Source: CDRRMO). Doble po ang gawing pag iingat at narito po ang mga โŒ hindi dapat gawin sa kasagsagan ng pagkidlat: 5 Things You Should Never Do During a Lightning Storm Playing in the rain is oneโ€ฆ

@WhyEugene

Sobrang lakas pa rin ng kulog at kidlat yung katabi napapasigaw sa gulat, nandito kami sa meeting para sa face to face classes pero hindi na tinuloy dahil nag brownout tsaka may natamaan na pala ng kidlat kaya nagsiuwian na kami. ๐Ÿ˜ฌ Ingat po tayong lahat. ๐Ÿ™‚

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. ๐Ÿ˜ Ang aming tanghalian ngayon ay adobong baboy. ๐Ÿ‘ Inaantay namin yung magkakabit ng internet kaso di pa rin dumadating gawa malakas na kulog at kidlat kaya kung hindi sila makakapunta maiintindihan namin. ๐Ÿ™‚ Kain po kayo gan. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Meryenda po tayo. ๐Ÿ˜ Habang nag iinit ng tubig pang kape namin, yung kapatid ko naman yung naglalagay ng palaman sa tinapay kaya nakaisip ako ng katuwaan. ๐Ÿ˜‚ Dahil sabi niya baka hindi daw kumasya yung palaman kaya pinalaki ko yung palaman. ๐Ÿ˜‚ Buti na lang sinasakyan ng kapatid ko yung trip ko. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Ang dami ng nauusong mga electronics sa panahon ngayon kasi gumagamit na lahat ng kuryente tulad na lang nitong lighter, di na kailangan lagyan ng gas kasi icharge na lang at matagal pa malowbat kasi minsan lang gamitin. ๐Ÿ™‚ Nilalagay ko sa mataas na lugar para di maabot ng mga makukulit na bata baka kasi mapaglaruan kaya safety first. ๐Ÿ˜‰๐Ÿ‘

@WhyEugene

Here's our dinner for tonight. ๐Ÿ˜ Pansit Canton with vegetables. ๐Ÿ˜ Mas pinasarap pa ang nakasanayang pansit canton dahil mas maganda kung hahaluan ng gulay para maging masarap ang kainan ng buong pamilya. ๐Ÿ˜๐Ÿ‘

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. ๐Ÿ˜ Gumawa po ako ngayon ng homemade pizza para sa aming umagahan. ๐Ÿ• Inagahan ko ang pagluto dahil may iba pa akong gagawin, tutulong pa ako sa mama ko magtanim sa labas ng halaman. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Umagahan at tanghalian. ๐Ÿ˜ Sinabay ko na ang umagahan at tanghalian ko kasi nakahanap ng pahinga ang aking katawan kaya magiging active ako maghapon. ๐Ÿ˜ Kailangan ko ipaayos yung ilaw ng motor ko sa harapan nag blink baka malapit ng mapundi yung ilaw. Napansin ko nung tumapat ako sa sasakyan nung umalis ako kaya natatakot na din akong mahuli. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Meryenda Time. ๐Ÿ˜๐Ÿ‘ Gumawa kami ng homemade cookie brownies. ๐Ÿช Mga 30 minutes lang namin sinalang sa oven para makain siya ng malambot tsaka may mga bata kaming kasama kaya kailangan malambot lang. ๐Ÿ‘ Meryenda po kayo gan. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Dinner time. ๐Ÿ˜ Dahil family day ngayong linggo, nagluto kami ng isang trey ng spaghetti. Naging special ang luto namin dahil tulong-tulong kami sa pagluto nito making with love. ๐Ÿ’• Ang sarap talaga ng kainan kapag may kasama kang kumakain sa lamesa nakakagana kumain kapag may kakwentuhan, mapapasaya niyo ang bawat isa. ๐Ÿ‘

@WhyEugene

Garlic Bread. ๐Ÿฅ–๐Ÿ˜‹ Sinong hindi magsasawa dito sa tinapay na ito eh sobrang sarap kaya nitong tinapay. ๐Ÿ˜‹ Gumawa yung tita ko ng garlic bread yung tinapay binili niya sa mall yung mahabang tinapay. Trip ng tita ko mag oven ngayon. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

White Rabbit. ๐Ÿฐ Buti na lang nakabili pa ako ng paborito kong candy yung White Rabbit kasi paubos na sa binibilhan ko sa Chinese Store. Nagustuhan ko ito kasi pati yung balat na puti pwedeng kainin tsaka di nakakasawa yung lasa niya. ๐Ÿ˜๐Ÿ‘ Binilhan ko na rin mga pinsan ko kasi paborito din nila ito nung mga bata pa kami ito na talaga yung trip namin bilhin sa tindahan. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Insenso. ๐Ÿ™‚ Galing yung tita ko sa Baclaran Church, bumibili siya ng insenso pero ibang klase ito kasi ang daming kulay. Nakasanayan na namin mag pausok sa bahay dahil sa lola ko para daw maalis yung mga bad spirits sa bahay pero syempre kailangan naming lumabas ng bahay para hindi namin malanghap yung usok. ๐Ÿ™‚

@WhyEugene

Banana. ๐ŸŒ Kakahinog lang po ng bigay na saging sa amin ng aming kapitbahay noong isang linggo kaya pwede ng kainin. ๐Ÿ˜Š Ayaw pang kainin ng kapatid ko dahil may itim daw yung balat sabi ko ok lang yan sa loob naman malinis. ๐Ÿ˜ Gagawin ko na lang banana shake para sa kanya. ๐Ÿ‘

@WhyEugene

Prepaid Wi-Fi. ๐Ÿ“ก Pansamantala munang ito ang aming gagamitin para kami ay magkaroon ng internet dahil sa kadahilanang wala daw linya na available sa aming lugar kaya ang ibig sabihin lang nun ay wala pang nagpapakabit sa lugar namin ng internet kaya buti na lang pinahiram sa amin ni tita yung prepaid wi-fi. ๐Ÿ˜ Sabi sa amin kailangan daw makipagugnayan sa office ng Home Owner Association sa lugar namin at humanap din ng gustong magpakabit ng internet para magkalinya. Kailanganโ€ฆ

@WhyEugene

Mushroom Soup. ๐Ÿ˜‹ Ang aming breakfast ngayong umaga, pampalasa sa kanin. ๐Ÿ˜ Maaga kami ngayon dahil niyaya kami ng barangay na mag second booster mga 8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali. Sana wag kami lagnatin lalo na yung kapatid ko face to face classes sa huwebes. ๐Ÿ™‚

@WhyEugene

Booster. ๐Ÿ’‰ Ngayong umaga, may ginanap sa aming barangay na pa-vaccine at booster. Yung mama at kapatid ko lang yung nabakunahan ng 2nd booster kasi ang category ko ay A4 at hindi pa daw kasali sa bakunahan ngayon kaya antay lang daw ng bagong advisory. ๐Ÿ™‚

@WhyEugene

Jobseeker. ๐Ÿ” Naghahanap ako ng trabaho pero sabi sa akin ng taga PESO punta na lang ako sa Job Fair tuwing biyernes ginaganap sa isang mall. ๐Ÿ™‚ Kaya dinamihan ko na pag print ng resume para madami akong ma-apply syempre first come, first serve. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Bubble Machine Gun. ๐Ÿ˜€ Dumating na yung inorder ko para sa Birthday ng kapatid ko. Pinabukas ko na agad sa kapatid ko at nung nagamit na wow sobrang ganda pati ako sinubukan ko yung item. ๐Ÿ˜‚ Nakakawala pala ng stress ito tsaka pwede mo din itong gamitin sa pag picture-picture. ๐Ÿ‘

@WhyEugene

Champorado. ๐Ÿ˜‹ Shalala, Champorado in the morning... ๐Ÿ˜ Yes, ang aming umagahan ay champorado, ginamitan ng tableya na galing pa sa Bohol. ๐Ÿ‘ Pwede naman siya sa hot choco pero gusto ko ng champorado. ๐Ÿ˜ Tara kain po tayo. ๐Ÿ˜„

@WhyEugene

Dwarf Coconut Tree. ๐ŸŒด Ang cute ng mga maliliit na puno ng mga buko nakita ko lang dito sa clubhouse. Sabi nga ng tita ko gusto niya din ng ganyan sa garden niya. ๐Ÿ˜‚ Sabi ng caretaker sa Tagaytay pa daw galing mga halaman na iyan kahapon pinadala. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Tata Osteng. ๐Ÿ™ Malapit na po ang fiesta sa tanza at syempre exciting ito dahil nung mga nakaraang taon hindi natuloy mga fiestahan sa lugar gawa ng pandemic pero ngayon hindi na gaano mahigpit kaya tuloy na ang fiestahan. Nandun pa din naman ang pag iingat basta susunod lang sa protocol na mag suot ng face mask. ๐Ÿ˜ Sabi kapag humiling ka kay Tata Osteng, matutupad yun kaya kahit kung nasaan man kayo naruroon ngayon, pwede kayong humiling sa kanya. Amen. ๐Ÿ™

@WhyEugene

Dinner Time. ๐Ÿ˜‹ Tara kain po tayo. ๐Ÿ˜ Nanunuod kami ngayon ng Lolong habang kumakain ng bacon at porkchop. ๐Ÿฅ“ Kailangan namin matulog ng maaga dahil madami kaming asikasuhin bukas tulad na lang ng kapatid ko face to face na start bukas at ako naman busy sa paghahanap ng work. ๐Ÿ˜‰

@WhyEugene

Laundry. ๐ŸŒช๏ธ Ngayon pong umaga ay maglalaba kami ng aming mga damit sa pamamagitan ng bagong washing machine. ๐Ÿ˜‰ All-in na po ito dahil kusa na siya mag drain at magiging dryer pagkatapos. Magagawa mo pa ang mga gusto mong gawin dahil hindi mo kailangan bantayan. ๐Ÿ‘ Future is real. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Lumpiang Gulay with Giniling. ๐Ÿ˜‹ Kain muna kami ng tanghalian habang malakas ang ulan sa labas. ๐Ÿ™‚ Nag-aalala na kami sa kapatid ko na face to face ngayon ang klase, gusto sana namin tingnan kong ok lang siya dun kaso umuulan ok naman siya siguro doon malaki na eh. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Face to face classes. ๐Ÿ˜Š Sinundo ko yung kapatid ko sa school niya dahil uwian na niya. Nakita ko yung mga kasabay kong mag susundo din hindi sila mapakali dahil iniisip nila yung kalagayan ng mga mag aaral tapos hinarang pa ng guard kaya lalong nag alala. ๐Ÿ™‚ First ng face to face kasi kaya hindi maiiwasang mag alala pero masasanay din yan. Ako nga binilhan ko ng bike yung kapatid ko para sa pagpasok niya. ๐Ÿ˜„

@WhyEugene

Traffic. ๐Ÿš› Ngayong gabi, papunta kami sa pinsan ko dahil fiesta sa kanila sa linggo kaya ngayon na kami pumunta para hindi kami maabutan ng road closed pero natagalan kami dahil sa truck na ito mga 3 hours din ang tinagal. Pero ok lang basta makarating lang sa pupuntahan. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Fiesta ๐ŸŽ‰๐ŸŽŠ Nung August 28 nagsimula yung fiesta sa Tanza, Cavite. Nanuod kami ng mga event nung gabi na yun tulad na lang ng mga makukulay na fireworks parang nag celebrate lang ng bagong taon tapos ang daming mabibilhan. ๐Ÿ˜„ Yung nakakaaliw dun yung may lalabas na higanteng statue na may mga dalang paputok hahabulin yung mga tao ang tawag nila doon ay "Toro" iiwasan mo talaga dahil yung mga paputok parang rackets kung saan-saan napunta tapos biglang umulan kaya basa kami nungโ€ฆ

@WhyEugene

Perya. ๐Ÿ˜‰ Ang daming mga rides sa peryahan mukhang simple lang sakyan pero kapag nakasakay ka na grabe mapapakapit ka na lang tulad na lang nitong tinatawag nilang octopus habang umiikot, umiikot din yung sinasakyan mo. ๐Ÿ˜„ Nakasakay na ba kayo dito? ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Parada. ๐Ÿ“ฏ๐Ÿ’‚๐Ÿปโ€โ™‚๏ธ Nanunuod kami ng iba't-ibang parada ng mga bawat barangay dahil fiesta. Labanan pala ito kung sino ang mapipili ay makakatangap ng premyo galing kay Mayor. ๐Ÿ‘ Nakakamangha talaga panuorin mga ganito kasi nanunuod ka lang mapapasayaw ka pa. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Handaan sa Fiesta. ๐Ÿ™‚ Simpleng handaan lang para sa amin at sa mga mamimiesta sa amin. Kailangan din namin ng bisita dahil may pamahiin na papasok din ang mga blessings. ๐Ÿ˜Š Marami sa atin ang hindi naintindihan yung mga celebration dahil iba't-iba tayo ng mga relihiyon pero para sa akin walang masama kung makikisaya. ๐Ÿ˜ Tara kain po tayo. ๐Ÿ˜„

@WhyEugene

Kakanin ๐Ÿ˜‹ Tara meryenda po tayo ng kakanin yung paborito ko dito yung ube sobrang sarap at tama lang yung tamis niya. ๐Ÿ˜‹ Gagawa sana yung tita ko pero syempre dami ng inaasikaso kaya bumili na lang sa labas. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Moon Cake and Creamy Caramel. ๐Ÿฐ๐Ÿ˜‹ Ito ang aming desserts panghimagas pagkatapos kumain ng hapunan ngayong gabi. ๐Ÿ˜ Dalawang tulog na lang September na mukhang mapapakanta na naman tayo ng Christmas Songs tsake may mga memes na magsisilabasan. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Ninong Feels. ๐Ÿ˜ Sarap pala sa pakiramdam maging ninong kapag yung inaanak mo nagugustuhan yung binigay mo parang magulang na rin ako. ๐Ÿ˜ Ngayon ko lang nakita itong inaanak ko na anak ng pinsan ko nakalista pala ako sa pagbinyag sa kanya pero kung nalaman ko yun hindi rin ako makakapunta dahil busy pa ako sa work nung may trabaho pa ako pero may good news for interview ako sa September 3 makakabawi din sa mga inaanak kapag na-hired na ako. ๐Ÿ˜‚