Magandang umaga sa lahat!! Kumusta ang umaga niyo? Kumpleto ba ang tulog? Taas ang kamay ng mga puyat.. wag kayo mag alala hindi kayo nag iisa hehe Anyway, napainom ko na ng antibiotic ang mga chikiting.. si treb nagising pero pinabalik ko sa pagtulog kasi maaga pa at isa pa eh late na din natulog tong batang ito tapos pagising gising pa dahil sa ubo. Si coco naman kinalong ko habang pinapainom ng gamot kaya ayun tulog pa hanggang ngayon.. ok na din para makabawi ng pahinga. Sana magtuloy tuloy na ang pag ganda ng pakiramdam. 1yr and 11mos pala si Coco ngayon.. next month birthday na naman naming dalawa haha.. oo hindi kayo nagkamali ng intindi birthday naming dalawa kasi pareho kami ng birthday.. birthday na birthday ko naglalabor ako hahaha.. Ang pamilya namin Aug at Dec lang may birthday celebration kasi Aug pareho si Treb at hubby (pero hindi sila magkabirthday pareho lang lagi ng araw kasi 14days after hehe) tapos Dec kaming dalawa naman ni Coco (tipid) isang celebration na lang hahaha Kayo? Anong kwentong birthday njyo? Hehehe Good morning!!!
@TrebieCoco
Joined 26 October 2022 · 65 posts
Mom of 3 Adorable kids, working mom
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Hello mga ka noise, mahimbing na sana ang tulog namin pamilya kaya lang si Coco sumuka na naman.. kaya napatayo agad kaming tatlo nila hubby.. buti hindi inabot si Treb ng suka ayun masarap ang tulog 1am pa dapat ang gising kasi iinom ng medicine si coco, eh kaya lang dahil sa sumuka nagising na kami pero good thing tulog na ulit sila. Nag decide ako wag na muna matulog dahil baka ma miss ko ang alarm eh hindi ko pa mapainom ng gamot si Coco Kaya ito dito ako sa noise nakatambay hehe.. Kumusta ang lahat??
Hello mga ka Noise!!! Maganda ba ang gabi niyo? Kumain na ba ang lahat? Hindi ako pumasok ngayon kasi kailangan ko bantayan si Coco kasi maaga papasok si hubby sa work bukas and late din kami nakauwi ngayon dahil dinala namin sila Coco sa doctor. Si treb ay may ubo at sipon lang pero si coco may kasamang lagnat at chills at ilang araw na din kaya nakaka alarm na.. so ayun nga dinala namin siya sa doctor at niresetahan sila ng antibiotic.. tig 2 bottles sila for 1 week. Si coco under monitoring kapag wala pa din pagbabago sa kanya need na magpa laboratory. Praying maging okay na ang mga bebe :)
Si Coco nalasing na naman sa gatas niya hahaha.. Si Treb nag eexhibition pa, sabi ko matulog na kung ano ano pa ginagawa.. bata batuta na talaga Anyway, time to sleep, let's chat later!

What's up mga ka noise!!! Pasensiya na hindi ko pa narereplyan mga comments niyo sobrang na busy. Dumating kasi mama ko nagpapahingi ng malunggay sa kapit bahay eh sakto wala din kami ulam kaya nagpunta muna ako palengke. Bumili ako ng hipon 1/2 at 1/4 naman para kina mama.. bumili na din ako ng baboy pang stock at dinamay ko na din sila mama pero 1/2 lang kasi bukod sa hindi sila nag iistock sa freezer eh hindi masyado kalakihan ang budget natin.. sa sunod na lang Bumili na din ako itlog at saging kasi mahilig sila treb sa saging actually favorite niya pala hahaha Bumalik din ako ng palengke kasi wala na pala kaming bigas kaya nakadalawang balik ako sa palengke.. sayang pamasahe ughhh.. init kasi maglakad eh So ito na nga, niluto ko na sinigang na hipon kasi mahilig din si treb sa hipon. Si coco naman bawal diyan lahat ng seafoods at manok kasi grabe allergies niya Kayo mga kaingay ano lunch niyo?? Kain tayoooo!!!

Good morninggggg!!! Back to reality na ang lahat! May pasok na ang mga bata sa school, may pasok na din ang mga nasa government at corporate jobs... Pati kaming mag iina back to reality na din.. kaming tatlo na lang ulit, pagka gising almusal.. asikaso ng mga chikiting, paligo, pakain, laro, pa tulog..hugas ng mga feeding bottles at mga pinagkainan Gumaling na sana ng tuluyan ang mga bebe.. Kumusta ang lahat? Ingat ang lahat!
Dahil kulang pa ako ng 1hr sa shift ko sa work pa post muna ako dito while thinking ano gagawin.. Yan yung mga nareceive kong bch kahapon (Nov. 1) gusto ko lang magpasalamat sa blessings.... Thank you Noise, anonymous, G!
Magandang gabi mga ka noise! Kakatapos lang namin mag dinner kasi dinala namin si coco sa mang hihilot. Gaya ng inaasahan ko nagngingipin nga daw si coco.. hinilot niya si coco at may pilay din. Pinahilot ko na din si treb kasi may ubo at sipon din.. Sana tuluyan na ang pag galing nila.. Mag uumpisa pa lang ako ng shift ko, maya na lang ulit! Good night sa mga tulog na at kaway sa mga mag uumpisa pa lang sa trabaho nila. Happy evening!!!!
My goodness wala kaming kuryente kung kailan gabi at may pasok ako huhu.. sana bumalik din agad

This is my eldest you think he is awake? No he's not.. he is still sleeping. He loves hugging me regardless of the weather.. Anyway, let me go back to sleep so I'll have more energy later for my shift! Good afternoon and keep safe!!
Hello mga ka noise! Pasensiya na ngayon lang ulit nakapag ingay.. ginising lang ako ni hubby kasi sabay daw kami kumain pero dapat tulog pa talaga ako kasi kaninang umaga lang ako natulog dahil nag extend ako sa work ko kasi nung oras ng trabaho hindi ako nakapagtrabaho dahil si Coco iyak ng iyak at gusto lang magpakarga sa akin.. pero so far okay okay na ang pakiramdam ni coco sana magtuloy tuloy.. Kain po tayo, Nilagang baka Beef Tapa Baka na lang ang laman ng fridge namin kaya yan ang mga ulam namin. Kayo? Ano ulam niyo?

Itong pamangkin ko biglang bumaba, nilalamig daw kasi siya sa taas. Eh nakaramdam ako ng gutom kaya tinanong ko siya kung nagugutom din ba siya sabi niya oo daw sabi ko magluto siya pancit canton. Ito at nagluto, kaya lang na overcooked kaka cellphone niya haha Malabsak tuloy yung noodles, anyway pwede na yan laman tiyan din hehe Kain po tayo!! Hello, November 1st!
Ang mga anak ko mapa may sakit o walang mga clingy lalo na ang panganay ko. Itong si bunso kapag matutulog gusto nakatabi sa akin at nakaunan sa braso ko, yung panganay naman gusto nakayakap at hinihimas himas ang nunal ko sa braso. Ngayon may sakit si bunso gusto nakapulupot lang sa akin.. umokay na pakiramdam niya kaninanh hapon pero nung pagabi na nag umpisa na naman uminit katawan niya.. Ang hirap kasi magpunta sa ospital ngayon lalo na at sintomas ng covid ang meron siya, panigurado isolated agad si baby tapos lahat kami isswab na naman. Hindi naman siya sobrang tamlay kasi kumakanta pa siya at naglalaro.. siguro tumutubo na nman lang ngipin niya at dala na din ng ubo. Sana lang gumaling ka na agad Coco.. we love you

Good evening mga ka noise. Here is our dinner for tonight. Fries chicken Tinolang Manok Nagtimpla din ako ng coffee kasi may work ako and I feel sleepy pa. Let's eat po, what is your dinner guys?
Woke up with this happy pill.. I pray continuous healing for you my love


Good morning... sobrang init pa din ni coco.. ito at 39.0 na fever niya. Grabe yung suka niya last night sobrang dami pero gumaganda pakiramdam niya pagkatapos. Ngayon kahit mataas fever niya kapag tinanong mo siya are you ok or good job sumasagot pa din naman siya and naglalaro kahit pano.
Nagising at nag iiiyak.. nagchichills din. Sobrang init niya kasi kaya ito kumuha ng pamunas si hubby (tubig na may yelo) at pinunasan siya para kahit pano gumaan ang pakiramdam... pinainom ko na din sya ulit ng calpol tutal minuto na lang at mag aalarm na ang phone ko reminding me ng gamot niya. Ang hirap talaga kapag may sakit ang anak... bukod sa puyat eh nakakaawa naman ang kalagayan nila.. Sana gumaling ka na anak, love you po.
Dahil pare pareho kaming nakaramdam ng gutom pati yung dalawa kong pamangkin, eto at nagluto si hubby ng spaghetti tutal may ingredients naman sa fridge except sa hotdog.. dinala ko nga pala kina mama yung tira naming hotdog at hindi pa kmi nakakabili ulit. May kape din kasi nag request ng kape si hubby.. Midnight snack, let's eat :)
Hindi natuloy yung in-laws ko sa pagpunta dito sa bahay kasi madilim na naman daw kanina kaya pina lalamove na lang nila yung ipapadala nila. Yan yung galing dun sa package na pinadala ng kapatid ng father-in-law ko. Nakakatuwa kasi sobrang nagustuhan ng mga bata. May konting chocolates din pero hindi muna namin pinakain sa kanila dahil may mga ubo pa nga sila baka masobrahan sa matamis. And marami pa din silang candies from trick or treats. #happyTrebieandCoco

Ito na sa wakas! Kain po tayo :) Nilagang baka, kaldereta, patis kalamansi sili
Good afternoon! Pagabi na naman ulit at ito nakahiga pa kami dahil masama nga ang pakiramdam ni coco gusto niya nkadikit lang ako sa kanya, naalala ko hnd pa pala ako kumakain ng lunch. Yung pandesal pa lang kaninang umaga ang kinain ko kaya pala nagugutom na ako. Napapa crave tuloy ako ng potato corner 😛😋😋 kaya lang malabo dahil walang malapit na potato corner dito at mahal magpadeliver. Kakain na lang akong kanin mamaya kapag nagising si coco para makababa kami.. ano ang inyong dinner??
Coco has a fever again :( maybe because of cough and colds and the weather as well. We checked his temperature earlier and its 38.0 I already gave him Calpol. Hope he'll be fine very soon.
Breakfast tayo mga ka noise.. kape and pandesal with dairy cream for me. Milk and pandesal with cheese naman para sa kids :) Happy eating!
Good morning mga ka noise! As expected, no more floods in our village. Seems like the weather will be a little good today. But still keep safe!
Magandang gabi mga ka noise.. as expected sa tuloy tuloy na pag ulan ito at baha na din sa amin.. pero ang maganda lang eh hindi nagtatagal ang baha dito sa amin kinabukasan lang kapag hindi na umulan huhupa din agad.. sa inyo ba baha na din? Ingat po
Magandang hapon or gabi na? Haha sabi ko maglilinis ako ng bahay kasi baka dumating ang in-laws ko bukas. Tumawag kasi sakin kanina saan daw sila pwede magpark na hindi sila ma-to-tow. May padala daw kasi galing ibang bansa yung kapatid ng father-in-law ko at maraming pang bata gaya ng books.. so pinapunta ko dito yung pamangkin ko para magbantay kina treb at coco habang naglilinis ako. Kaya lang sobrang inaantok talaga ako kanina kaya sinabayan ko sila ng tulog... at ito nga... ang dami kong nalinis sa panaginip. Ughhh.. wala pa din kasi asawa ko, hindi pa makaalis sa trabaho.. kumusta ang lahat?
Dahil maulan at walang lutong ulam sa GC at hindi din ako makapuntang palengke para mamili ng lulutuin, ito at nagluto na lang akong lucky me beef at nilagyan ng malunggay galing sa tanim ng kapitbahay :) Kayo? Anong ulam niyo? :)
It's morning and I'm a little dizzy due to lack of sleep. Good thing I'm done with my work and I can sleep now just hoping the kids will sleep more so I can also have a good one. Good morning and happy weekends, still raining tho. Keep safe, guys!
Work work work!!! Part time on. Tomorrow na ulit matutulog.. kaway sa mga GY :))
Just got home! Grabe sobrang hirap sumakay ngayon. Buti na lang hinatid kami ng in-laws ko. Yan si Coco may sepanx haha tinuturo yung labas, hinahanap niya yung sasakyan ng in-laws ko..