read.cash Log in
@Tere03

Mangga

Magandang umaga sating lahat. Mangga isa yan sa mga prutas na pinaglilihian ng mga buntis . Yung tipong sabihin mo lang na gusto ko ng Mangga, iisipin na nila na baka buntis ka, aha. Nakasanayan na natin yung ganyan. Ibat-ibang klase ang merong apple mango, indian mango, kalabaw at iba pa, syempre yan lang mga alam ko na klase ng mangga.,aha . Ngayong araw nato nagdala ang ate ko ng mangga, napakarami dahil may puno sila, at saktong kumuha din ng mangga asawa ko sa school kahapon. Oh dbah napakarami 2 plastic bag na malaki. Aha yung iba mahinog hinog na ang sarap kainin lalo na pag may bagoong. Dahil sa sobrang dami bnigyan ko mga kaibigan, kapitbahay ko, at alam niyo ba sa isang araw kumakain kami ng siguro ng 20piraso. aha baka kasi masira sayang kaya pilit namin inuubos . Ang sarap ng mangga, matamis lalo na apple mango ang dala at nakuha ng asawa ko. Siguro aabutin pa ng ilang araw ang mangga dito samin . Pede rin itong ulamin. Maraming pedeng gawin sa mangga . Napakasarap, masustansya . ☺️☺️

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.