read.cash Log in
@Wella46 more from that month

Finally nakalabas din si haring araw. Kahit may araw, malamig pa rin ang simoy ng hangin. Pumunta ako ng market kaninang umaga para bumili ng karne at gulay. Hindi pa rin bumalik sa normal ang pamumuhay dito sa area namin. May pumipila pa rin sa water refilling station at may mga tindahan na sarado pa. At least may ilaw na ngunit wala pang connection ang Globe lines. Marami po talagang dala na pinsala si Odette. Ito po yung mga basura na hindi pa nakuha ng Barangay garbage truck. Mga dahon at putol na kahoy na natumba. Sana matapos ang pag collect ng basura para malinis na rin ang paligid. Magandang hapon mga kaingay. #ShareYourEveryDayLife #Pilipinas

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.