read.cash Log in
@Sunggabe

@Sunggabe in October 2022

@Sunggabe

Salamat sa pag invite sa akin dito sa Noise. App Zyryn. Hello po noise. App world. Magandang umaga po sa lahat.

@Sunggabe

Ayos na mga Ka-Tupad. Nakatapos kayo ng isang community service kung saan ay matutulungan kayo ng ating Gobyerno para magkaroon ng extra income. Good job mga Tupaders.

@Sunggabe

Thai Constellation Monstera Sana makakita ako ng ganito sa gubatan. Ang mahal kase ng bentahan ng ganitong halaman. From 3k to 8k depende sa laki at apperance ng plant.

@Sunggabe

Maganda hapon mga Kaingay. Malapit na naman matapos ang maghapon. Grind lang tayo everyday para sa mga bayarin. Dadating din ang time para makaranas tayo ng kaginhawahan. Haha. Aja Godbless us all!

@Sunggabe

Kape muna bago matulog. Pampahimbing ng tulog kapag nakainum ng medyo mainit sa sikmura. Sabi nung iba baka daw hindi makatulog kapag uminom ng kape. Pero parang ito ang aking pampatulog. Magandang gabi po mg kaingay

@Sunggabe

Saan kaya may ganito? Sarap humigop ng mainit sa sabaw. Tapos sasamahan ng fried rice. Extra rice, softdrinks, yosi. Awts busog sa imagination. Hahaha Mamaya makahanap ng ganito.

@Sunggabe

Yung motor mo na naglambing pa ng maintenance. Hindi ko naman kayang tiisin kahit medyo kapos sa budget kase malaki ang pakinabang sa mga motor ko. Kasama sa lahat ng lakad at pagtatrabaho. Kaya parang anak na kung humiling ay hindi mahihindian.

@Sunggabe

Sa dalawang batang ito ko napatunayan na ang pagiging magulang ay hindi lang dahil ikaw ang nagsilang sa kanila. Itinuring nyo kaming dalawa ni Mamme na magulang nyo kaya jackpot ako na malaki na kayo ng maging mga anak ko.. haha

@Sunggabe

Pritong itlog Pritong hotdog Chicken tempura Fried chicken Yan ang mga nakahanda para sa aming dinner. Teka lang at bakit parang pang umagahan ang mga yan? Hahaha Hayaan na nga at ito kase ang trip namin kainin for tonight. At isa pa ay mabilis i-prepare kaya yan ang kinalabasan. Magandang gabi po mga kaingay. Kain napo tayo. Note: magtitimpla pa ako ng kape! Hahaha

@Sunggabe

Ang anak ko na computer is life. Haha Hinay hinay boy at ang mata ay kailangan alagaan. Wala pang naiipon na pampasalamin si Dadde. Hehe

@Sunggabe

Magandang umaga po sa lahat. Hindi pa sana ako babangon kase Sunday nman at walang pasok. Kaso ay may nagdeliver ng tilapya kaya ayun. Napabangon agad. Makapagkape na nga lang muna.

@Sunggabe

Sinigang na Fried tilapya on process na. Medyo na late ako ng luto pero kaya pa. Haha At nagkamali pa ng bili ng panglahok. Dapat ay mustasa pero kangkong ang aking nabili. Nawala sa isip ko na tilapya nga pala ang aking isisigang. Pero tuloy na ah. Medyo malayo ang tindahan dito sa amin eh. Bahala na mamaya kung anong magiging lasa. Hehe

@Sunggabe

Pwede na ang aking Sinigang Fried Tilapya. Pwede na din kahit kangkong ang napalahok. Hehe Asim kilig. Higop abaw po tayo mga kaingay. Kain napo!

@Sunggabe

Ang ulan naman dito sa bundok. Parang nakaka antok tuloy. Lumalamig na talaga ang simoy dito sa amin lalo na at ganitong maulan.

@Sunggabe

Nalalapit na nman ang undas. Ito ang pinahihintay ng mga may tanim na anthurium dito sa amin. Tumataas kase ang presyo ng mga bulaklak kung saan nakakabawi sila sa puhunan sa pag aalaga ng mga tanim. Halos doble kase ang itinataas ng presyo kaya talagang inaabangan at minsa lang sa isang taon nangyayari ang ganon.

@Sunggabe

Yun oh. Nakapag champorado pa nga. Si meses kase nagrequest eh. Ayan tuloy. Ako ang napasarap pagkain ng champorado. Hehe Good evening mga kaingay.

@Sunggabe

Ang lamig ng simoy ng hangin dito sa labas. Tamang yosi muna kase bagong kain palang. Huwag kayo matakot sa abandonadong bahay na yan. Sa tita ko yan na lumipat na kase at nagpatayo ng ibang bahay sa tabing kalsada. Napabayaan na kaya unti unti nang nasisira. Sayang yang bahay na yan dapat pinaupahan nalang nila. Hehe

@Sunggabe

Magandang gabi mga Kaingay. Meron ba sa inyo nag-gaganito? Naiinip na ako kakahintay ma approved ang aking KYC. application. Pero sabi nga ng iba, maghintay lang at magtiyaga. Sana nga may pupuntahan ang paghihintay na ito. Sana nga ay blessing itong pagminina na ito.

@Sunggabe

Magandang umaga po sa inyo. Lunes na naman. Nakakabitin kapag 1 day lang ang restday. Parang kulang ang time para sa ibang gawain. Hindi masyado makapag Family time lalo na kapag may ibang need gawin na hindi pwedeng ipagpaliban. Pero ganon talaga. Enjoy every moments nalang tayo mga lods. Have a nice day ahead.

@Sunggabe

Pang simula ng umaga bago magwork. Hehe Kape at yosi break. Medyo madagim kase dito sa lugar namin. Pero buti nalang at hindi pa umuulan. Ingat po tayo lagi

@Sunggabe

Good morning guys! Start your day with a smile. Kahit anong pinagdadaanan natin dapat stay happy lang tayo palagi. Godbless us all!

@Sunggabe

Tinola for lunch tayo mga Lods. Tamang tama are sa maulan na panahon. Nabasa ako ng konte sa pag area ko eh. Kaya masarap ang mainit na sabaw. Kahit bahaw ang kanin ay ayos lamang. Siguro naman po ay nakapag lunch nadin kayo. Kung hindi pa po ay kain napo at baka malipasan ng gutom. Magandang tanghali po!

@Sunggabe

Ang ganda ng bagong palengke. Kaso bakit kaya ang tagal buksan. Excited na ako bumili ng paminta sa 3rd floor. Hahaha Ano kayang magiging itchura pag natapos at nabuksan na ito? Medyo matagal natin nung inumpisahang gawin ito. Hanggang ngayon nakaabang pa ang mga tao sa magiging finished product nito.

@Sunggabe

Just got home! Sarap talaga ng pakiramdam kapag nasa bahay. Kung pwede nga lang hindi na magtrabaho. Kaso kailangan gumaod para sa mga gastusin.gusto ko pa nga magkaron ng extra income kase talagang kapos na kapos. Focus lang sa goal mga kaingay.makakaraos din tayo.πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

@Sunggabe

May pasalubong ang aking officemate galing san pablo city. Pandemani daw ang tawag.masarap sana kung may kape kaso hindi makabili kase ang lakas ng ulan. Pero overall comment ko sa tinapay ay masarap. Sa susunod ulit na duty nya.hahaha

@Sunggabe

Attack muna at baka matalo sa War. Naturingan pa naman na leader ng Clan.hehe Hindi ko na matandaan kung gaano na ako katagal naglalaro nito pero th11 parin ako hanggang ngayon. Ginagawa ko lang kase pampalipas ng oras. at ayoko kase ng th rush kase mas mahirap ang makakatapat na kalaban kapag ganon. Ilang years din napatigil paglalaro nito tapos ngayon ay balik ulit kasama ang mga bagong nahuhumaling na maglaro nito.mga sumawa na sa ML eh.haha Clash on!

@Sunggabe

8:11pm sobrang lakas ng ulan dito sa amin. Sana naman po ay hindi na ito magpatuloy hanggang bukas.medyo lumalakas narin ang hangin ah. Medyo nakaka kaba. Kumusta po jan sa lugar nyo mga kaingay? Ingat po kayo

@Sunggabe

Isang maulan na umaga mga mates. Nakakaawa ang mga estudyante pagpasok sa school. Wala pa kaseng announcement na walang pasok kaya sugod sa ulan. Sana naman tumigil na.

@Sunggabe

Ito nalang ang nkikita kong makakatulong sa problema naming mag asawa. Sana dumating na ang taong hinihintay ko para mabenta ko na ito at masolusyunan ang aming problema. Tiyaga lang sa paghahanap ng right person na may kailangan sa magandang Gamefarm na ito. Lord sana po ibigay mo sa akin. Amen

@Sunggabe

https://noise.app/Sunggabe Can you be my Noise friend? At sana kahit sa labas ng noise ay maging friends parin tayo. Good morning noisers Have a wonderful day ahead Stay safe Stay happy Be nice to all Godbless

@Sunggabe

Habang lumilipas ang panahon ay lalong humihirap ang sitwasyon. Pero laban lang mga Lods. Dadating ang araw na giginhawa din tayo. Alam kong may kapalit naman ang ating mga pagsusumikap sa buhay. Lahat ng hamon ay ating kakayanin para sa pamilya. (nabasa ko lang kanina pero parang naka relate ako)😁😁😁

@Sunggabe

Lunch muna tayo mga kaingay ko jan. Maulan parin ang ating tanghalian. At may konting lakas ng hangin sa taas. Hindi na nga lang sinlakas ng ulan kaninang umaga. Sana naman pag uuwin ng mga estudyante mamaya ay wala na ang ulan. At 2 sapatos na ng anak ko ang basa. Pati yung sapatos ko ay naisuot na nya. Buti nalang at nagkasya. Hehe

@Sunggabe

Tapos na yata ang ulan pero madilim parin ng paligid. Hindi ko tuloy malaman kung makakabili ba ako ng bigas mmaya. Kase baka abutin ng ulan ay medyo malayo din ang pauwi sa bahay. Motor lang kase ang aking kakargahan kya medyo nag aalala. Malalaman mamaya kung pwede. Back to work mga kaingay. Hanap hanap ng client pag may time. #buhaysalesassociate

@Sunggabe

Waz up mga Sis. Gusto ko lang po ipagbigay alam sa inyo na ako po ay Bro at hindi Sis. πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€βœŒοΈβœŒοΈβœŒοΈ Pero ok lang naman kung anong mapalagay nyo sa comments. Ang mahalaga ay nagkaka interact tayo dito sa Noise. So pano mga sis. Maya nalang ulit at gagaod na naman muna. 😁😁😁

@Sunggabe

Mahirap talaga kapag nakakakita ng nakapost na bago sa paningin ang aking Meses. Nagpabili tuloy ng buko juice na buo ang laman at lalagyan nalang ng straw. Medyo matigas na nga lang ang coconut meat kase para mas mabilis nila makuha ng buo na hindi natatapon ang sabaw. Sari sari ang mga naiisip para makabenta. Nagpadala naman agad ang aking Meses. Hahaha

@Sunggabe

Ganda! Ng Yamaha Nmax matte green. Kaso parang ang hirap naman magkaroon ng ganyan. Bukod sa medyo may kamahalan ay mataas din ang maintenance cost. Pero malay natin. Hindi natin masasabi baka balang araw magkaron tayo ng ganyan. Hehe Magandang umaga mga noisers!

@Sunggabe

May pasalubong na fresh chillies ang aking officemate. Parang ang sarap papakin kung titingnan. Hahaha Masarap to sa sawsawan at pampa anghang ng lutuin gaya ng adobo. Talagang mapapadami ka ng kanin kapag may sili.

@Sunggabe

Papasok na daw sa school nya sa sta cruz ang aking Criminology student. Go lang para sa mga pangarap. Makakaraos din tayo. Hahaha Ingat sa pagdadrive at madulas ang daan ngayon.

@Sunggabe

Ang isa naman ay newly hired sa Serenitea Sta. Rosa branch. Orientation palang ngayon. Goodluck. Sana ay pagbutihan mo kahit para sa experience man lang. Laging may pagpapala kapag nagtitiyaga. Godbless you!

@Sunggabe

At syempre ang aming dugo't laman na ngayon ay Grade 12 na. Sana ay matupad lahat ng mga pangarap at guminhawa ang buhay balang araw. Matutong magsumikap para sa mga pangarap. Go baby boy! Hehe

@Sunggabe

Pag uwi ko ng bahay ay naabutan ko ang aking nanay na inaayos ang kanyang naharvest na mga Anthurium flowers. Bukas kase yata dadating ang pipick up para dalhin sa Dangwa. Isa na ito sa pangunahing produkto ng mga taga dito sa amin. Bukod sa mga sari-saring gulay ay isa na ang anthurium sa itinatanim ng mga magsasaka para pagkakitaan. Dati ay bibihira pa ang nagtatanim nito pero ngayon ay halos lahat ng taga dito ay meron na nito. Kaya naman medyo bumaba na ang presyo nito…

@Sunggabe

Ito na naman ang napagtripan na ipahanap sakin para pasalubong. Daig pa ang naglilihe ay. Sa daming laman ng mga Durian na yan ay baka 2 buto lng ang nakain ko jan. Hindi naman tinigilan hanggat hindi ubos eh. Tapos sabi sakin masakit pa daw ang ngipin nya. Hahaha Hayaan na nga at pagod at puyat sa work. Spoiled Meses ka sa akin aba.

@Sunggabe

Ayan na naman ang ulan. Masarap sa pakiramdam kase presko kaso medyo nakakaabala sa work lalo na kapag kagaya ko na more on fieldwork. Pero ok lng yan. Online muna tyo for todays video. Hahaha

@Sunggabe

Hindi na taya aattack ang kalaban. Pero mahaba pa naman ang oras kaya baka nagpapasakam palang ang mga ito. Pati naman yung ibang clanmates ko ay hindi pa nakaka attack. Sana manali ulit at nang madami ma-loots pang upgrade.. hehe

@Sunggabe

Mukang dito sa office makakapagLunch kase ay napaka ulan talaga. Nakakatamad lumabas kase ay malamig kapag nabasa. Makikigahin na nga po sa sinaing at mamaya nalang makabili ng ulam. Yung budget meal lang at need talaga magtipid sa mga panahon ngayon.

@Sunggabe

Ang lunch ko kanina. Tipid meals. Gulay at bola-bola na cassava. Solved ang maulan na tanghalian. Kumusta po kayo jan? Ingat po tayo at medyo masama ang panahon. Wag magpapaulan. Bawal magkasakit

@Sunggabe

Sarap Tamis Nakuha lang to dito sa tabing bahay. Ang sarap talaga ng nakatira sa probinsya. Yung mga bagay na kailangan mong bilhin kapag nasa siyudad ka ay masisimot mo lang dito sa probinsya.

@Sunggabe

Kaya naman pala napakalakas ng ulan dito sa amin. Buti nlng at mahina ang hangin. Kaya lang kagabi pa hanggang ngayon umuulan. Siguradong baha na sa mababang lugar. Ingat po tayong lahat. Nakakaantok ang ganitong panahon. Palibhasa ay walang magawa at ang hirap kumilos

@Sunggabe

Ayan ang sabi ng HR kapag signal number 3 ay matic na walang pasok. Parang nagkagulo pa knina kase ay antagal ng announcement. Tapos hindi malaman kung magpafile ng leave o ano baga.. hehe Basta walang pasok dahil sa bagyo. Makatulog kaya muna.. hehe

@Sunggabe

Patay-buhay ang power supply ah. Pero buti nlng at hindi pa tuluyang nawawala o nasisira. Sa tindi ng maghapon na ulan. Anlakas tuloy ng tunog sa bubong at talagang galit na galit. Kumusta po jan sa inyo? Ingat po

@Sunggabe

Ayan na nga at tuluyan na nawala ang power supply dito sa amin. Ang inaalala ko ay baka dito lang sa bahay namin sira ang linya. Sana naman ay matapos na ang bagyo nakakatakot ang lakas ng ulan at hangin. Galit na galit. Rinig na rinig pa naman sa bubong kase ay long span. Sarapa na sana matulog kaso ay nakakapag alala. Mag ingat po tayong lahat ngayong panahon ng bagyo. Magandang gabi po sa inyo. Ako muna ay magluluto at ang hirap gumalaw kapag madilim.

@Sunggabe

Salamat po Lord at nawala na ang hangin at ulan. Tubig, kuryente at internet na lang ang kulang. Mukang matindi ang naging sira ng linya ng kuryente dito samin eh. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa maibalik ang supply. Sana ay maayos na mamaya. Pati ang tubig. Para makapaglaba. Hehe Magandang umaga po sa inyo

@Sunggabe

Nadaanan ko kanina nung nagpunta ako sa bayan. Kaya pala wala parin kuryente sa amin sa bukid ay malaki pala ang sira malapit sa bayan. Mukang matatagalan pa ito ah. Kaso bakit parang wala paring gumagalaw nyan? Or baka naman inuuna pa yung mga nasa kabayanan.

@Sunggabe

Mahangin, malamig, walang kuryente. Madilim sarap kumain ng nilagang saging na may sawsawan na niyog na gumaan. Sarap. Alam nyo po ba ang pagkain na ito?

@Sunggabe

Tuluyan na nga umalis si Paeng pero ang kuryente sa amin ay sumama na yata sa pag alis. Ano kaya ang dahilan at hindi pa ginagawa ang nasirang linya? Siguradong pati linya ng internet ay damay din sa nabagsakan ng mga puno ng kawayan. Sana naman maayos na today para makapagwork na si meses sa bahay. Kung saan saan tuloy makikipwesto kapag hindi padin naayos.

@Sunggabe

Tara kain napo tayo. Dinuguang karneng kalabaw na may mustasa. Talagang hindi mapigilang mapadami ng rice. Buti naman at umabot pa sa gutom ko ang paglalabog ng karneng kalabaw. Kahit medyo late ang lunch ay solved din naman. Haha

@Sunggabe

Flex ko lang po ang flower arrangement ni Meses para sa kanyang Lolo. Parang pwede na ibenta yan ah. Hehe Magkano naman kaya natin pwede ibenta yan? Natuwa lang siya na gumawa kase kasama ang kapatid at mga pinsan. Pagandahan daw ng gawa. Haha

@Sunggabe

Kung kailan kailangang gamtin ay saka naman nasira ang generator. Hays At saka bakit kaya yung mga nadaanan ko kanina ay may kuryenta na? Samantalang magkakalapit na naman kaming brgy. Wag naman sana may malaking sira dito sa may area namin kaya hindi nagawa agad. Nakakamiss na po ang meralco. Dumadayo pa kami sa bayan para makicharge ng cellphone.