Hapag ng Probinsya😋 Salamat papa mga pinsan at syempre sa mama ko na punong abala sa pagluluto ng paborito kong ulam ang sarap umuwe palagi pag ganito. Alam mo yong pakirdam mo na kahit mahirap lang kayo pero ang pamilya buo walang sakit may maayos na pagkain abay bless na bless ka na non. Namalingke si mama at si papa kanina kukunin daw 4ps inabotan ko ng 1k para pang bili ng kailangan nila sa bahay pero di tinanggap ni mama kasi may pera naman daw siya at ganun daw din si papa paguwe agad sya na nagluto at pinakuha niya ng talbos ng kamoting kahoy kapatid ko sa bundok at yan ginataan yan. Mapalad ako na may pamilyang mabait alam mong mahal na mahl ka hehe kasi umuwe yong panganay nila na gang ngayon wala pading asawa asan na daw asawa ko😅 Maulan pala po dito ngayon ang sasarap ng hinanda busog mauch ako andito na ako sa taas hahanap ng signal na ulit hehe walang silbe cp kung walang signal pambihira. Buti malakas dito sa taas nga lang lalabas ka pa ng bahay.
10 comments
kami pinili namin na manirahan nalang sa probinsya instead sa syudad, simple man ang buhay malayo naman sa toxic kaya kung ano man ang pagsasluhan namin sa hapag kainan ay siyang naming kinakain kaya ramdam ko ang pagkain na nsa lamesa
Buti ka pa kaingay. Hindi ko po naranasan na ganyan ang ibinigay sa akin sa pamilya. Sa totoo lang nahihiwagaan ako pag nakita ko ang ganyang pagmamahalan ng pamilya.
Pag alam naman nilang meron sila kaingay di na yan sila humihingi kasi sa bukid may hanap buhay ang magulang ko sa anak lang na sumonod sa akin ang medyo tagilid ang buhay kesa sa akin di rin kami perpekto mate ma alaga lang talga sila sa amin lalo pag yong lumalayo kagya ko nag tatrabaho sa malayo para sakanila kaya pag nakakauwe ako ganyan sila ka asikaso. Di man pantay pantay mate siguro sa ibang pagkakataon mo yan masumpungan.
Parang ang sarap naman umuwe dyan mate busog ka talga sa pagkain..hehe..
Sweet naman ng family mo po....Iba talaga kapag nasa tamang alaga ng pamilya, lalo kapag ganyang sabay-sabay kumain.. Tas ang sarap pa ng ulam. Nakakamisss sa Probinsiya
basta mag kasama yung pamilya at walang sakit laking halaga na yan to be grateful in life. sarap ng mga foods.
Kakagutom laing at inihaw na tulingan
Wow sarap naman nyan
Ramdam yung pagka special mo pag ganyan na talagang inaasikaso ka pag bumibisita...napaka mapagmahal.... baby ba nakalimutan mo dalhin asawa mo ahahha hanap kana friend 😅
Hala saan ang lugar mo mate parang kagaya sa amin sa bundok napakahirap ng signal. Sarap ng pagakin nyo napaka bless mo sa iyong pamilya