"OUCH" So yun na nga noh mga ka ingay..Ouch talaga eh Kanina kase e galing ako sa vaccination ng Sinovac at yun na nga natuloy na rin sa wakas Takot kase talaga ako sa tusok ng karayom lalo nat alam mo na tutusukin ka. alam mo yun? Napapikit talaga ako kanina nun nararamdaman ko na itutusok na. tapos ayun na hhhmmm napakagat labi na lang ako nun ramdam ko na talaga.. ehehehe The Sinovac vaccine is a vaccine that aims to protect against COVID-19. Tapos pagdilat ko.. kinakausap ako nun sundalo. e akala niya KHMER ako. so hindi ko naman sya gaano maintindihan.. kaya naisip ko ang sinasabi nya sa akin siguro e masarap ba iho? kagat labi ka pa kase e. ahahaha. Khmer - ang tawag sa mga Cambodian people Ano nga ba naging side effect nitong Sinovac sa akin after nga matusok. 1 masakit yun tusok e yun talaga yun 2 maya maya mga after 5 mins. parang ngalay yun bahagi na natusok. parang walang pakiramdam 3 nun nasa bahay na ako. medyo sumasakit ulo ko na nahihilo, pero diko lang alam kung epekto ba yun nang gamot o dahil sa inet nang panahon. long drive din kase ako kanina mga 10km mula sa bahay ko 4. ayun makalipas ng mga ilan oras. kumikirot yun bahagi natusok. at sabi naman nila ay natural lang daw yun. So yun lang mga ka-ingay noh.. Medyo hindi Goodvibes ehehe nasaktan kase eh. ehehe Kayo ba natusok na din ba kayo ng Sinovac?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
1,2,at 4... usually nararamdaman talaga yan sa site of injection. yung 3... baka mild side effect or dahil na rin lang sa init talaga. Pero overall, masasabi kong wala ka naman dapat ipangamba. Panatilihin mo rin lang malakas resistensya mo. 👍
salamat bro.. isang tip nga dyan para palakasin ang resitensya? huwag yun produkto natin ah kasi iba tama nun e. ehehe
Kain ka lang ng tama. Wag magpagutom, iwasan magpuyat, plenty of fluids, mga basic lang. Iwas sa crowded areas, iwasan din magpakastress. hehe Yung product sana pinaka effective eh. Kaso nga kailangan muna ng reseta ng mga doctor natin yun. at saka bawal daw muna iyon isapubliko. 🤣
ehehe ayos bro. isa lang nihingi ko andami mo na nibigay. salamat ehehe