read.cash Log in
@TrebieCoco

Magandang umaga sa lahat!! Kumusta ang umaga niyo? Kumpleto ba ang tulog? Taas ang kamay ng mga puyat.. wag kayo mag alala hindi kayo nag iisa hehe Anyway, napainom ko na ng antibiotic ang mga chikiting.. si treb nagising pero pinabalik ko sa pagtulog kasi maaga pa at isa pa eh late na din natulog tong batang ito tapos pagising gising pa dahil sa ubo. Si coco naman kinalong ko habang pinapainom ng gamot kaya ayun tulog pa hanggang ngayon.. ok na din para makabawi ng pahinga. Sana magtuloy tuloy na ang pag ganda ng pakiramdam. 1yr and 11mos pala si Coco ngayon.. next month birthday na naman naming dalawa haha.. oo hindi kayo nagkamali ng intindi birthday naming dalawa kasi pareho kami ng birthday.. birthday na birthday ko naglalabor ako hahaha.. Ang pamilya namin Aug at Dec lang may birthday celebration kasi Aug pareho si Treb at hubby (pero hindi sila magkabirthday pareho lang lagi ng araw kasi 14days after hehe) tapos Dec kaming dalawa naman ni Coco (tipid) isang celebration na lang hahaha Kayo? Anong kwentong birthday njyo? Hehehe Good morning!!!

14 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.