Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Ngayong December 1 libre ang aking tanghalian dahil nagpakain sila ma'am bumili sila ng Jollibee. Sayang dapat kanina pa namin kinain yung fries kasi natuyuan na siya sa lamig ng aircon. ๐๐ Pero salamat pa din dahil nakatipid ng tanghalian. ๐
@WhyEugene in December 2021
Sabi nga nila kapag matrabaho ang gawain blessings yan kaya bawal mag reklamo dahil tinatangihan mo ito. Pero kong sa tingin mo hindi mo kaya, wag kang sumuko pwede kang humingi ng tulong sa iba pero wag mo ipaasa lahat. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐๐ Napadaan lang sa school ng aking kapatid para kunin yung modules sa teacher niya pagkagaling ng trabaho. Habang ako'y papunta sa teacher's faculty may nakita akong orange na bulaklak so pinuntahan ko muna para kuhanan kasi favourite ko ang kulay orange. ๐ December na kaya antay na lang sa 13th month. ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ Meron po akong mga bulaklak ng kalabasa dito nakita ko po sa likod ng aming bahay daming namulaklak kaya kinuha ko na at binigay ko sa aking ina. Sarap nito lalo na kapag dinengdeng yung luto niya. ๐
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Kakatapos lang ng tanghalian ngayon naman ay usapang meryenda naman tayo. Hindi po galit yung pinagbilhan ko nitong Teriyaki, sadyang dinamihan lang po yung mga sahog kaya ganito itsura niya. ๐ Masyado po nga daw para mag meryenda pero anong magagawa ko biglang dumating yung order ko. ๐ Kain po.
Good Evening Boys and Girls... ๐ Naiisipan kong gumala ngayong gabi at sa aking pag labas ako'y may nakitang pa ilaw na Christmas Tree sa tapat ng Mall. Agad kong pinark ang aking motor para kuhanan ng litrato ang higanteng ilaw ng Christmas Tree. Hindi na ako masyadong lumapit kasi hindi na makikita yung kabuoan ok na ito kuhang-kuha ang lahat. Maghahanap na rin ako ng aming kakainin ngayong gabi. ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ Friday ngayon tapos pagtingin ko sa aking wallet yung totoong wallet guys wala akong pera sana may magbayad sa mga inutangan ko. ๐ Sa ngayon ok pa naman nagagamit ko yung Gcash ko sa mga fastfood. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Guys, may pailaw na rin pala sa bayan ng San Juan, La Union ang ganda ng nakasabit na mga Neons lights. Umattend kasi ako ng birthday ng kapatid ng katrabaho ko tapos ginabi na ako kaya hinatid nila ako sa bayan at ayan natuklasan ko itong mga pailaw. Medyo nahihiya ako kasi hindi naman ako invited pero sumama ako tapos ako na lang yung kumakanta sa karaoke kaya parang nag concert na ako dun. ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ Ngayong araw po yung Notice of Power Interruption kasama mo yung lugar namin sa mawawalan ng kuryente. Kaya nagcharge muna kami ng mga cellphone namin at mga emergency lights. Mamayang hapon pa siguro magkakaroon ng kuryente. Kaya di ako active mamaya kapag nag umpisa na yung brownout. ๐
Habang may kuryente pa sa amin, ikwento ko muna sa inyo yung pinuntahan ko kahapong birthdayan. Pag punta pa lang namin dun naghihiwa na sila ng Lechon baboy tapos nung nakita kami ng mga kasama ko, binigyan agad kami at tsaka mga iba pa. ๐ Grabe yung balat malutong na malutong pero yung laman niya naku sobrang juicy wow na wow talaga pero syempre masama din ito nakakataas ito ng high blood kaya hinay-hinay lang sa pagkain. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Sa wakas nagkakuryente na sa amin kaya pwede na ulit ako magkwento. Gagala muna sana kami habang walang kuryente pero tinawagan si mama ni Kapitana magpapahilot daw hinatid ko muna si mama sa bahay ni Kapitana tapos ayun may binigay sa akin na kulay pulang T-shirt. Tama yung hula ko, BBM T-shirt nga kasi may nakita na akong umiikot sa Barangay namin. I like it. โ๏ธ Tinuloy ko pala yung gala sinama ko yung kapatid ko para di mainip sa aminโฆ
Good Morning Boys and Girls... ๐ Umorder po kami ng puto sa kakilala ni mama puro pula sinabi namin tapos pick up na lang sa simbahan pagkatapos ng misa. Nung kukunin na namin, sabi nga po sa amin mukhang BBM yung iboboto niyo bilang president. ๐ Kain po kayo gan. ๐
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Iba pa din ang mabuhay sa probinsya ayun sa aking experience dahil masaya sa simpleng buhay at madami pang makakakilala sayo kasi sa seyudad kasi wala kung wala kang kilala, kawawa ka pero kapag kilala ka naman sisiraan ka naman. Bakit kasi ganun nasa lugar ba yun at nababago ang ugali ng tao. ๐ Bumisita lang ako sa ka-office mate ko niyan kaso naligaw pa nga ako niyan eh kaya akala ko natikbalang na naman ako. ๐
Magandang Hapon Guys... ๐ Ngayong hapon wala akong mahanap na tokneneng o kwek-kwek ang tawag kaya bumili na lang ako ng Pic-A sa tindahan para may snacks ngayon miryenda. Tapos bumili na rin ng Zest-O para pantulak. Ang ginagawa ko ngayon tinatapos yung bagong series ng Money Heist sa Netflix tapos nag discover pa ng mapapanuod. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Nanunuod po ako ngayon ng Tiktok Compilation yung Helicopter sikat na sikat kasi siya sa Tiktok kaya pinuod ko lahat. Nakakatuwa siya daming memes na lumabas yung kinakain kong noodles muntik ko ng matapon sa kakatawa. ๐ Nga pala guys, good luck sa aking appointment sa DFA sana matapos ko na nagpaalam naman na ako sa boss ko na maghalfday ako para maasikaso ko mga kakailanganin...๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Ngayon lang ulit nagkaroon ng kuryente sa amin sabi sa advisory baka maulit daw kinabukasan yung brownout kaya ito nagcharge na ng mga rechargeable lights at mga gadgets. Kanina din sa office brownout medyo nagkaroon ng kuryente mga hapon pero pag uwi ko maghapon daw brownout sabi ng mama ko. Tumambay muna dito sa labas at pinagmamasdan ang langit, nakita ko yung liwanag ng buwan kalahati lang parang eclipse. ๐
Dahil brownout kanina hindi kami makasaing sa rice cooker, nagpadeliver na lang kami ng aming kakainin ngayong gabi. Nagtataka ako kung bakit hindi available sa FoodPanda yung Mcdo dito sa amin sa La Union kaya nag order na lang ako mismo sa Mcdo delivery. French fries pa lang nabusog na ako. ๐ Mauulit na naman brownout kaya Happy Earth Day... ๐
Bago pala matulog ngayong gabi, ikwento ko muna sa inyo yung nangyari sa appointment ko kanina sa DFA sa pagkuha ko ng passport. Maayos na kinuhanan na ako ng litrato buti na lang tiningnan ko sarili ko bago kuhanan kasi may tigyawat na lumitaw syempre kailangan kong maayos kasi 10 years yung validity nun at makukuha ko na sa December 27. Hindi ko na ipapadala sa aming bahay yung passport kasi malapit lang naman sa amin kaya ako na lang kukuha sa releasing area. Pagbalik koโฆ
Good Morning Boys and Girls... ๐ Ngayong umaga hindi namin magamit ng maayos ang mga computer dito sa office kasi papatay-patay yung kuryente sa amin baka kasi masira pati itong ginagamit naming Internet. Sa ngayon walang signal kaya kulay pula yung ilaw. Pero syempre dapat masaya lang para maganda yung darating. ๐
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Alam niyo ba? Sobrang solve na ang tanghalian ko dahil nagpakain ng Lechon Paksiw sa office namin. Ang ginamit na sarsa yung maanghang na Mang Tomas kaya grabe lagi kaming umiinom ng tubig sa sobrang anghang tapos yung balat ng Lechon sobrang lutong. ๐ Nga pala guys, may 13th month pay na kami yehey ang agang pamasko naman, titingnan ko na lang mamaya kasi kanina di ako makawidraw kasi brownout at walang generator yung bangko. ๐ Siguro diโฆ
Good Evening Boys and Girls... ๐ Nandito po ako ngayon sa aming kapitolyo sa San Fernando City La Union para tingnan ang mga iba't-ibang pailaw nila kaya tara samahan niyo po ako tingnan. Unang punta ito ang inyong makikita pabilog na may ribbon na kakulay ng ating watawat ng pilipinas tapos yung pabilog may nakasabit na totoong halaman na nagsisilbing kulay at sa tuktok niya may star o di ba circle yung Christmas tree. Kada side may mga pailaw kaya inisa-isa ko pagkuha.โฆ
Ito po yung pinagmamalaking Christmas tree ng kapitolyo, maganda transparent at puro puti kaya yung tema nila White Christmas. Tamang-tama ito sa mga mahilig gumala ng gabi kasi sa gabi lang available yung ganito tsaka yung gustong magpalit ng mga profile picture o cover photo sa mga social media tamang-tama po ito. ๐
Good Night Boys and Girls... ๐ Welcome po sa Tunnel Lights dito pa rin sa kapitolyo, mapapansin niyo guys dalawang kulay lang ng ilaw ang makikita ninyo dito pula at asul. Kapag dumaan kayo dito para kayong nag time travel, makikita niyo guys hindi na mahigpit sa amin pwede ng lumabas mga bata at kahit walang Faceshield na nakasuot. Bukas ko na lang ikwento yung iba kasi inaantok na ako sige tulog na po ako... ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Ngayon lang po ulit nagkaroon ng kuryente sa lugar namin at mauulit daw bukas bale pang limang araw na yung patay-sindi dahil sa inaayos na linya madami na rin nagrereklamo dahil panandalian lang yung kuryente. Pero syempre di na kami makikisabayan dahil wala din mangyayari kundi antayin na lang ayusin yung kuryente. Anyway, ito po yung karugtong nung kagabi hindi na post dahil inantok na ako tapos kanina sanang umaga pero brownout. Kinakabitโฆ
Hello my friend, akala ko nawala na yung binibilhan ko ng milktea yun pala lumipat sila sa kabila yung medyo maluwang yung space pag pasok napawow ako sa mga nakadecor sa loob. Available na yung dine-in kaya pala kumuha sila ng maluwang na space. Napabili lang dahil sa promo nilang Buy 2 Tall for only 150. Sinama ko na yung kapatid ko pinapili ko siya pero kung ano na lang daw yung flavor na orderin ko yun na lang din daw. Winter Melon yung inorder ko at 50% sugar lang.
Guys, nagtataka lang ako kasi may naipon na ako ditong 4$ pero nung tiningnan ko yung bitcoin wallet ko back to 0 na ngayon ko lang nakita kasi patay-sindi yung kuryente namin. Wala pa naman akong ginagawang convert tiningnan ko sa transactions history wala naman. Ewan ko lang kung na hack pero sayang din yun. ๐
Good Night Boys and Girls... ๐ Tulog na po ako inunahan lang ng pusa maaga pa mamaya para sa trabaho, inabot na ako ng 12 dahil ngayon lang nagkakuryente. May ibang user na nakialam pala ng bitcoin wallet ko kaya nawala laman kasi nakita ko na lang nag transfer daw ako ngayong araw pero wala pa akong ginagalaw. Kaya ang ginawa ko nagpalit na ako ng wallet pati yung 12 phase niya. All is well... ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ Ito nga po pala yung pakain ni ma'am nung isang araw Lasagna Pizza hindi ko siya na ikwento kahapon kasi patay-sindi nga po yung kuryente, ngayong lang umaga naisingit. Masarap siya guys, sobrang cheesy niya humahaba yung melting cheese niya tsaka malambot kaya kailangan mo ng tissue para mahawakan sa ilalim. ๐
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Grabe nakakahilo ngayon daming clients pero syempre focus lang sa trabaho kaya lagi ako umiinom ng tubig kasi dami kong nakakausap. Sinabayan ko na rin ng kain ng cookies para maging sweets sa pakikipag-usap. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Nareceived ko na po yung padala sa akin ng tita ko mula sa Singapore pero bago yun dumaan muna sa isa ko pang tita sa Cavite tapos pinadala niya sa LBC. Ito yung napanalunan ko sa palaro ng aking tita nasagot ko yung tanong niya na kung anong title ng kanta yung "Sound of Silence". ๐ Maganda yung design niya pang porma pero nung sinuot ko medyo mabigat at waterproof siya kasi binabad ko sa tubig hindi siya pinapasok sa loob. ๐
Good Night Boys and Girls... ๐ Bago po ako matulog, binigyan pala ako ng aking tita ng tea galing S&R kasi lagi daw niya akong nakikitang nagmimilktea pero yung binigay niya pang juice lang ito. Pero syempre salamat pa din kasi iba ito galing pang S&R sa Cavite. Meron ding S&R sa Baguio pero malayo sa lugar namin La Union kami tsaka kung aakyat kami ng Baguio kailangan may appointment na bibisita doon. ๐ Sige tulog na po ako maaga pa bukas sana walang mag leave bukas na mgaโฆ
Good AM Boys and Girls... Maaga akong nagising kaya uminom muna ako ng tubig at nag CR na din. Nga pala ito yung college t-shirt ko sinama ng tita ko dun sa pinadala kasi naiwan ko ito sa kanila mula nung dun pa ako nag-aaral sa Cavite. Pero nung binalik nila sa akin ito madaming alaala na bumalik sa akin namiss ko yung mga nakasama ko nung College. ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ Pansin niyo ba guys, tuwing Friday nagigising mabigat ang trabaho? Kung hindi mo napansin yun ibig sabihin tapat ka sa trabaho mo, mahal mo ang trabaho mo hindi mo iniisip yung hirap sa trabaho. Walang madaling trabaho, lahat pinagsisikapan kaya sabi nga habang bata pa magsumikap at makapag-ipon na para sa pagtanda walang pagsisihan. ๐๐ Kumain na po ako ng breakfast baka sabihin niyo gutom lang yan... ๐
Guys, binigyan ko ng regalo si ma'am, ibibigay ko sana ito sa aming team building kaso hindi nakasama yung aming department dahil nagkansela sila dahil sa nagluluksa yung isang katrabaho namin dahil namatay ang asawa niya. Nadamay lang po ang buong department doon pero ok lang sa amin naiintindihan ko sitwasyon. ๐
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Akala ko may asong nakapasok sa office namin kaya agad kong pinuntahan pero nagulat ako folder lang pala. ๐ Nakalagay kasi sa upuan sa waiting area tapos nakatayo pa kaya napagkamalan kong totoong aso. Naiwan ng client ko kaya itabi ko muna sa akin baka balikan. Ang cute pa naman ng pagkaprint. ๐
Congratulation... ๐๐ Happy 1k to my Noise Account and thank you all noise friends... ๐๐๐ My life is so blessed with some of the most amazing people. You all make me feel so special. ๐
Magandang Hapon Guys...๐ Ngayong hapon, nakita ko yung kapatid ko na ginagawa niya yung kanyang project yung magdradrawing sa illustration board. Tiningnan ko yung drawing niya, statue ng babaeng nakahiga at may anghel tapos may sinag ng araw. Masasabi ko na malawak ang kanyang imahinasyon pagdating sa pagpipinta. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Binigyan kami ng aming tita ng tag-iisa ng e-writing tablet ang tawag dito. Hindi siya yung tablet na gadget, nilalagyan po siya ng battery parang whiteboard. Akala nga ni mama tadtaran ito kasi medyo hawig nga naman. ๐ Pares na Green yung binagay sa aming magkapatid kaya kanya-kanya na kami ng palatandaan nilagyan niya ng tali yung kanya ako ok lang kahit wala. ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ The breakfast is ready. Nagluto po ako ng ham na binabad sa itlog. Buti na lang at walang electricity interruption ngayon kaya makakapaglaba sa washing machine. Kaso yung tubig mahina yung lumalabas pero kailangan pagtiisan. ๐๐
Good PM Boys and Girls... โบ๏ธ May pinuntahan kaming free anti-rabbies vaccine sa mall kaya wala ako kaninang tanghali, tatlong alaga kong hayop dinala namin ng kapatid ko isang aso at dalawang pusa buti kinaya kong isakay sa aking motor lahat. Buti na lang at may pampers kaming dala kasi kapag walang suot yung aso hindi makakapasok pero napahiya ako kanina kasi umihi yung aso namin tumagos sa pampers. Nagtataka ako kasi hindi makulit yung mga alaga namin habang tinuturukanโฆ
Good Night Boys and Girls... ๐ Tingnan niyo po, napagod ata mga alaga kong pusa sa byahe at sa kanilang anti-rabbies vaccine kaya eto pagkauwi ng bahay kanya-kanyang pwesto na. ๐ First time nila kaya naninibago pa ewan ko na lang kung lalagnatin ba sila pero ang mahalaga ay nabakunahan na ng anti-rabbies. Feel safe na rin kami kasi syempre maharot ang pusa nanghahabol ng paa tapos may kasamang ngatngat. ๐
Good Pm Boys and Girls... ๐ Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kasi nag roadtrip kami para maglibot sa buong lalawigan ng La Union napahinto ako dahil walang masakyan si mama kasi nakamotor lang ako at naka-angkas sa akin yung kapatid ko kaya inuna at iniwan ko muna yung kapatid ko sa may waiting shed para balikan yung mama ko, nung nabalikan ko na at papunta na sa pinagiwanan ko sa kapatid ko, parang dinala kami ng diyos dito sa lugar na papaakyat na malapit mismo saโฆ
Wow, bihira lang po ako makakita ng asul na bulaklak pero itong nakita ko, nag-iisa lang siyang bulaklak na namumulaklak. May kasabihan nga tayo na ang ibig sabihin ng asul ay kapayapaan, katotohanan at katarungan. Kaya itong asul na bulaklak na ito nagpapahiwatig na may natitira pang kapayapaan sa atin. Kahit sa watawat ng pilipinas makikita mo yung ibig sabihin ng asul kapag nag research ka. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Kakauwi lang namin galing sa Road Trip namin papuntang Luna, La Union. Nakakapagod kasi ang layo ng namotor ko ako angkas ko yung kapatid ko si mama naman commute sa jeep grabe umabot ng 100 km yung takbo ko sa motor sa sobrang layo buti at safe kaming nakauwi. Pahinga muna ako, mamaya o bukas ko ikukwento mga kaganapan sa aming road trip napagod na ako. ๐ Sa ngayon pasilip lang muna yung ipapakita ko sa inyo ngayon. ๐ Try ko mamaya kungโฆ
Good Morning Boys and Girls... ๐ Just call me angel of the morning, angel. ๐๐ Welcome to Bato De Luna... ๐ Ito po yung pinuntahan namin kahapon sa pag road trip. Lumipat na sila ng pwesto kaya iba na ang makikita dito kasi last year medyo kunti yung makikita. Sobrang ganda guys, tamang-tama sa nalalapit na kapaskohan. ๐๐ Wag niyo din po palang kalimutan na magdala ng baon kasi kukunti lang po ang kainan dun. ๐๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Medyo pumuti ako sa sikat ng liwanag ng araw, congratulation white monkey. ๐ Dungaw lang po sa terrace sa bahay na bato pero sa likod ko may nag propose ng kasal ang sweet pero nahihiya ako kasi madami na nagsi-akyatan kaya ang ginawa ko nakisigaw na rin ako ng whoooo.๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ This is amazing guys, because this art of Thor is made by pieces of tiles wow. It was obviously hard to do because of the small pieces. Look at your marvel superhero closely, he wearing mask. ๐๐ท My imagination said: "Maybe so he doesn't get infected with Covid while fighting opponents." ๐
This is amazing too guys, this is also made in small pieces of tiles but they added crushed stones. Also wearing a facemask like on my previous post.๐ Hulk has been Vaccinated for a long time, because the doctors have experimented on him so he is protected from the disease and he gets stronger.๐ช
Good Morning Boys and Girls... ๐ This is so funny, Spiderman is wearing a facemask even though he was already wearing a mask. ๐ Maybe for double care so he doesn't get covid disease. ๐
This morning I will expand your imagination, imagine that you are an astronaut in space and then you travel the whole galaxy by using bike. ๐ But I want you to share your imagination of what you really see here in my shot. ๐
Guys, they gave me scissors so I wouldn't have to borrow scissors. But of course the office provided that. The scissors also need to be cut to open. ๐ โ๏ธ
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Nakasakay po ako sa bibe na gawa sa bato piling ko nagmamaneho ako ng motor. Nakakatuwa isipin na nakabalik na ako sa pagtratravel kasi mula ng nagkapandemic, umiikot na lang mundo ko sa bahay at kakatrabaho. Parang bumalik na sa dati kasi nagagawa ko na mga gusto ko. ๐ May makikita din kayo na kakaiba na gawa sa bato pero wag niyo pong sabihin kung ano yun. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Here's one of the landmarks in our city at San Fernando City La Union, the statue of Philippine National Hero. ๐๐ต๐ญ I was on my way home from work but my mom and my sister were waiting for me outside the office. They came from the Capitol to accompany my sister for the issuance of the National ID. We decided to take a walk and look for snacks.๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ Gala Mode... ๐ Naglakad-lakad lang, kung saan na lang ako dalhin ng aking mga paa kaya napadpad ako dito sa maliit na wishing well o kung ano bang tawag dito. Nagwish muna ako bago ko hinagis ang aking barya. Yung kapatid ko nakita akong naghagis akala niya kung ano lang yun pero pinaliwanag ko sa kanya baka kasi lahat ng barya ihagis niya dun. ๐
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Start na po ng simbang gabi mamaya, ready na ba ang lahat mamayang simbang gabi?๐ Ako ready na medyo hindi ko pinapagod yung sarili ko sa trabaho para may lakas pang makapagsimba. Sisimulan ko na kasi may mga event din kami ngayong December baka di ko makumpleto dahil may Christmas party overnight. Relax muna ako ngayon habang nakatingin sa itaas ng puno ang ganda pala pag masdan. ๐
Guys, gusto ko lang naman magluto ng popcorn pero bakit kaya nag ganito may kunting nasunog. ๐ Wala kasi kaming oven sa office kaya naisipan kong lutuin siya sa kalan tapos syempre inaantay ko matapos yung pumuputok tapos ayan may nasunog. ๐ Napalakas ko siguro yung apoy ko pero kung may nexttime aayusin ko na. ๐ Subok lang. ๐ Inalok pa ng kasama ko sa loob ng office yung popcorn grabe nakakahiya buti na lang may kumuha kahit ganun yung luto ko medyo na proud na ako. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ The first mass of Simbang Gabi. โช๐ Dito kami sa Court ng Barangay nagsisimba tuwing gabi ng simbang gabi. Hindi kami makapaniwala dahil kung sino yung nakatabi namin last year, sila din yung nakatabi namin ngayon. Nakasanayan na kasi namin doon umupo sa harapan ganun din pala sila. ๐ Iba talaga himala ng panginoon baka bukas kami ulit ang magkakatabi. ๐
Good Night Boys and Girls... ๐ Kakauwi lang galing sa simbang gabi... Bumili na lang kami sa labas ng kakainin ngayong gabi at nakahanap kami ng siopao at nilagang itlog. Pwede na ito ngayong hapunan. ๐ Kailangan ko din matulog ng maaga para pumasok sa trabaho bukas syempre babalik din sa simbang gabi. ๐ Sige tulog na po ako kita kits na lang po ulit. ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ Ito nga po pala yung pagsalubong namin nung nangaling sila boss sa Tuguegarao para sa attending meeting nila doon. Wow parang gusto ko din magtravel doon gusto ko lang madaanan yung kanilang panindang pagsalubong. Gusto ko din yung buko pie malambot at makakain mo talaga lahat walang matigas. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Second Mass of Simbang Gabi... ๐โช Ngayong gabi ay dalawang pari ang umattend sa aming barangay para mag misa pero syempre isa lang dapat ang magsasalita at magsesermon. Nakakatuwa dahil first time lang namin makakita ng ganun pero nagpasya ang isang pari na bukas na lang siya magmimisa pero dun muna siya hanggang matapos ang misa. Ang daming nagbigay ng mga alay kanina mga negosyante kasi nagbigay ng mga limang sakong bigas, noche buenasโฆ
Good Morning Boys and Girls... ๐ Happy weekend, hindi kami tuloy papuntang Baguio ngayong araw para sa makisama na lang sa Christmas Party doon pero naisip ng boss ko na bakit pa kailangan pa kami pumunta doon di naman namin nakakasama yung mga nandun sa Baguio kaya mero kaming gaganapin na outing sa Tuesday. ๐Night swimming and party. ๐๐ Ang ganda ng pagkakagawa ng hugis puso na bato. Sarap magpakuha dito pero wala akong jowa kaya wag na lang. ๐
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Salamat sa agency na tinulungan namin dahil niregaluhan kami ng mga pabango tag-iisang set wow. Gusto ko yung pabango niya para akong millionaire. ๐ Sana maamoy kahit nakafacemask mga tao.๐ Kumakain na po ba lahat? Ako mamaya pa wala pa yung order ko sa carenderia na Bicol Express antayin ko pa. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Third Mass of Simbang Gabi. ๐ Muntik pang malate dahil may Christmas Party Virtual sa Zoom pero syempre hindi ko maeenjoy yun kaya nagpaalam na ako na magsisimbang gabi ako. Sinabi sa akin may pa raffle baka matawag daw pangalan ko pero syempre mas importante sa akin ang makumpleto ang simbang gabi, lagi kong uunahin ang diyos at tsaka nasimulan ko na kaya focus ako dun. ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ Kinabit na namin yung binili naming kurtina. Actually, pang exchange gift namin ito sa Christmas Party ng kapatid ko sa school niya kaso nagbago isip ng mga teacher kaya di na lang daw. Paborito ko itong kulay kaya sa kwarto na lang nilagay. Yung Christmas party sa aking trabaho sa Tuesday pa ng gabi. Kaya yung simbang gabi ko convert ko na lang sa pang umaga sa araw na yun. ๐
Good Afternoon Boys and Girls. ๐ Kakatapos lang kumain ng tanghalian, ang ulam namin ay adobong manok tapos may pumuntang kapitbahay binigyan kami ng graham balls. Pagkagat ko may marshmallow sa loob wow amazing sobrang tamis niya tapos nagustuhan ng bunso kong kapatid kaya binigay ko na lang sa kanya. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Fourth Day Mass of Simbang Gabi... ๐๐ฏ๏ธ Ngayon ay sobrang aga namin para may maupuan pero habang nandun ako tumulong na ako mag ayos ng upuan. Mga senior citizens pala yung nagaayos nun kaya ako na lang nagkusa kasi ayaw kung nakikitang napapagod ang mga lolo at lola. Yung barangay kasi namin nakaduty sa ginagawang kalsada sila yung magpapahinto at magpapaalis ng mga sasakyan dahil isa lang muna magiging daanan. Tulad pa rin kahapon, dalawangโฆ
Good Morning Boys and Girls... ๐ Happy Sunday Everyone, medyo late na pagbati ko ng morning pero nakahabol pa naman. ๐ Bumili ako ng Milktea kagabi galing sa simbang gabi strawberry cream flavor at cacao flavor wala akong makitang nagtitinda ng puto bumbong o kaya bibingka kasi ang alam ko uso yun sa simbang gabi. ๐
Good Afternoon Boys and Girls. ๐ Gala mode muna bago mag simbang gabi mamaya. Kinuhanan ko yung bagong gawa sa plaza kaso di kaya ng phone ko yung sikat ng araw pero sa aking pagkuha, timing yung mga dumadaang mga sasakyan. Katulad na lang po nung tricycle sa hulihan sakto sa sikat ng araw. ๐ฎ #Nova2i
Good Evening Boys and Girls... ๐ Fifth Mass of Simbang Gabi. ๐๐๐ Kayo guys, pang ilan na kayo ng simbang gabi. ๐ Maaga ako ulit para makatulong sa mga senior. ๐
Guys, pagkatapos ng simbang gabi may mabilhan kaming tikoy ube. ๐๐ Ayaw ipagalaw ni mama kasi sabi niya sa noche buena na lang daw pero pinangakuan ko na papalitan ko na lang pero di pa din pumayag kaya bibili na lang ako tapos sa office ko lulutuin at kakainin. ๐
Good Night Boys and Girls... ๐ Bago kami matulog may pinapuntang tao ang aking tita at magbibigay ng mga letters sa mga nakatira sa Subdivision. Nakasulat sa letter na iyon kung ano magiging commento ng mga residente sa kanilang binabayarang monthly due at bakit daw sumasahod yung mga homeowners association officers kung sarado yung opisina at walang pumapasok. Kami wala kaming kaalam-alam na nagfile siya ng reklamo kaya natatakot kami baka kami yung tanungin tungkol saโฆ
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Hindi na ako nakabati ng good morning kanina kasi Monday ngayon medyo busy day. Pero post ko na lang muna naging almusal ko kaninang umaga. Noodles tapos may bihon at ham tamang-tama sa malamig na panahon ngayon. Malapit na din akong mag lunch. ๐
Guys, binigyan kami ni ma'am ng white chocolate, paborito ko pa naman ito. ๐ Bukas na ang aming Christmas party pero may pasok kami nun kaya pagkatapos na lang ng trabaho. Yung simbang gabi ililipat ko na lang sa pang umaga bukas para makumpleto ko pa din. ๐ Sa ngayon enjoy ko muna itong binigay sa akin. ๐
Good Evening Boys and Girls. Sixth Mass of Simbang Gabi. ๐๐
Guys, pasensya na medyo nagutom lang ako kanina kaya hindi ako ginanahan magpost pero ito nakakain na ako kaya medyo nagkaroon ng sigla. ๐ Yung post ko about sa pang anim na simbang gabi, nakalimutan ko mag explain medyo lutang lang kasi galing akong trabaho tapos deretso sa simbang gabi hindi ako nakainom ng tubig o nakakain ng biscuits man lang. Pero ok lang nakabawi naman dito sa lechong manok. ๐ Excited na din ako sa Christmas Party namin bukas hapon gaganapin kasi mayโฆ
Good Night Boys and Girls. ๐๐ด Bago po ako matulog, ito po yung binili kong jogging pants sinuot ko siya kanina sa simbang gabi para ma-bless. Maganda siya sakto lang sa akin dalawa binili ko yung isa gagamitin ko sa Christmas Party bukas. Nagpaalam ako kay boss kung pwedeng mag jogging pants sa office at pumayag naman dahil Christmas Party naman daw. ๐ Good Luck sa amin bukas. ๐
Good Morning Boys and Girls. ๐ Baka sabihin ninyo ang aga pa para mag milktea. ๐ Kagabi po ito pagkatapos namin mag simbang gabi katabi lang din nung binilhan naming lechong manok nun. Sinubukan ko yung milktea dito yung strawberry cream puro milk powder ang toppings masarap naman. ๐ฅ๐
Ang aga-aga walang pinipili yung mga bad clients, alam mo yung nagpapatagal ng trabaho yung puro reklamo. Kaya nga sila lumapit sa amin para matulungan namin sila pero wala sila maipakita sa amin mga requirements kahit magrereklamo sila wala sinusunod lang namin kung ano yung trabaho namin. Kung gusto maging maayos ang pag proseso, sundin aming requirements. ๐ Hindi ko alam kung anong iniisip nila pero natatawa na lang ako sa mga reaksyon nila kasi tinatanong ko kung anoโฆ
Magandang Hapon Guys๐ Papunta na kami sa aming Christmas party kaso inabot na kami ng traffic buti na lang may nag assist na traffic enforcer para mapababa. Gaganapin sa San Juan, La Union. Keep safe sa amin. ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Hindi pala Christmas Party yung ginawa namin, dahil kumain lang kami at nagkwentuhan. Ang celebrate namin matatawag na get together kasi lahat kaming mag kakatrabaho kumain kami sa labas ng sama-sama. ๐Ang kinain namin ay salmon wow ang bigat niya sa tiyan. ๐
Good Morning Boys and Girls. ๐ Seventh Mass of Simbang Gabi. ๐๐๐ Akala ko di ako makakahabol ng simbang gabi ng pampito dahil sa aming Christmas Party. ๐ Nakapagsimba ako kaninang umaga yes. ๐ Kayo guys, pang ilang simbang gabi niyo na. ๐
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Ito na po yung natanggap ko sa aking trabaho pang noche buena para sa nalalapit na kapaskuhan. Grabe ang saya ko hindi ko alam kung paano ko iuuwi ito lahat gamit motor ko pero tiwala lang kaya ito... ๐
Good Evening Boys and Girls...๐ 8th Mass of Simbang Gabi... ๐ Yes isa na lang makukumleto ko na ang simbang gabi. Kanina ang dami kong blessings na natanggap mula sa trabaho hanggang sa barangay namin. Napagkamalan pa ngang alay sa simbahan yung bigay sa amin sabi ko bigay po sa amin ng boss ko at sa barangay. ๐
Good Morning Boys and Girls. ๐ Tara kain po tayo ng champorado, bagong luto lang nilagyan ko ng condensed para lalong sumarap ang aking kinakain. Dalawang tulog na lang bago mag Christmas. ๐ Hanggang ngayong araw na lang pasok namin sa office kasi sa December 24 may natanggap kami advisory mula sa gobyerno na walang pasok sa December 24. ๐
Guys, ito nga po pala yung pakain ni boss fresh lumpia. Nakita ako ni boss na hinihiwa ko ito sabi niya hindi na kailangan hiwain diretsyo ang kain niyan pero ako hindi ko kaya ang taba. ๐ Nakatikim na po ba kayo nito? ๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Last Mass of Simbang Gabi... ๐ Yes, nakumpleto namin ang siyam na simbang gabi congratulations sa amin. ๐ Congratulations din po sa mga nakakumpleto ng simbang gabi.๐ Kanina guys napadalawa yung bigay sa akin ng ostya hindi ko napansin nung una kasi inabot sa akin tapos nung naisubo ko na nagtaka ako bakit makapal yung ostya tapos kinuha ko sa bibig ko hala dalawa pala yung naibigay sa akin. ๐ Kinain ko pa din kasi alangang isauli ko pa. ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ Meron akong good news and bad news pero syempre unahin ko muna yung good news. Gumawa kami ng graham balls para i-prepared mamayang gabi para sa pagsalubong ng pasko. Ang bad news yung pusa namin nasagasaan ng truck ng basura hindi ko kinaya yung nakita ko kasi napamahal na sa akin yung pusa hindi pa inabot ng pasko. ๐ข Hindi totoo yung siyam na buhay ng pusa kaya inilibing ko na lang. Syempre masakit sa akin kasi pinabakuna ko ng Anti-rabbiesโฆ
Guys, kahapon yung office namin naging night club pinatay namin lahat ng ilaw tinira naming bukas ang Christmas Lights. Nag set din kami ng videoke nagkantahan kami nila boss. Nag enjoy kami dahil wala namang pumupuntang client tsaka malapit na mag uwian kaya sabi ni boss mag saya daw kami. ๐
Good Afternoon Boys and Girls. ๐ May good news ako, habang bumibili kami ng ihahanda sa Noche Buena namin mamaya, nakakita kami ng pusa pinalit sa pusa kong namatay kaninang umaga. Totoo ang kasabihan na kapag may nawala, mapapalitan. ๐ Salamat sa diyos dahil hindi niya kami hinayaan magluksa ngayong magpapasko gusto niya maging masaya kami. ๐ Ngayon kumakain muna ng puto mamaya pupunta pa din ng simbahan dahil may Christmas Party.๐
Good Evening Boys and Girls... ๐ Kanina may role playing ng pagsilang ng diyos sa aming barangay. Kinuhan ko video hanggang matapos sayang hindi pwede video dito sa Noise. Pero enjoy lahat dahil mga bata ang mga gumanap ang cute nila. ๐ Pagkatapos nag misa na nung natapos naman ang misa ayun nag celebrate na rin namigay ng mga kunting regalo. ๐๐๐ So many blessings... Merry Christmas po sa lahat. ๐๐๐
Good Afternoon Boys and Girls... ๐ Merry Christmas and Happy Birthday to my Lola in Heaven. Dahil ka-birthday ni lola ang diyos, special sa amin ang araw na ito. Gising kami hanggang kaninang madaling araw para magluto ng ihahanda at ngayong tanghali lang kami nagising. Ito nga pala handa namin simple lang yung kakasya lang sa aming pamilya. ๐ Ang sarap sa pakiramdam kapag may nakukuhang mga blessings. Hindi kami makadalaw sa sementeryo ng lola ko kasi malayo sa lugar naminโฆ
Good Evening Boys and Girls... ๐ Nagsend sa amin aking tita ng kaninang noche buena sa Singapore. Yung asawa kasi ni tita doon nagtratrabaho bilang engineer at magaling magluto kaya nakaluto sila nung puto bumbong doon. Doon na sila nanirahan kaya di namin sila nakakapiling, tuwing chat at video call lang. Minsan niyaya namin silang magbakasyon para magkabonding sila pero nataon namang pandemic. ๐ Ang importante may connection pa rin. ๐ Merry Christmas ulit. ๐๐๐
Good Morning Boys and Girls...๐ Get awesome this morning at Awesome hotel and resort here in San Juan, La Union. This is not a sponsored, I'm just enjoying my experience here. ๐ How's your Christmas? ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ May pasok na ulit sa office pero nag enjoy naman kami sa maikling araw na holiday. ๐ Umiinom lang ako kapag may occasion pero yung boss ko nag yaya siya sa amin hindi kami makatanggi minsan. ๐ Good Luck sa amin mukhang madami-dami ang aming magigising clients. ๐
Magandang Hapon Boys and Girls. ๐ Biglang dami ng clients medyo hindi napaghandaan kaya eto medyo nahihilo na sa trabaho. Okay lang sana mag overtime kung nababayaran. Ngayon ay may inaantay pa akong isang client taga Abra hanggang ngayon hindi pa nakakabalik mga 5 pag hindi pa siya dumating, kami ay magsisiuwian na. ๐ Pahinga muna saglit para mabawasan sa pagod. ๐
Good Evening Boys and Girls. ๐ Dalandan po kayo gan. Dahil kulang pala ako sa Vitamin C kaya medyo may tumutubong pantal sa akin kulay pula makati siya at nagiging peklat o nagiging sugat kaya bumili at kumain ako nitong dalandan ayun medyo gumagaling na. Yung balat ng dalandan kinuskos ko sa mga may pantal, mahapdi pero mabisa naman. ๐ Nga pala 40 pesos lang 1 kilo ang dalandan na nabili ko siguro pinapaubos dahil may darating na bago. ๐
Good Night Boys and Girls. ๐๐ Ang ganda ng Christmas Tree Lights lalo na kapag kulay blue lahat namangha talaga ako kanina nung nakita ko ito sa aming plaza. Hindi naman ako lumalabas sa gabi ngayon lang dahil balak namin bumili ng ulam sa bayan para sa hapunan kaya nakita ko lang ito. ๐ OMG! Napaorder na naman ako online kasi sale, nagustuhan ko yung jogger pants napabili ako ng apat magkakaibang kulay. Di ako naghihinayang dahil kailangan ko. ๐๐
Good Afternoon Boys and Girls. ๐ Dahil naka leave ang aming cashier, kami muna ang nagsasalitan ng mga nagbabayad ng mga clients sa amin kaya ito multi tasking. Medyo nakakatakot din mag cashier kasi kapag may kulang, aabunohan mo buti na lang inuuna ko munang magbayad ang client para walang maging problema kasi kapag pinahuli pa baka makalimutan. ๐
Good Morning Boys and Girls... ๐ Ang aga kong gumising kanina mga 2am kaya lumabas muna ako ng aming bahay pero napasobra dahil napunta ako sa simbahan sa bayan tapos nagtataka ako bukas ang simbahan kaya pumasok ako. Pag pasok ko, nakita ko yung belen kaya pinuntahan ko ito. Siguro may dahilan ang lahat parang gustong sabihin na idasal na lang kung napaaga ng gising. ๐ Ngayon po ay nakabalik na ako sa aming bahay, may pasok pa ako ngayong araw at sa January 3, 2022 na ulitโฆ
Good Evening Boys and Girls... ๐ Ginamit ko na po ang kinita ko dito sa Noise pinang -grocery ko na para sa pag salubong ng bagong taon. Ang sarap din sa piling na nakatulong na din ako sa mga magulang at kapatid ko. ๐๐ Nga papla wala na kaming pasok sa January 3, 2022 ang balik yehey. ๐
Guys, nagtataka lang po ako ngayon kasi ngayon buwan ng December medyo kunti na lang yung nagiging user dito sa Noise. Ano na kaya nangyayari? Meron akong kakilala na nag noise din pero hindi niya na tinuloy dahil daw sa wallet niya nagpatulong siya sa akin pero wala siyang Bitcoin wallet na nilagay sa seed phase ang nilagay niya dun yung bitcoin address niya sa Coins.ph. Di siya na eedit kaya di ko din siya matulungan. ๐ Nangyari na po ba sa inyo ito? ๐ค
Good Morning Boys and Girls. ๐๐ Welcome to Agoo, La Union. May malaki silang statue ng Eagle dito yung road na papuntang Baguio. Nakarating ako dito dahil hinatid ko ang aking step father na nastroke at gusto niya daw mag new year sa mga kamag-anak niya buti na lang may kakilala kami dito sa Agoo na papunta sa Aurora Province makakasabay siya. Nakamotor lang ako kasama ang mama ko at nakasakay sa bus yung aking amain sinundan ko para alalayan kapag baba na siya doon. ๐ Okโฆ
Good Afternoon Boys and Girls. ๐ Nandito po ako ngayon sa Naguilian, La Union kung saan meron pong tinatatayong mall dito. Pinasok ko po yung mall medyo kunti pa lang mga nakapwesto. Pero dito maganda sa labas ng mall makikita mo yung malaking paso at naglalabas ng tubig wow. Tamang kuha lang kasama ng motor ko rider yern. ๐
Guys, hindi lang pala sa Ternate, Cavite may lumang canyon, meron din dito sa Agoo, La Union. Ginawa na lang nilang statue sa Highway siguro history na rin sa mga dumadaan parang nagpapaalala ganun. ๐ Ang lupit pala sinubukan kong buhatin pero di kaya siguro tatlong tao kailangan para mabalance. ๐
Good Evening Boys and Girls. ๐๐ Happy New Year Everyone, habang naghihintay ng alas-dose o pagsapit ng New Year 2022, tamang ihaw muna ako dito ng Porkchop Barbecue. Dahil tatlo lang kami dito nila mama at ng kapatid ko, kunti lang aming handa pero ok lang ang mahalaga masaya pa din kami. ๐ Hindi po makikita yung usok kasi yung camera ko naka focus dun sa porkchop.๐