read.cash Log in
@Unhidden more from that month

I've always loved you. Ako yong tipong pag nagka gusto sa isang tao punong puno ako ng respeto sa kanya.. kaya nga diko na nililigawan hahah.. isa pa wala pa akong kayang panindigan sa ngayon diko pa kaya ang commitment hehe.. Di mo man ako gaanong kilala kase nakatago ako eh nagmamasid Iang sayo sa malayo. Para na nga akong stalker sabi nga ng kaibigan ko baka obsessed na nga ako sayo hahahah.. Ewan pero kahit anong mangyari wala akong gagawin na kahit anong ikakapahamak mo.. Ramdam ko yong kakaibang feeling sa dibdib ko kapag nakikita kita pero syempre bawal magpahalata...hahah.. Diko alam kong bakit natatakot ako kase alam ko sa sarili ko hindi ako yong tipong magugustuhan mo hindi ako katulad ng mga lalaki sa k-drama eh o yong mga hot na character sa anime na paborito mo hahahh.. Dahil dirin naman ako lalake.... Sinasabi nila na kalimutan nalang yong mga taong di ka kayang pahalagahan o ibahin nalang ang nararamdaman mo kase patuloy kalang masasaktan....pero ayuko .. ayuko kalimutan yong pakiramdam nato kase ito yong isa sa kumukompleto sakin..... Sana balang araw nuh magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sayo at iparamdam kong gaano kita kamahal... Heheh.. Masyadong corny... Hahahaha Pero ito kase yong Totoo...

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.