Thanks god for the safe trip...Hindi nga lang ako nakatulog ng maayos sa biyahe natakot talaga ko sa nakita ko sa daan kanina.Mga kasabayan pa namin malalaking truck.Kaya tutulog muna kami bago maglinis.May mga checkpoint na kaming nadaanan pero tulog sila haha.Mamaya pa mga yun maghihigpit mabilis biyahe namin patigil tigil lang kami at inaantok driver namin.Hindi daw kasi siya makatulog ng maayos.Idlip muna ako balik ako mamaya...Good morning everyone.
@Sweetzyle22
Joined 1 August 2025 · 454 posts
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Omg bigla ako kinilabutan sa nadaanan namin may tumaob na sasakyan.Kakaawa may bata pa naman sa loob ng sasakyan😢.Pano kaya nangyari yun wala naman kabanggaan.Bagong bago pa sasakyan nila ang layo pa naman ng ospital.Ang aksidente di natin alam kong kelan mangyayari kaya dapat slowly but surely.Mabilis siguro magpatakbo yun.Pahinto hinto tuloy kami baka kasi antukin driver namin.
Back to laguna na...God bless our trip.Sarap na sana dito sa probinsiya...kong buhay lang sana mga biyenan ko pwede pa kami mag stay dito at transfer ko anak ko dito.Mas safe kasi dito kesa samin.Nakakalabas pa sana anak ko dito at madami pa kalaro,kulong na naman anak ko nito kakaawa naman.Sobrang higpit na nito bukas sakto dating namin.Namiss ko na mga alaga ko.Magandang hapon mga kaingay.
Kainis hindi ko alam na aso pinakain samin ni hubby aga kasi naming kumain pero masarap siya.Iinis ako sabi ba naman kasi kambing eh meron naman na luto na dinuguan at paksiw at nagkatay naman ng baboy.Ngayon lang talaga ko nakatikim ng karneng aso na yan para akong masusuka eh!akala ko ba bawal na katayin mga aso.Buti pa pato,itik at kambing ok pa at malinis mga yun.Ang dumi pa naman ng aso kong ano-ano kinakain buti kong pulutan lang ok lang buti tikim lang akin.Naalala ko…
Hindi na ko nakakapanood balita puro cartoons kasi pinapanood dito gawa ng mga bata.Pahirapan pagbalik nito ang daming checkpoint sana naman hindi kami mahirapan na galing dito bicol.Yung mga pauwi ng province niyan hirap na namang makauwi.Buti nakasama pa kami ng anak ko dito.Hindi kagaya last year ng mamatay biyenan kong babae hindi kami nakasama ng anak ko at sobrang higpit noon.Ang daming req.na kailangan dahil buntis ako nun hindi na ako pinasama noon ni hubby at…
Bantay muna habang tulog pa papalit sakin.Katatapos lang maglaro ng bingo bawi lang talo kahapon.Ang bibilis nila alam ko lang laruin yung reg.bingo at may mga pattern online kasi ko dati naglalaro ngayon ayaw ko na.Sobrang hirap ng pera ngayon para lang waldasin.Ang mamahal ng mga bilihin kaya ultimo barya sayang na.Buti hindi ako kagaya ng iba na kahit wala na eh manghihiram pa para lang makapaglaro.Tamang libang lang noon pantanggal ko lang ng stress pero ngayon stop na…
Good morning noisemates kain tayo ng puto bigas o puto bao.Ganito na lang siya kaliit ngayon.Ito ay gawa sa giniling na bigas at may bukayo sa loob niluluto siya sa bao na maliit at pinapasingawan lang.Lagi kami nabili nito pag nauwi dito sa bicol.Grabe init ngayon makapaglaba muna para konti lang dalhin namin na labahin pag-uwi namin,kahit saan magpunta ang init na talaga kaibahan lang dito may hangin kahit papano.Late na nagising at madaling araw na nakatulog.
Nakapagpakain na at nagpa kape na sa mga naglalaro sa labas bantay muna saglit bago matulog.Inantok ako sa laro namin na B_ _ _O talo kasi haha.Bawi bukas naman ng gabi binawian ako ngayon hehe.Hindi ko talaga kaya magpuyat antok na naman ako.Magkakain na lang ako pantanggal antok.Tulog pa papalit sakin...Pag sa probinsiya talaga ang dami lagi bisita pagka may patay.Magdamag sila naglalaro kakatuwa kasi naglagay na tv at dun nadin sila nanonood online sabong laki din ng tong…


Gabi na naman mga kaingay kain na po kayo diyan.Aga ko pinakain ni hubby ng stofadong itik ayaw talaga ma upload huhu.Hirap ng naka data hina din signal dito.Wala na talaga ko pili pili sa pagkain ngayon.Dito lang ako nakatikim ng mga gantong pagkain pato,itik at kambing pero masasarap naman sila depende na lang talaga sa luto.Wala ng kaarte arte sa pagkain buti nga at may makakain pa kaya kailangan ipagpasalamat yun...3 days to go back to laguna na kami nakapagpa sked.din…
Hays hirap makapag upload ng pic.1week nadin pala kami dito bicol.Dapat bago mag ecq makabalik na kami ng laguna.Mahirap lang naman ata pag mga uuwi ng probinsiya kasi maghihigpit na naman sila.Hindi pwede magtagal at kailangan din pumasok sa trabaho si hubby at hipag ko.Feeling ko lalo nadagdagan timbang ko dito maya't maya ang kain haha.Kakatuwa naman anak ko akala ko hindi na marunong magmano sa mga matatanda kasi lagi na lang nasa loob ng bahay,kahit hindi sabihan na…
Igado Iba iba luto ng igado merong saging lang na saba sahog at siling haba pero masarap na.Kadalasang igado kasi ganito ang luto minarinate muna sa tuyo at suka at rekado bago igigisa ang gulay na lahok carrot,patatas,baguio beans,sili haba at lalagyan lang tomato sauce.Masarap din siya pagka maanghang.Ito ulam namin dito ngayon kakakain lang eh kakain na naman daw puro kain na lang.Maya maya pa ko kakain busog pa hintay ko muna gulay.Kaumay pag karne kasi pero ang sasarap…
Merienda tayo mga kaingay ng balisuso o suman.Ito ay gawa o niluto sa giniling na malagkit na bigas o glutinous rice flour,buko juice,grated young coconut,asukal at binabalot sa dahon ng saging.Isa din ito sa mga kakaning favorite ko.Ang sarap ng pagkakaluto,merienda namin dito ngayon at pakain sa mga dalaw.Cravings satisfied ako today wala ako nabibili nito sa laguna.Magandang hapon sa lahat...

Napaka antukin ko na talaga parang hindi ko kaya magdamag magbantay.Hindi na ako sanay magpuyat kasi dati naman napasok ako ng panggabi sa work ko dati.Nakapag kape na hindi tumalab sakin pinagpawisan lang kaloka. 1st day of aug.na pala bilis lang ng panahon talaga.
Kain tayo mga ka Pilipinas Ginataang pato (duck) Ang sarap ng pagkakaluto ng mga cook dito napasarap kain ko hehe.Bihira lang ako makakain ng ganitong ulam masarap pala siya. Anak ko hindi talaga nag ulam fish ang kinain niya.Ayaw niya daw ng duck hehe.Ito lang kinain ko at ito lang ang hindi ko nakakain palagi.Nakain din ba kayo ng ganitong ulam mga ka pinas?Na busy ako now lang nakapag post at madami ginagawa nag aasikaso sa mga bisita,lalo na mamaya magdadatingan mga…
Good morning noisemates kahit hindi maganda ang umaga samin.Share ko lang ang nakita kong caladium dito kahit san lang pala to natubo dito.Hindi ko alam kong anong name nito alam ko lang eh variety siya ng caladium.Wala akong nakita nito sa mga nagbebenta ng halaman sa amin.Kakaiba din siya kaya magdadala ako nito pagbalik namin ng laguna.Tuloy lang ang buhay kahit ano mang mga pgsubok na nadaan sa aming pamilya.Ganyan talaga ang buhay una una lang. ❀𝔍𝔞𝔫𝔯𝔦𝔠𝔥❀
Minsan napapaisip na lang ako kong bakit nangyayari sa pamilya ni hubby ko to.Halos taon taon na lang namamatay mga mahal niya sa buhay dahil sa sakit.Una biyenan kong lalake,wala pang isang taon na nawawala sumunod naman biyenan kong babae wala pang isang buwan baby ko naman na 7 mos.pa lang lumabas na agad at may sakit din...tapos ngayon hipag ko naman😢Sobrang kota na sa mga pagsubok sa buhay.Ang babait naman ng pamilya ni hubby halos wala ako masabi love na love nga nila…
Happy lunch time mga ka Pilipinas Ginataang manok akala ko native na manok na naman hehe hirap na daw ng native na manok dito.Ang sarap ng pagkakaluto ng tito ni hubby.Mukhang taga kain na lang ako dito parang bakasyonista lang hehe.Dagdagan pa ng sili lalo gaganahan ka talaga kumain.Kain nadin po kayo diyan mga katambay... Nakakalungkot na balita back to ECQ na naman pala samin sa laguna sa aug.6...pagbalik namin mahigpit na ulit.Magiging stress eating na naman ako nito…
The beauty of orchids flower... Ang gaganda talaga nila dito yan sa pinsan ni hubby namasyal kami.Ang ganda pati sa house nila ang dami ding halaman.Yung mga nakukuha lang sa bundok na halaman eh andito sa kanila pag sa city ang mamahal na.Buti pa siguro magdala ako pag-uwi namin at ibenta ko hehe.Sarap sa eyes talaga ng mga flowering plants.Sabi ng tito ni hubby magdala nga daw ako at magtanim din hindi na ako bibili nakatipid pa ko,pero sana lang mabuhay sakin haha.Yan…


Good night noisemates tulog na ng maaga para makabawi sa tulog.Ang sarap talaga pag sa probinsiya ang presko dito.Masarap matulog nito ito yung maganda sa probinsiya kong pwede nga lang dito na lang muna kami hanggat may virus pa na kumakalat mas safe padin kasi talaga dito.Dito pwede lumabas ang bata at malayang makakapaglaro.Samantalang nung nasa laguna kami laging nasa loob lang ng bahay anak ko.Nakakaawa naman puro gadget na lang. Stay safe and God bless us🙏 ❁𝕵𝖆𝖓𝖗𝖎𝖈𝖍❁
Merienda tayo mga kaingay ng mais na puti. Ito yung favorite kong mais mas gusto ko to kesa sa sweet corn.Sarap na sarap ako dito manamis namis pati siya.Masarap din siya gawing corn soup.Nag crave sana ako ng puto bao kaso wala kami nadaanan kanina sana bukas merong tinda namiss ko din yun.Medyo nahihilo padin ako sa byahe namin.Maya ako babawi ng tulog hindi makatulog kasi ng maayos.Masarap matulog mamaya at presko dito kanina kasi nag brownout.Hays kakaawa talaga tingnan…
Ginataang gulay na lubi-lubi at picadillong pritong tilapia ulam ko today...Kain po mga kaingay.Namiss ko din itong gulay na to wala nito mabibili sa city.Dito lang ako nakakakain nito sa bicol.Busolve na naman ang tummy ko ng favorite kong ulam.Nag lunch na po ba ang lahat?kong hindi pa kain na kayo...Sarap din pagkakaluto ng bayaw ko. Thanks god at safe kaming nakarating walang anumang aberya.Maya tulog muna at hindi nakatulog sa byahe pagising gising. Happy lunch time po…
Magandang umaga Pilipinas... On our way to albay bicol,nakalabas din ng lungga at nakalanghap ng sariwang hangin.Nakasama din kami ng anak ko pag-uwi.Umuwi kami hindi para mag bakasyon kundi damayan ang hipag kong may malalang sakit.Ilang oras pa byahe namin ang sakit na sa puwet haha.Ang haba ng byahe namin siguro mga 12hrs aabutin nag stop over din kami at kailangan magpahinga driver namin.Hindi na ako nakapagpost at biglaan uwi namin kagabi. ❀𝕵𝖆𝖓𝖗𝖎𝖈𝖍❀
Hindi ko na naman namalayan oras ang bilis talaga...mahapdi na mata ko hehe adik lang.Bukas naman po ulit mag-ingay at hindi na kaya ng power ko.Sigurado kasing maaga na naman ako gigisingin ng mga alaga ko.Tulog na ata ang lahat ako'y tutulog pa lang...good night na po.. Thank you lord for all the blessings... Janrich®
Ang sarap balikan ng staycation namin jan sa Seda hotel kasama ang pamilya.Namiss ko na bonding namin ng mama ko.Wala ng mas sasaya pag kasama ang pamilya.Sobrang nakaka relax ng place.Yung kami kami lang ng pamilya ko ang nag swimming diyan.Hindi nga lang pwede magtagal may limit lang sila at oras ng pagligo.Ang linis kasi walang ibang kasabay.Sabi ng anak ko mommy kelan po ulit tayo mag swimming miss niya na daw maligo.Nakaka sad lang sabi ko konting tiis na lang kahit ang…

Ginarip na mais or ginisang mais (corn soup) for lunch... Easy to cook healthy and yummy food.. Nilagay ko eh hipon na tira nung sang araw,talbos ng sili at chicharon. Sakto ngayong makulimlim ang araw. Mamaya babagsak na naman ang ulan. Inagahan kong magluto para makaidlip pagkatapos mag lunch.May thunder storm pala kaya naman naulan ulan dito samin. Musta po mga kaingay kayo po ano ulam niyo? Ingat po sa mga lalabas huwag makakalimot magdala ng pang sangga sa…
Good morning noisemates... I hope that you had a restful and peaceful night...Rainy and cold friday. Aga ko nagising kanina sa sobrang lakas ng ulan nauna pa ko sa alarm clock ko.Ang sarap lalo matulog pagka ganitong maulan.Nakakatamad mamalengke nito mamaya at sigurado baha na naman doon...need magsuot ng bota kasi ang dumi ng tubig tsaka iwas nadin sa sakit.Ingat po ang lahat lalo na sa mga papasok.Ito ang mahirap sa mga papasok sa trabaho na maulan,kahit na maulan…
Good night everyone...it's time to sleep na. Yung bago kong laba na cover sa sofa bininyagan agad ng bago naming pet haha.Nakalimutan ko kasi ibaba yung cat litter box niya.Kaya diyan siya napa poop haha.Ok lang nalabhan ko na ulit.Marunong naman na siya kaso diyan lang talaga inabutan at naghahanap ng cat litter box niya.Sorry naman kasalanan ko din naman kasi. Say good night to my cutie kitten... God bless us noisemates... Janrich®
Walang ibang meryenda kaya isaw na naman,wala kasi naglalako.Wala naman si hubby kaya pwede kumain hehe.Hindi naman masama kumain basta paminsan minsan lang. Kayo po anong meryenda niyo?Kayo po ano fav.nyo sa ihaw ihaw? Pagabi na naman busy na naman sa pagluto ng hapunan.Ako magsaing na lang at may ulam pa naman kanina tama na yun para tipid. Janrich®
Adobong manok for lunch... Ito na lang niluto ko madaling lutuin at siguradong makakakain pa mga alaga ko.Sarap pagpawisan or ganito na talaga pag tumataba mabilis pagpawisan haha.Kumain na po ba kayo mga kaingay ano po ulam niyo?magka pakpak na tayo nito at ayaw mag mura ng karneng baboy🤣pero akin mas gusto ko pa kahit laging gulay kesa sa mga karne.Nasanay kasi kami na laging gulay ulam namin. Magandang tanghali po sa lahat... Janrich®
Good evening noisemates... Meet my new baby girl. May gf na agad baby blaze namin talandi hehe.Welcome home baby.Pa help naman po anong magandang name ng new baby girl ko. Lahat ng naiisip ko ayaw ng asawa ko kaloka. Nadagdagan na naman aalagaan ko,2 mos.old pa lang po yan.Mas mabalahibo siya sa lalake namin. Na busy ako umalis kasi kami kinuha namin yan.Magpapadami kami ng pusa ayan na lang mga kapatid ng anak ko hehe. Janrich®