read.cash Log in
@Vin0 more from that month

•ᴋᴜᴅᴏꜱ ᴛᴏ ᴀʟʟ ᴡᴏʀᴋᴇʀꜱ• "𝐀𝐥𝐥 𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐮𝐩𝐥𝐢𝐟𝐭𝐬 𝐡𝐮𝐦𝐚𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐡𝐚𝐬 𝐝𝐢𝐠𝐧𝐢𝐭𝐲." -Martin Luther King, Jr. May 1, Labor Day is a special day celebrated internationally to acknowledge the important role of our beloved workers. The celebration has a heightened impact at present since we are going through the grave consequences of this pandemic crisis. Last year I penned a simple poem (in Filipino) in honor of our "Frontliners." I was supposed to submit this to "Istorya ng Pagasa" (Stories of Hope) but had forgotten the idea. So I would like to share this here with you instead. PARA SA MGA MINAMAHAL NA “FRONTLINERS” Ni Vin Reafort Sa iyong pagkalugmok Hapo at hapis ng kalooban Tindi ng pagod ng katawan Wari’y tanikalang gumagapos Sa ‘yong masigasig na layunin Kapakanan ng taumbayan Iyo bagang pasan-pasan Maligtas lang sa kapahamakan. Taimtim na panalangin Sa Poon ay itinataas Lahat ng iyong pangangailangan Kanya nawang ‘pagkaloob Sa bawat oras ng ‘yong pagsisilbi Sa kapwa at bawat isa Akapin ka ng mapagpala At mapagkalinga Niyang mga bisig. Tila ika’y namamangha Sa isang yanong katulad ko Estranghero sa iyong buhay Ngunit sa iyo’y lumilingap. Kaibigan, ‘wag magtaka Kung sa iyo ako’y nakamatyag Dakila mong kalooban Pumukaw sa ‘king kaisipan. Itong dukhang handog sa iyo Nawa’y ginhawa’y makamtan Sa’yong puso ay magbigay Rubdob ng bagong kagalakan Hinagpis ay lisanin ‘pagkat sa iyo’y may nakalaan Bagong pag-asa at parangal Diyos lamang nakakaalam. *** Mabuhay! 📸 The photos show the two government laborers that I met last year in my walk. One is a candid shot of a young man with his wheelborrow seemingly lost in deep thought. The other is a middle aged man with his old cart and a dog named 'Hotdog'. He works as a street sweeper in our town. #laborday #vrpoem #vrphotography

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.