read.cash Log in
@SisBhie

@SisBhie in January 2022

@SisBhie

kamusta mga ka noise? Happy new year po! πŸ€— Kamusta ang mga leftover naten dyan? meron pa ba? Eto leftover lahat, leftover ham, spag sauce, at tinapay na malapit na manigas! hahaha.. ginawa ko ulet pizza salang sa kawali lang. Mas masarap kapag nalipasan na ung pagkain nanuot na ung linamnam.. hehe..

@SisBhie

Wazzup mga ka noise! Tagal ko din hindi nakapagpost dito. Naputulan kasi ng wifi at ngayon lang nakapagbayad yung may ari ng wifi. I miss u all! Share ko lang yung Happy moments ng aking mga magulang.. Happy 38th Wedding Anniversary to my Mama and Papa.. Sana always sweet diba! Cheers To more years Godwilling sa inyong dalawa! We love you.. Napaaga para sa Feb-ibig haha! 😘

@SisBhie

Kamusta kayo mga ka ingay? Sino dyan may mga natira pang handa nung holidays? Ako ngayon ko lang ginawa itong graham cake. Marami kasing food nung nakaraang handaan ng new year. Madami din nagbigay kaya tinabi ko lang mga pangdessert namen at ngayon ko nalang sya ginawa hahaha.. Ilagay ko muna to sa ref para lumamig bago kainin para mas masarap! ☺️

@SisBhie

Meryenda time na mga ka noise! Napaluto tuloy ako ng gisadong canton na may atay at pritong baboy. Pwede to sa kanin iulam o kaya sa tinapay ipalaman, pero mas prep ko sa kanin para busog talaga! Tara kain po tayo.. 🀀

@SisBhie

Magandang umaga mga ka ingay! Nag-almusal naba kayo? Wag kayo mag skip ng almusal kasi mahalaga lagi may almusal sa umaga para makabawi ang katawan at may lakas ka sa mga gagawin mo. Sa mga may sakit Getwell soon po, uminom ng gamot, palakasin ang resistensya. Hays.. Tara po kain po muna.. Keep safe sa ating lahat.. May awa ang Dios gagaling ang lahat!

@SisBhie

Done cooking our viand for lunch! Kumain na ba kayo mga ka noise? Nagtorta ako ng giniling na baboy. Since kakaunti nalang ang giniling, sinamahan ko ng niyadyad na patatas at konting harina para dumami. Tight na ang budget dahil ilang araw pa bago sumahod si mister. Ang hirap mag budget lalo na kapag wala kang ibubudget! hahahays..

@SisBhie

Kamusta mga ka noise friendship squad? gising pa ba kayo? Arat na midnight snack namen spaghetti! Kakatapos lang kasi maglaba, gabi kami nag laba kasi laging walang tubig sa umaga kaloka.. kaya ayan nagluto kanina para may pang kain after laba.. team puyat na naman po! haha..

@SisBhie

kamusta mga ka ingay? Magandang gabi sa inyo? kumain na ba? Share ko lang itong pinapanuod ko, mula kasi napanood ko ito sa segment ng Bawal Judgemental ng EB parang nawiwili na ko panuorin sila, curious ako anu ba mga nakukuha nila gusto ko din malaman.. Sila yung mga pinay na dumpster diver. Sa basurahan sa ibang bansa yan, ang daming tinatapon! Naaaliw ako manuod.. hahaha.. πŸ˜ƒ

@SisBhie

First Birthday! Sobrang bilis ng panahon.. halos di ko na namalayan isang taon na pala ang lumipas mula nang isilang ko sa mundong ito ang pamanang Anak na mula sa Dios. Salamat sa Kanya sa pagiingat sa aking anak. Pamanang anak na aming kaaliwan sa araw-araw. Anak, hiling ko na lumaki kang mabuti at may takot sa lumalang sa atin. Ingatan kang palagi ng Dios. Mahal na mahal ka namin! 😘

@SisBhie

Masarap na pancit para sa meryenda ngayong hapon! Ang aking mader in law ay nagluto ng pancit, hindi ko alam ang tawag dito, canton ata ang noodles na ginamit.. pero masarap! Actually pwede na sya iulam sa kanin! Meryenda time na mga ka noise! Gandang hapon.. πŸ™ƒ

@SisBhie

sino gising pa? Madaling araw na at ginutom ako grabe.. buti nalang may pasalubong ang asawa ko siopao. tulog na kasi ako kagabi bago pa sya dumating. Plus may ice cream pa sa ref, kainin ko na para naman ma defrost na yung ref. sobrang kapal na kasi ng yelo hahaha.. Tara po kain sa mga gising pa at gising na.. 😁