Nagising ako sa lakas ng ulan, iniwan ko kasing bukas ang pinto dahil dito lang ako sa baba natulog.. grabe ang kulog kanina at hangin Sana wag umulan mamaya kasi mahihirapan kami sunduin sila Treb at Coco sa kabilang bahay. Kumusta kayo? Malakas din ba ulan diyan sa inyo??
25 comments
Ingat po☺️
Salamat sis. Ikaw din :)
Lakas din ng ulan dito
May bagyo ba ulit?
Ndi ko alam
Hindi naman maulan dito sa amin pero madilim na ang langit.. parang doon na rin papunta hehee
Dito kulog at kidlat muna tapos lakas ng hangin bago bumagsak ng tuluyan ang malakas na ulan.. anyway ingat po. Baka may sampay kayo sa labas hehe
Sana ilipat nalang ang ulan sa amin. hehe
Bakit? Sobrang init ba diyan?
di naman po maxado pero mas gusto ko kasi pag tag-ulan, hehe
Ahhh kasi malamig? Haha
Lakas nga ulan sainyo sis kabaliktaran naman dito samin.
Sobrang init pala diyan. Masarap naman maglaba kasi mabilis matuyo ang mga damit hehe
Oo sis pero nakapaglaba na ko kahapon.
Buti ka pa. Ako baka bukas or sunday.. tambak na namn labahan dahil ilang araw nagsuka si Coco
Ambon lng dto sa lugar ko
Buti ambon lang pero ingat pa din baka lumakas
Hindi naman po kalakasan ang ulan dito sa amin. Pero malamig po ngayon hehe 🥶.
Masarap matulog! Hehe
Hangin lang sis pero maaraw pa
Baka umulan mamaya
Ako din sis nagising ako sa ulan.
Hindi na nga ako nakabalik sa pagtulog eh.. ikaw ba??
Dito Rin sis maulan na hapon. Ingat kayo.
Mukhang pati gabi sis maulan din.. ingat din kayo