I just woke up because of the consecutive notification from my phone. At first, I thinks it's just a dream, but I realized I'm awake. The crypto market collapse? Oh my!!! What's happening...


Joined 9 September 2022 · 74 posts
A single daddy and a student.
120 KT
0 KT received · 0 KT given
I just woke up because of the consecutive notification from my phone. At first, I thinks it's just a dream, but I realized I'm awake. The crypto market collapse? Oh my!!! What's happening...


Ngayon lang napakita ang buwan, kanina kasi maulap talaga ang kalangitan di ko tuloy nasaksihan ang eclipse. Pero ok lang, thanks kasi marami naman nagpost dito, Nakita ko parin sya kahit sa picture lang. Hehe Medyo malalim na ang Gabi at nakakaramdam nadin ng antok, akoy magpapahinga na. Goodnight sa lahat, bukas naman ulit, continue natin ang pag iingay.
Congrats F2 logistics, Sa mga fans ng Creamline Cool smashers, sorry agad, hehe✌️✌️✌️. For these season F2 talaga bet ko na team, at yung nga, pinatikim nila ng unang pagkatalo ang Creamline. Ang ganda ng laban patibayan hangang set 5. Actually I'm not expecting talaga na mananalo sila, as we know Creamline doesn't have lose for these season and they were very strong team. Expect ko lang na magiging magandang laban talaga. But F2 proves na kaya nila. Congrats to both team, I really admire these girls, puro palaban.


Convert, Shiba & Gala. Tama kaya ginawa ko? Or baka maghintay nanaman ako ng ilang buwan nito, ahaha. Bahala na, eto nanaman ako na nagbabakasakali, sumugal sa Shiba at Gala. Sana naman di matagalan at makabawi din agad, Ng kumita naman kahit papano. Kayo noisemates nag buy nadin ba? Or nag timing pa? ahaha. Goodluck satin.🤣🤣😁

It's a holiday, GODOFREDO PERALTA RAMOS DAY "The Father of Aklan" Born: November 8, 1911 In 1956, he worked to enact Republic Act No. 1414, which separated Aklan from Capiz and made it an independent province. On April 25, 1956, then-President Ramon Magsaysay signed Republic Act No. 1414, establishing Aklan province. To commemorate his birthday, Proclamation No. 194 declared November 8 a special non-working holiday in Aklan. President Gloria Macapagal-Arroyo signed it on April 25, 2002 as a fitting homage to Godofredo Peralta Ramos' great achievements and a statement of heartfelt gratitude for his contributions to the province of Aklan.
Happy lunch Noisemates, Ginataang ubod with mongo and shrimp. Bumili nalang po, busy din kasi. My duty si nanay sa center, my online class din ako kanina kaya wala magluluto, haha. Si Aling Caren ang takbohan ng mga wala oras magluto, "Carenderia"

Abra Wallet, So sad to see this stuck funds on my Abra Wallet, I can't withdraw or convert it to other cryptocurrency for a long time. It's in CPRX, I don't know when they will open the trading again. Sayang din talaga yong Pera, Lalo na din bumaba yong value, pero kahit sana mababa makuha ko manlang, baka meron marunong or may way pa na mailabas ko sa Abra Wallet funds ko, pa help naman po, wala kasi talaga ako idea.

Volleyball Action, A game between Creamline and Chery Tiggo. Pinagpawisan ako while watching, grav ang higpit ng laban, ang intense at exciting. Kong nakikita nyo ang score sa 4th set, umabot ng 32, at duration ng game na 44 mins. Walang gustong bumitaw, parehong palaban. Super entertaining talaga ng game,and at the end Creamline wins it. Congrats sa both team, parehong magaling.


Goodmorning, late na bumangon, medyo hindi talaga maganda ang pakiramdam. Hindi na kaya ng tubig2x lang, kaya uminom nako ng biogesic after ko mag breakfast. Kagabi palang ramdam ko na naguumpisa na sakit ng ulo ko, nag tubig lang ako at pahinga ng maaga, pero until now meron parin. Kahapon kasi naglakad lang ako papunta sa terminal para mag abang ng masasakyan, di naman kasi ako nagmamadali at para makatipid narin. Kaya lang mainit talaga ang panahon, pagkasakay ko sa van ang lakas naman ng aircon kaya parang nabigla katawan ko sa pag biglang pagbago ng temperature. Galing sa init tas biglang lamig, Yun siguro ang dahilan.

It's week end and mostly nagpupuyat ako pag ganito, pero this time need to have some rest na. Medyo masakit ang ulo at mahapdi na ang mata ko, mukhang napagod ako dahil medyo busy ang buong lingo nato. Bukas nalang ulit magingay. Goodnight noisemates and GOD bless us all...
Nakaka disappoint naman si Coinsph, I'm trying to convert some of my peso into Gala Kasi mababa pa sya compared sa ibang cryptocurrency pero lagi failed. I think they were just holding it na di makabili user nila kasi maluligi sila, ahaha sayang ng opportunity. Ang Mahal panga ng trading fee nila.

Late notice, Nasa school na kaming lahat bago sya nag chat, sayang pamasahe, haha. Isang subject lang kasi kami pag Friday, Pre Thesis subject namin, uuwi nalang at sa bahay nalang mag study ng module, mapapagastos pa kasi kapag dito sa school, pang snack at lunch kaya habol nalang na makauwi para sa bahay na mag lunch. Abang na ng masasakyan.
Goodevening noisemates, Prito prito muna for today's dinner, Halo halong isda, Bangus, dangit, at di ko alam yung iba, haha Basta luto na pwede na yan, haha. Dinner na po tayo...

Goodmorning noisemates, isang napakagandang araw sa lahat, sumikat na si haring araw. Naway magtuloy tuloy na ang magandang panahon. Magbreakfast napo para recharge ang buong araw, share ko lang breakfast ko, suman/ibos.

Hyst sayang, tumaas pala si BCH kanina, di ko naabutan. Nagbabalak pa naman ako mag convert, haha. Sana tumaas pa ulit or mas tumaas pa. Sa mga nakapag convert kanina, congrats sa inyo... Magandang Gabi...
Biko/Suman sa latik, Dala ng kapatid ko, inorder nya lang din, ang hirap din kasi magluto, mas madali daw mag oder nalang, haha. Nagluluto ako dati nito, ang sakit sa braso at balikat nakakapagod din maghalo-halo. Kilangan talaga paghirapan bago matikman.

Adobong Kangkong, Affordable na.. masustansya pa.. nabili ko for 15 pesos sa naglalako kanina. Niluto ko kaagad, solve na ulit ang lunch, hehe.

Papaya, Nakakapanghinayan naman talaga, Nabali dahil sa malakas na hangin ang puno ng papaya namin. Marami pa namang bunga, si paeng talaga dapat sisihin nito eh. Haha. Magtatanim nalang ulit ng bago, pinili ko nadin yung mga bunga na pwd na, at ipinamigay sa kapitbahay yong iba, marami naman eh, di na namin mauubos baka masira lang. Baka my gusto mag donate ng native chicken, yun nalang kasi kulang, para sa tinola, my dahon ng sili at tanglad napo kami, haha.


Late lunch,naglinis pa kasi ng mga kalat ni paeng. May nakita ako na puso ng saging dun sa mga natumbang saging, kaya yan niluto ko na. Ginataan at nilagyan ng saluyot at isda. Solve na ang lunch busog din, haha.

Mabuti bumaba na ang signal ng bagyo, kanina nasa signal #2, ngayon #1 nalang. Ang lakas ng hangin kanina, bigla kasi nagbago ang track ng bagyo at lumapit sa lugar namin. May pa bugso bugsong hangin at ulan parin. Wala din kaming kuryente, hindi ko alam kilan maibabalik to, baka my mga nasira na linya, sana maayos na din agad. Asking for prayers po, dahil patuloy na mananalasa ang bagyo, papuntang luzon. Sana ay protektahan, gabayan at iligtas tayo ng ating panginoon, keep safe po sa lahat. Image Source: PAGASA-DOST

Champorado, Late breakfast na, late nadin kasi gumising at nagluto. Ang lamig kasi, wala na halos tigil ang ulan mula kagabi. Mabuti nalang at medyo nasa mataas na Lugar kami, di inaabot ng baha. Ang nakakalungkot maraming Lugar sa ngayon ang may pagbaha na. Sana maging ligtas silang lahat, at sana humupa narin. Keep safe and GOD bless us all.

Cancellation of Classes, It's just light to moderate rain but the water level increases so fast. Many area are heavily flooded specially in eastern side of Aklan. Keep safe my kababayan, may we all be guarded and guided by the lord, Godbless us all.
Our class is suspended this afternoon because of the strong rain and possible flash flood. The river near the school starts to rise water level. We returned home early, so I have time to watch volleyball game, between akari chargers and creamline cool smashers. Really an exciting game, both team plays good.


Education Assistance, Mabuti at Isa sa mapalad na nakatanggap. Noon nakaraang buwan narinig ko na may education Assistance mula sa Dswd, magpasa lang daw ako requirements sa barangay namin. Kya inasikaso ko mga kilangan at nagbaka sakali. Kahapon ay sinabihan ako ng barangay kagawad namin na pwd na raw makuha ang assistance. Sakto talaga dahil kilangan ko ng Pera para sa intramurals namin. Kahit pagod sa pila dahil halos buong maghapon na nakatayo ay sulit naman. Naka tanggap kami ng 2k, kaya solve na ang pang intrams ko. Barangay pa namin ang pinakahuling nabigyan, dahil inuna nila ang mga barangay na mas malalayo, kaya ginabi na kami. Maaga yta ako makatulog ngayon, pagod ahaha, goodnight noisemates.
Busy sa kusina, Preparing na para sa lunch, patapos na din to, ginisang pechay at nilagay ko ang natirang prito kahapon, dagdag ng kaunting sabaw, at ayan na pwd na yan, haha. Magsaing nalang din ako para sakto pagdating ng anak ko Kakain na kami. Luto nadin ba ang lahat?


Taking pictures while riding in a van. I'm on my way to my friends house, he invites me for his birthday. Just 30 minutes travel via van. I can't resist not to take a picture, saw this beautiful scenery on my way. I take more pictures but more of them are blurred, haha just this two got a clearer image.

It's raining!!! Kapahon si haring araw ang duty, napakaaliwalas ng kalangitan, ngayon si Ulan naman... ahehe. Mabuti nalang at natapos ko na lahat ng labahan ko kahapon. Unpredictable na talaga ang panahon ngayon, bigla bigla nalang nagbabago. Kaya kun lalabas lagi magdala ng payong, para rain or shine ready.

Blue Sky, Napakaganda ng panahon ngayon, maaliwalas ang kalangitan at napakabughaw ng langit. Bumawi din si haring araw dahil ilang araw ding maulan. Sakto at laundry day, sigurado tuyo lahat ng labahan mamaya. Happy Saturday noisemates. Let's take the opportunity of this good weather to become productive.


111 So happy to see this increasing numbers day by day... Retaining and gaining new friends, so thankful to each and everyone for all your love and support. We may not meet in person but because with noise platform we've become updated with everyone. The platform is still on development, I know a lot of updates and improvement will be done for the convenience of everyone. Our noise will be heard all over the world as our community continue to grow.
Lunch is ready, Sinigang na Bangus, Medyo hindi maganda ang pakiramdam, masakit kasi ulo ko. Sakto at may mainit na sabaw, paborito ko pa ang Sinigang kaya kahit walang gana kumain I'm sure mapaparami parin. Haha kayo noisemates handa naba ang lunch? Kain na po tayo...
