Review time dahil next week na ang 4th grading exam nila ilang weeks nalang at malapit na ang bakasyon nila.. Kahit dalawa ang table dito sa kwarto mas gusto parin niya magsulat sa sahig hahaha!iwan ko sa batang to.
Joined 4 November 2022 · 198 posts
Full-time mom @moniquejayne GOD IS GOOD ALL THE TIME
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Review time dahil next week na ang 4th grading exam nila ilang weeks nalang at malapit na ang bakasyon nila.. Kahit dalawa ang table dito sa kwarto mas gusto parin niya magsulat sa sahig hahaha!iwan ko sa batang to.
Ulam for dinner"Pritong Tilapya" Favorite to ng anak ko kaya ito nalang ang binili ko matagal narin kaming d nakapag-ulam ng isda. Habang nagluluto'umupo ako at panay cellphone 😅bigla ko nalang naisip wala pa pala akung sinaing😂muntikan na ako don eh buti nalang nakita ko ang rice cooker na na sa lamesa at wala palang laman hahaha..
Ulam sa agahan Hot n Spicy tuna at seafoods noodles sarap kasi humigop ng sabaw lalo na d pa masyadong mainit dito samin sana ganito nalang lagi ang panahon yung tipong d mainitd rin naman makulimlim yung sakto lang. Ilang araw nadin kasing sobrang init ng panahon lalo na pagdating ng tanghali eh maghahatid ako ng anak ko sa school sakit sa ulo ang init at mahapdi sa balat.
Good Morning 🌞 everyone 🌞 Have a bless Thursday sa lahat maaga ako gumising para makapaghanda ng almusal antay ko lang gumising ang anak ko para makapagreview kami sa mga lesson nila dahil mamaya na yung 4th grading nila ilang weeks narin lang at bakasyon na. By August mag-uumpisa narin ang pasukan dahil ibabalik na sa normal ang klase at end of school sa susunod.. Have a great day guyz 😘🌞
@COFFE 99 Im back kanoise ilang buwan din akong d nakapagpost dito nabusy lang bilang isang Ina/stage mother ang peg dahil maraming event sa school lalo na ang Girl Scout.. Kahapon Kumain kami sa isang restaurant at ang sarap ng mga menu nila nakakastar sa mata at maliban dyan sobrang sarap pa sa halagang 220 mo marami kanang makain kasama na dyan ang soft drinks may salad kapa kaya kapag may pera babalik ako ulit dito😊😊.. Have a bless friday everyone 🙏❣️
Hello magandang tanghali kanoise Grabe ang init sakit sa ulo at nakakahapdi sa balat napansin ko din na ang daming nagkakasakit na mga bata ngayon kadalasan talaga is ubo,sipon,lagnat dahil sa pabago2 ng panahon. Tulad dito samin mainit sa araw pero pagdating ng hapon o gabi maulan.. Keep hydrated mga kanoise.ap importante may baon lagi na tubig at payong para sa mainit na panahon.. Have Bless Monday Everyone 🙏
Magandang gabi almost 1 months din akung hindi nakapagpost dito.. Heto at nadali ang anak ko sa panahon sya ang pumalit sa papa niya dahil papa niya ang unang nagkasakit at paggaling2 ng papa niya sumunod naman sya buti nalang at medyo bumaba na ang lagnat niya at ngayon ako naman ang d maganda ang pakiramdam laban Ina ilang araw din d nakatulog ng maayos at ngayon sana d magpatuloy to kasi ang hirap kapag tayo na ang nagkasakit dahil kailangn mo parin kumilos para maalagaan sila..
Sobrang maalinsangan lalo dahil dumaan lang ang ulan binasa lang daw niya ang Bubong ng bahay😂 pero panay kulog na dito at kidlat mamaya pa siguro uulan. D na ako nakapagpunas kanina dahil bago lang ulit bumalik ang tagas d kami nainform kaninang umaga na walang tagas biglaang may inayos siguro kaya nagkaganon.. Hirap kapag walang tubig at wala ring imbak d ka nakakagalaw ng maayos kahit panghugas ng plato wala hays.. Nanawagan po ako sa Water district haha mag inform ng maaga para makapag-imbak naman kami kahit papano😅
Kain tayo kanoise namiss ko kumain kaya bumili ako kanina sa kapitbahay namin ang sarap lalo na kapag may latik at Cheese sa ibabaw. Sulit narin medyo tumaas ng kunti ang presyo pero dahil narin sa mga nagtaasang bilihin sa ingredients nito..
Hello mga kanoise.app im back Minsan na talaga ako makapagpost dito gawa ng medyo busy rin sa pang araw-araw na gawain.. Ito pala ang ganap namin kahapon sa school ng anak ko meron silang DISTRICT SIMULTANEOUS PALARO ang STAR SCOUT kaya sobrang saya ng mga bata bukod dyan mas nadedevelop nila ang pakikihalobelo sa ibang mga tao at bata. Sobrang saya nila dahil maraming palaro at tatlong besis sila nanalo may prizes at bukod dyan may tatalong badge din sila na matatanggap pandagdag sa mga badge na natanggap namin nung isang buwan na so may ANIM na badge na ang anak ko..


HAPPY ARAW NG DAVAO Ngayon lamg ulit nakapagpost siguro isang linggo lagpas din akung d nakapagpost nung last kasi nakailang post ako wala talaga eh hahaha napagod kakapost tapos walang nakuha d na talaga tulad dati na kahit papano nagbibigay sila ngayon kahit anung post mo wala!! Nagcheck in ako sa Shein at ito ang nakuha kung points 30 ang laki kaya mamaya titingin na naman ako para oorder kahit papano yung mura lang naman. Ang aga lumabas ni haring araw dito kaya nagising ako ang init pumasok na sa kwarto hindi ko pala nalagyan ng kurtina ang bintanang to lagi kung nakakalimutan...

Sarap naman ng Rambotan na to season pala ng rambutan ngayon dahil may bunga na ang puno ng rambotan ng pinsan ko at nagharvest sila ngayon para ibinta sa kalapit na bahay. D puro kain tinda2 din para mapagkitaan minsan kasi nauubos lang rambotan nila kakakuha ng kapitbahay nila.
Reading English Ngayon ang balik skwela pero walang klase ang anak ko dahil nagchat si teacher na nagkaroon na naman sya ng soar throat and other infection may asthma pa si mama kaya d muna sya makapagturo ngayon.. Kaya review2 nalang muna kami dahil baka bukas may pasok na.
Ang batang makulit kanina ko pa pinapakain yan pero gang ngayon d pa tapos haha grabe talaga ang batang to kala mo bato ang kinakain eh ang tagal ilunok hahaha siguradong daming makakrelate na mga ina dito naku kapag antayin mo gang matapos siguradong sayang ang oras at wala kang kang magagawa sa gawing bahay😁😅
Not Bad Sa isang linggo may 100 point na ako from SHEIN nakakatuwa lang dahil ang laki nila magbigay ng points at talagang nagagamit mo sya kapag oorder ka dahil lumiliit ang nababayaran mo kapag may points tapos may discount pa sila kapag oorder ka ng 500+ maliban sa points mo kaya laking tulong din paaabotin ko ito ng 400 points saka ako oorder ulit. SHEINLOVER
Good Morning 🌞 Its monday balik skwela na ang mga bata tapos na ang sembreak ang bilis ng araw anu! Pero nakakatuwa dahil kala ko wala ng sembreak eh pero meron pala para naman makarelax ang mga bata at hindi puro nalelesson nila ang iniisip. Happy Monday kanoise tara at kain tayo ng breakfast namiss ko lang ang kape kaya nagtimpla ako nilagyan ko ng gatas para mas creamy sya. Have a great day everyone ❣️
Kakatapos lang namin maglunch pero mukhang d ata nabubusog tong anak ko hahaha kumuha pa ng pagkain fudgee at dalawang piraso ng polvoron at isang yoghurt haha natatawa tuloy ako sana maraming kinakain tumaba naman kahit kunti pero wala eh simula kasi nagkasakit sya humaba ang timbang niya pero kahit ganun healthy naman ang anak ko kaya iwas ako lagi sa pagkain na nagpapatrigger sa Uti niya

Ang himbing ng tulog niya sarap titigan ang mukha kapag nakatitig ako sa kanya ang daming naiisip ko usa na dyan ang problema mag-asawa sa family walang perfect na family at may time talaga na nag-aaway at ang unang naaapiktohan ay ang bata kaya lagi akung humihingi ng sorry sa kanya kapag may nakikita sya na d maganda tao lang tayo napupuno dahil hindi naman unlimited ang pasensya.
Good morning 😊 lets eat breakfast kanoise d na ako bumili ng ulam dahil may tira naman kagabi na pritong tilapya tulog pa ang anak ko kaya nauna na akung kumain medyo mahapdi na ang tiyan ko eh mahirap na at baka magka ulcer pa ako kapag late na kumain.
Naglalambing ang batang makulit nanunuod yan ng Nastya bukas nalang kami magrereview pahinga na muna para makapagrelax naman sya kahit papano. Kumusta ang gabi natin kanoise nakakain naba ang lahat?ohh nagluluto pa ng ulam ang iba dahil kadalasan is busy sa ibat-ibang trabaho. Wag kalimutan kumain ng dinner para iwas sakit sa katawan😊

Ang mahal na ng pagkain ngayon grabe dati ang ganito ka laki na tilapya na sa 150 lang ngayon na sa 200 na lahat ng bilihin tumataas pero yung sahod ganun parin tumataas man pero ilang peso lang kaya hirap parin tayo sa buhay Eh Mas mahirap kapag nangopahan lang dahil walang tira sa sahod minsan magkautang pa dahil kulang na sa budget minsan nakakastress ang pagbubudget kailngan pagkasyahin ang pera para aabot lang ng ilang araw. Tatlong piraso lang ito pero 180 na ang nabayaran ko.

Sabi ko kanina matutulog sya pero d natulog at panay laru pa kaya sabi ko kung d ka matutulog magbasa ka ng English words kaya ayon nagbasa ng isang page pagkatapos!sabi niya agad Mama matutulog ako hahaha sahi ko sa kanya diba ayaw mo matulog d mama matutulog ako🤣 Nilagay niya sa gilid ang folder at hawak agad sya kay Betty hahah
Done linis ng kuko sa kamay d ako mahilig sa koloreti sa kuko feel ko kasi madumi eh dahil natatanggal kapag naglalaba ka kaya mas mabuting ganito lang malinis tingnan. D ako mahilig magpalinis sa iba natatakot ako eh baka may makuha ako na d maganda lalo na kapag nasusugatan ka d kasi lahat sterilize ang mfa gamit.

Mukhang nagbabadya ang langit kaya kinuha ko na ang mga sinampay ko sa labas buti nalang at tuyo na lahat lalo na yung towel dahil yan ang matagal matuyo. Sa susunod na araw naman ako maglalaba para naman d bugbog ang katawan ko sa pagod dahil alam nyo na ang mga ina hindi isa,dalawa o tatlo ang gawain sa dami ng gawain nakalimutan na natin ang iba.
Lunch time nakatulog kami pareho ng anak ko kanoise kaya medyo late na nakakain ng lunch D na ako bumili ng ulam dahil may tira kami kaninang umaga na paksiw at chicken curry binili namin sa labas. Mamaya practice na naman sa pagbabasa at akoy maglilinis din ng kuko dahil medyo mahaba na d kasi pwede pahabain kuko ko dahil manipis madali lang maputol lalo na kapag maglalaba dahil yung kuko lumalambot.
Kagabi naaaliw sya sa pagsusulat ng Friendships list d ko memorize ang full name ng mfa close friend niya kaya ayan nay iba kulang ang name at letter hahaha kaya nagtanung nalang ako pati birthday nila buti nalang nagpabili sya neto dahil maganda din sa bata pagkaabalahan at para iwas gadget narin. Kadalasan mga ginagawa kasi bg bata puro cellphone nalang kaya maraming nasisira ang mata kahit bata pa dahil sa gadget.
Review time parang d sembreak eh hahah dahil panay review parin sa English word ito ang mahirap sa kanya marunong bumasa sa English pero doon sya nadadali sa spelling dahil marami ng silent word kaya mahirap talaga! kailangan ng mahabang pasensya aat pag-uunawa pasasaan pat matoto din balang araw. Happy Tuesday everyone ❣️
Relax habang nanunuod ng palabas sa tv 5 buti nalang naka timing ako ng magandang palabas DON'T GIVE UP ON US ang tagal na nito pero parang ngayon lang ako nakapanuod😁 Hapon na naman time na naman sa pagluluto ng ulam pagod ako sa paglalaba kaya magpaluto nalang ako ng ulam sa labas
Pagkatapos maglaba ng mga damit heto at nag-iimbak ako ngbtubig dahil minsan mahina ang tagas dito lalo na kapag umaga dahil marami ang gumagamit kaya mas mainam na may imbak para may magamit dahil ang hirap kapag walang tubig walang panghugas at walang magamit sa cr. Magandang hapon kanoise.app😊

Isang Magandang lunes sa lahat kanoise Maaga ako gumising ngayon dahil last vaccination sa anti rabies ng anak ko Sabi kasi nung pumunta kami sa probinsya buhay daw ang pusa pero nung andoon ako d ko nakita kaya mas sigurado kailangn ng 4th vaccination ang anak ko para kahit mamatay o hindi yung pusa ligtas sya.. Have a great day mga kanoise.app