read.cash Log in
@ThisIsStepBro more from that month

Rayuma, Osteo-Arthritis at Rheumatoid Arthritis Ang arthritis ay pamamaga ng kasu-kasuan o joints. Maraming klase ng arthritis. Osteoarthritis: Sa pag-edad, halos lahat ng tao ay nagkaka-osteoarthritis. Ang osteoarthritis ay pamamaga ng cartilage o butong-mura sa dulo ng mga buto dahil napudpod, kaya masakit at maga mula sa pagkiskis o paggalaw. Ang dahilan ng pagkakaroon ng osteoarthritis ay maaring namamana, dating injury o pinsala, sobrang pagtatrabaho at pag-edad. Kapag mataba o mabigat ka, mas magdidikit-dikit ang buto sa likod at tuhod dahil sa bigat ng katawan. Rheumatoid Arthritis: Ang rheumatoid arthritis ay sakit sa immune system kaya namamaga ang lining ng kasu-kasuan. Ang mga dapat kainin pag may osteoarthritis o rheumatoid arthritis ay mga pagkaing laban sa pamamaga tulad mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng tawilis, tamban, dilis, hasa-hasa, galunggong, at talaba. Kumain din ng mga antioxidants o mayaman sa vitamin C tulåd ng papaya, kalamansi, suha, repolyo, kamatis, bayabas, mangga, berdeng sili (bell pepper) at singkamas. Kumain ng may beta-carotene o vitamin A gaya ng mga dilaw na gulay at prutas, kamote, mangga, papaya, at kalabasa. Dagdagan din ng pagkaing may vitamin D para tumibay ang buto gaya ng pula ng itlog, talaba, sardinas, tawilis, tumban, soya milk at kabute.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.