Paglubog ng araw sa dalampasigan. Nakakaayang lagi na pagmasdan ang paglubog ng araw. Isa itong araw-araw na ritwal na gawa ng pag-usog ng panahon. Nagpapahiwatig na isang petsa na naman ng kalendaryo ang natatapos. Magulat ka na lang na natapos na ang isang linggo na umabot ng isang buwan at natapos na din ang taon. Mabilis lang po talaga ang araw at di mo lang din mamalayan ang taon. Sa paglubog ng araw may bagong araw ang sisibol muli para sa bagong umaga at pag-asa. Magandang gabi Kaingay.
2 comments
Ang ganda naman sa dalampasigan ng paglubog ng araw
Kaya ganda naman ng pagkakakuha mo dyan sir. Payapang-payapa ang dalampasigan. Masarap magmuni-muni dyan habang kumakain ng mani. Hehe.