“KISS KISS ANNE” Hehe nanaginip ako kagabe mga ka-ingay noh. Kiss kiss daw kami ni Ms. Anne ahahaha joke lang. Pero ang kwento ko ngayun ay parang medyo related dyan. Kakaisip ko kagabe bago matulog. kung ano ba yun bagay na kakaiba sa akin na baka kako ako lang ba ang nakakaranas ng ganun. Baka hindi na ito normal.. Ako kasi yun tao na hindi basta basta makakatulog kapag wala nun e. hinahanap hanap ko sya kumbaga.. nag simula ito nun bata pa ako. Ang bagay na hinahanap hanap ko lagi ay yun “kiskisan” (kiss kiss anne) kulambo ko sa paa. hehehe Bata pa lang talaga ako e di ako makakatulog o hirap matulog kapag wala ang kulambo ko sa paa taps yun nga kagabe ay nag search ako kung meron din bang katulad ko na mahilig din sa kulambo sa paa. At nagulat ako hehe meron din pala mga tulad ko. na parang nagiging sirena o shokoy dahil sa kulambo ahahaha At yun isa Nakita ko ay may binebenta pa sa Lazada astig ahahaha Hindi kasi maipaliwanag yun sarap na nadarama kapag meron ako kulambo sa paa. Yun ultimo manonood lang ng tv sa lasa e. nakakulambo pa rin sa paa. Mas na-e enjoy mo panonood ng tv weeeh hehehe. Pero ginagawa ko lang naman yun kapag wala iba tao sa bahay noh. Hahaha medyo nahihiya din kase ako. Ahaha . Kaya shout out sa mga ka-ingay na tulad ko. Kulambo is life ahahaha Hindi iniiwan ang kulambo kahit saan man magpunta kahit nga dito na ako sa abroad ay may kulambo pa rin ako dala. Gandang araw mga ka-ingay. comment lang kung isa rin kayo sa tulad ko ehehehe #kulamboislife #noisecash
No comments yet