ANG PABORITO NATING GUYABANO (Posibleng health benefits) Marami itong posibleng health benefits, katulad ng: 1. Tumutulong syang mag-produce ng energy para sa katawan. Mayaman sya sa vitamin na Thiamin na tumutulong i-convert ang asukal at carbohydrates na maging energy. 2. Puwede makaka-patibay rin sya sa mga buto natin. Mayaman rin sya sa calcium na kailangan ng mga buto. 3. Nakakatulong rin syang ma-control ang cholesterol natin sa dugo. Dahil ito sa Niacin na nasa guyabano. 4. Makakatulong rin ito para maiwasan ang anemia dahil mayaman sya sa iron. 5. Maaring makatulong rin sa mga may migraine headache dahil sa taglay nitong Riboflavin. 6. Mayaman sya sa fiber kaya't makakatulong rin sa mga may constipation. 7. Mayaman rin sya sa vitamin C at makakatulong para labanan ang mga infection. 8. Mayaman rin sya sa potassium na maaring makatulong sa mga nakakaramdam ng pamimitig (cramps) ng muscles at panghihina. 9. Para sa mga kababaihan naman, nakakatulong ang guyabano na bawasan ang mga nararamdaman tuwing may menstruation. 10. Mayaman rin sya sa Folate na kailangan ng mga nag-bubuntis. Masustansya ang guyabano pero, 'wag naman natin syang ituring na gamot para sa lahat na nabanggit nating problema. Ituloy pa rin natin ang mga gamot na rineseta ng doctor natin. O, kain na ng guyabano!
1 comment
that´s like a Cherimoya right ? They grow here in Andalucía the south of Spain very well and they are really really sweet ;)