Kamusta po mga ka FSFG! Happy 16th monthsary!
Sa totoo lang hindi na ako masyado nakakapagpost.. minsan nalang din ako makimarites dito.. Madalas kasi wala talaga akong time humawak ng phone ko. Hindi ko ginagamit phone ko kasi kapag nakita ng baby ko na hawak ko ang celphone gusto nya kunin at gusto nya manuod lagi ng cocomelon. Ayoko sya masanay kakacelphone kasi baby pa sya. Kaya kapag tulog sya saka lang ako makakagamit, pero kpag may gagawin ako sinasamantala ko na tulog sya kaya wala na akong time humawak ng phone ko.. Ayun lang mga ka squad.. tara po kain po tayo.. βΊοΈ napadaan lang po..
Kamusta po mga ka foodtrip noise friend?
Grabe.. tagal ko din hindi nakapagpost dito kay noise.cash! Sobrang namiss ko magpost dito lalo na yung mga meryenda sa hapon. Naging busy lang sa buhay nanay at wala ng time humawak ng phone. Si baby na din kasi nagmamay-ari ng phone ko haha..
Mahilig ba kayo sa mga korean food? Try ko lang itong instant ramen noodles at konting kimchi bigay lang ng friend.. Ang sarap pala ng combination! Yummy! Tara lets eat po.
Palubog na ang araw mga ka noise.. anu mineryenda nyo ngayon? nagluto ako mac spaghetti. Wala kasi spag noddles kaya macaroni nalang kasi un lang available. Masarap pa rin naman parang bake mac.. bake nalang kulang. Tara po kain tayo.. π
Magandang hapon po mga ka noise squad!
Maulan pero maalinsangan pa din ang panahon, para akong nagmamantika sa pawis haha.. kumain na ba kayo? eto ulam namen prito mamantika din.. tara po kain tayo.. βΊοΈ
kamusta mga ka foodtrip? anu meryenda nyo dyan? ako eto potato fries. bumili lang ng patatas sa palengke, cheese powder at sour and cream powder and viola french fries na.. home made lang muna tayo kasi matipid po. enjoy po sa inyong mga meryenda mga ka noise.. π
Magandang gabi mga ka noise. Anu man ang ginagawa nyo sana ok kayo. Pansin ko ngayon panahon ng election sobrang toxic ng social media lalo na sa facebook. Nagaaway-away dahil sa mga kanya- kanyang manok. Kaya nagdecide na muna ako na magdeactivate sa fb at uninstall. nakakapagod magbasa ng newsfeed ang sakit sa ulo at nakakastress. isang beses lang ako nagpost ng opinyon ko pero ang daming bumatikos, daming pabida. na stress tuloy ako. Kaya goodbye muna fb sakit mo sa bangs. hays... mga tao talaga iba na ngayon.. nakakalungkot..
kamusta mga ka noise? Happy mother's day po sa lahat ng ina at magiging ina. Kami eto nagsalo salo lang at bumili ng dough nut para sa meryenda.. umuwi nga pala kami sa cavite sa bahay ng mga magulang ko. kayo mga ka noise paano kayo nagcelebrate?
Gandang hapon mga ka foodtrip! anu meryenda nyo?
kami eto buko pie. Ang sarap nitong buko pie express.. buti may natira pang isang slice para saken. Ang sarap nito ma creamy sya tapos nay cheese sa ibabaw pang balance sa tamis. Tara kain! Happy sunday po..
It's tanghalian mga ka noise! Anu ulam nyo dyan? Eto ulam namen fried chicken. Kahit mahal ang mantika nai-push pa din ang prito.. ang mahal kasi ng mantika kakaloka nagmamahalan na lahat! Anyway tara na kumain nalang ma stress ka lang kapag inisip mo pa ang presyo ng bilihin.. π
Makulimlim na hapon mga ka foodtrip! Anu meryenda nyo? sarap kumain kapag ganitong malamig ang panahon. Ang asawa ko umorder ng meryenda online para saken. Kakadeliver lang nitong Pancit sotanghon na may kasamang hotdog sandwich.. tara kain tayo mga ka noise! π€
Magandang umaga mga ka foodtrip! Nagalmusal na ba kayo? Masarap almusal namen today Longsilog. Ngayon lang ulet ako makakain nitong longganisa. Natakam ako dun sa post sa fb kaya ayan nagpabili agad ako sa asawa ko sa palengke. Tara kain po tayo sa mga late na nagaalmusal.. Happy sunday mga ka noise! βΊοΈ
Magandang hapon mga ka food trip! Dumating na itong food packed na inorder ko online.. ang sarap nya mala jabi ang amoy! Abot na sa meryenda haha.. lunch at meryenda iisa na.. kayo anu meryenda nyo? let's eat po!
Ginaganahan ako mag laba mga ka noise! Dahil dito sa mini washing machine na 'to. Di na ko hirap maglaba ng mga damit ng baby ko. Nakakatuwa gamitin kahit san mo ipwesto pwede. Hahaha.. βΊοΈ Gandang hapon po!
kamusta mga ka noise friendship squad!
Share ko lang itong mga prutas pasalubong ng ate ko yan. Masayang- masaya ako kasi bumisita sila dito samen. Kahit papano naiibsan ang lungkot ko. Ang lungkot kasi dito kami lang ng anak ko lagi magkasama, wala man makausap. Kaya ang saya ko nagpunta sila at may pasalubong pa.. Gandang gabi sa inyo mga ka ingay..
Magandang gabi mga ka ingay! Food trip pa kahit gabing gabi na. Galing kasi yung asawa ko sa birthdayhan, birthday ng kaibigan nya kaya ayan may dalang pagkain. Sa akin lang daw yan at kumain na sya. Ang dami nito goodluck saken bondat na naman.. Masarap yung pizza at saka yung egg pie. Salamat lagi sa biyaya.. tara kain tayo!
Magandang gabi mga ka noise! Nasanay na ko na late dinner kami palagi. Hinihintay ko kasi ang asawa ko para sabay na kami kakain. Ang awas nya sa trabaho ay 9pm pa, mga 9:30pm nasa bahay na sya. Pagdating nya saka kami kakain. Pero syempre kumakain pa din ako ng meryenda ng mga 6pm dahil di pwedeng walang kain kapag breastfeeding mom.. Laging gutom kapag padede mom hahaha! Tara po kain po tayo daing na bangus with beef noodles na lucky me.
Kamusta mga ka noise? gloomy ang weather ngayon kaya ang sarap kumain, nakakagutom yung ganitong panahon. Meryenda muna tayo, spiral spaghetti partner ng monay bae. Sikat na sikat yang Monay bae dito sa lugar namen. mainit- init pa yang monay kaya ang sarap nya.. tuwing hapon ang haba ng pila sa bakery na nagtitinda ng monay bae. Tara po kain tayo..
Gandang umaga mga ka noise! Maaga ako nagising kasi maglalaba ako ngayon, dahil mamaya wala ng tubig at mahirap na magbanlaw.
Napansin ko nitong mga nakaraan na parang wala na akong halaga kay ninong noise.cash.. nakakalungkot naman.. dahil siguro di ako masyado active nitong nkaraang buwan. Madalas kasi di na ako nakakagamit ng phone ko dahil ginagamit ko sya kapag screen time na ni baby pang libang sa kanya. Kapag naman tapos na screen time play naman kami. Kapag tulog na sya, un lang time ko para kumilos magluto ng food nya, hugas ng pinagkainan nya at namen, magwalis, maglaba ng mabilisan, kumain at umihi. Halos wala na akong time para humawak ng phone at mag scroll kay ninong noise.cash π₯Ί Pasensya na.. sana di sya nagtampo..
Kamusta kayo mga ka ingay? Kumain na ba kayo?
Nagluto ako ng tortang giniling with patatas at malunggay. Dahil bukas pa ang sahod ni hubby, ayan tipid muna isahang luto na. Almusal at tanghalian ko na yan plus kasama na baon ni mister dyan. Kain muna almusal..
A Special Day! π
Espesyal ang araw na 'to para sa akin kasi mga ka noise birthday ko ngayon at ika- 13th month naman ng aking anak. Tumatanda na talaga ako di na mapipigilan, thank God sa 34 yrs of existence. Salamat sa Dios sa pag-iingat sa amin sa araw-araw.
Wala ako masyadong handa kasi nagtitipid ako, masaya na ako sa simpleng cake lang. Gandang gabi mga ka noise!
kamusta po mga ka foodtrip! Anu meryenda nyo mga ka noise? Gumawa ako ng french toast, yung tasty bread kasi expired na sya pero wala pang kaya ginawa ko nlang french toast. Isang itlog lang naman at maliit na evap at iprito sa margarine o kaya butter. Ang sarap nito sa kape.. tara po kain tayo. π
Gandang gabi mga ka noise! Share ko lang itong binili ng asawa ko pasalubong nya. Kapag nag 50%off kasi ang jollibee sa foodpanda ayan lagi syang umoorder nitong tuna pie. Lagi nya inaabangan yang sale sa food panda. Nakatipid din naman kaso nanghinayang ako sa delivery fee kahit ang lapit lang nung Jollibee store kung san sya umorder.. π
Kamusta mga ka ingay? Lunes na naman po, almusal po kayo dyan. Pandesal muna tayo with fried egg at hotdog. Maya- maya tanghalian na naman kaya tinapay nalang muna.
Hotcake plus hot milo para sa meryenda today.. Gumawa ako ng sariling recipe ng hotcake using harina, egg, baking powder, sugar at konting water. Tancha- tancha nalang ako kasi dati nag youtube pa ko para lang dito kaso palpak ung nasa youtube haha.. dapat pala malapot ang consistency para maganda ang hotcake.. Tara po kain na.. βΊοΈ
Kamusta po mga ka noise friendship squad! Gusto ko lang ishare itong binigay saken ng asawa ko. Alam ko naman na wala ng xtra money si hubby kasi tagal pa ng sahod nya, tapos inaway ko pa sya kahapon ng umaga bago sya pumasok. Medyo nawala ako sa kontrol at naginit ang ulo ko kaya ayun nagbunganga ako hays.. naguguilty ako π Pero pag uwi nya kagabi ayan may dala syang chocolate para saken.. naawa tuloy ako.. hays..
Goodeve mga ka noise! Sinamantala ko na ang oras na 'to, dahil tulog pa ang alaga ko ayan nagbalat agad ako ng mangga. kanina ko pa gusto kumain kaso di ako makatyempo sa anak ko. Ako lang kasi mag-isa ang nagaalaga sa kanya di maiwan kahit saglit. Arat na lantakan na yan habang tulog pa.. maya-maya magigising na un hehe π
Gandang hapon mga ka noise! Lunch x Meryenda na ata ito kasi late lunch na kami. Dahil nag Day off si mister kaya ayan nagluto sya ng Tokwa sisig! Masarap yung tokwa kasi bagong luto sya binili namen dun sa magtataho. Nilagyan ng konting chicharon para may konting crunch! Tara kain tayo sa mga di pa kumain! βΊοΈ
Gandang gabi mga ka noise! Yung bigla kang ginutom.. tara kain po pang midnight snack. Ang sarap mag food trip ngayong gabi parang ang dami kong gutom! haha.. Kain po tayo! βΊοΈ
Meryenda na mga ka noise! Nagpa pizza si mister! Nabudol ko sya.. Nag Wedding Anniv kasi kami nitong last Jan. 30 kaso wala kaming handa dahil nilaan namen lahat sa birthday ng aming anak noong last Jan. 24 naman.. kaya eto nalang daw pizza nalang! Solve ang gutom diba.. βΊοΈ
Kamusta mga ka ingay dyan? ang lamig ngayon sarap lang mag foodtrip kasi nakakagutom. Gumawa ako ng burger pero dahil walang buns ayan tasty nalang. beef patty homemade nilagyan ko kamatis, pipino, at lettuce! Since hindi naman makakalabas at level 3 ngayon plus wala akong bakuna pa hahaha.. solve na din kasi ang sarap nya! Halina meryenda na po!