Jeffrox case (my puppy) I found out that he got murdered (mas masakit malaman na pinatay talaga siya ) Habang chini check ang katawan nya nakita na binaril ang ulo nya ng baril na jolens ang bala pate sa bandang likuran nya may tama din... Sinong di maaawa sa sitwasyon nya nakakainis ayaw din umamin ng gumawa pero sigurado kami na sya yon dahil ilang beses narin syang nakapatay ng mga aso at pusa. (ノ`Д´)ノ彡┻━┻ Si jeffrox ni rescue sya ni papa sa may kagubatan kasama ng mga kapatid nya..mga bagong panganak sila doon Hindi namin alam kung nasaan na ang mama ng mga aso...Pero may tumayong ina sa kanila yong aso namin na si Badang siya ang nagbibigay gatas sa mga aso at dinadalhan nya rin ng mga karne galing sa katayan ng baboy.(nagawa nyang alagaan ang mga tuta kase noong bagong panganak si Badang walang nabuhay sa mga tuta nya kaya nakakaawa din. Noong Ilang araw ng nawawala si Jeffrox nag tulong si Badang at Snow hanapin siya (si Snow isa din sa mga step mother ng mga tuta) At ng makita nila si Jeffrox na wala ng buhay sa may damuhan ..kinuwento sakin ni mama ang ginawa ni Badang... Tumatahol siya, yong malungkot na tahol tapos ginagalaw galaw nya hindi siya umalis sa tabi ni Jeffrox (´;︵;`)... At ng ililibing na sya hinuhukay hukay parin ni Badang si Jeffrox. Sa totoo lang diko talaga mapigilan na mapaiyak nalang kase noong buhay pa si Jeffrox grabi sila mag harutan halos mag hapon hindi sila magka hiwalay. Nakakalungkot mawalan ng tuta talaga.. Buti nalang may video pa si Jeffrox at Badang na naghaharutan sila habang pinapanood ko yon .....´¯`(>▂<)´¯`·. Yong recent na post ko tungkol sa kanya https://noise.cash/post/lx9qzw42
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet