read.cash Log in
@SisBhie

@SisBhie in December 2021

@SisBhie

Magandang tanghali mga ka ingay! Anu lunch nyo? Tapos na ko mag lunch kaya eto kain muna pang himagas! More pakwan or watermelon tayo ngayon. Kailangan na kasing maubos itong pakwan na nasa ref dahil baka masira na sya, umaasim kasi sya kapag tumagal lalo nat naka open na. Ako lang kasi kakain ng isang buong pakwan na to'. Ung asawa ko tamad kumain ng prutas! 😅

@SisBhie

Friyay morning mga ka noise! Almusal muna.. spaghetti para sa almusal. Konti lang ito isang plato lang kasi tira-tira lang yan sa ref yung sauce, giniling at pasta. naisipan ko na lutuin na kesa masira pa. Let's eat mga ingay! 🤗

@SisBhie

Saturday evening mga ka ingay! Share ko lang, yung nag crave ako ng french fries pero wala akong pambili. May patatas pa sa ref kaya nagluto nalang ako ala french fries haha.. medyo mamantika nga lang. Wala din iodized salt kaya rock salt nalang talo-talo na 'to! 😅

@SisBhie

Lazy sunday morning mga ka noise! Linggo na ulet at medyo tinatamad ako ngayon kumilos 😅 medyo lang naman kasi di naman pwedeng hindi ka kikilos at maraming gawaing bahay. Ang lamig dito samen, yung hangin ang sakit sa balat nanunuot ang lamig hanggang buto! Yung tubig isa pa kala mo galing sa ref.. hahaha! Ang hirap kumilos pag ganito! hehe..

@SisBhie

Bistek or Pork Steak! Maaga ako nagluto ng ulam para sa tanghalin kasi magbabaon ang asawa ko. Para makatipid sya sa pagkain sinasabay na namen ang baon nya sa uulamin ko sa tanghalian. Ako lang naman ang kakain sa tanghali. Kamusta mga ka ingay? Nakaluto na din ba kayo?

@SisBhie

Gandang gabi mga ka ingay! gabi na pero nagugutom pa ko kaya nagparedeem ako sa asawa ko nitong jolly hotdog. Buti nalang umabot sya kasi malapit na mag close at paubos na din. Laking tipid kapag sa shopee ka bibili.. hehehe.. tara po midnight snack tayo..

@SisBhie

Magandang umaga mga ka ingay! Maaga ako nagising 4am gising na, nagbabad na ng labahin para maya-maya kusutin ko na. Sumaglit muna ako dito habang may free time pa ko. Hectic ng sched ko kahit sa bahay lang naman haha! kakapagod din huh.. Napapaisip na ko kelan kaya ako makakalabas ng bahay? Ang lungkot na kasi.. mula nang nanganak ako hanggang ngayon mag 11 months na si baby hindi pa ko nakapasyal.. Di ko na alam anu itsura ng mga kalsada hahaha.. Goodmorning nalang po sa…

@SisBhie

Malamig na panahon sa inyo mga ka ingay! Kapag ganitong malamig ang panahon ang sarap kumain ng mga ganitong simpleng pagkain pero masarap naman. Pritong itlog na may kamatis, sinangag na may itlog at pritong tuyo with sawsawan na suka na may pamintang durog (walang sili na available eh). Almusal muna ako mga ka ingay, medyo late na kasi naglaba pa ko. Tara kain po!

@SisBhie

Halu mga ka ingay! kamusta ang biyernes nyo? anu ulam nyo? Eto kanina yung niluto ko ulam namen ng tanghalian, Kalamares at ginisang petchay! Minsan di ko na alam anu lulutuin kong ulam haha.. isa yan sa pinakamahirap na trabaho ng pagiging may-bahay na nasa bahay lang! haha

@SisBhie

Kamusta mga ka noise friendship squad! kumain na ba kayo? mag aalmusal muna ako, ang hirap kapag laging busy sa gawaing bahay nalilimutan na kumain minsan laging late ang kain. Tara kain tayo.. Gandang umaga po..

@SisBhie

Dahil malamig na ang panahon ngayon uso na ang mga pagkaing nagpapainit ng sikmura naten! Kaya naman ang meryenda ko ngayon ay Lomi batangas! Bumili lang kami nyan malapit sa palengke halagang 45 pesos kasama na ang chicharon! Ang sarap nya mga ka ingay! Tara po kain tayo lomi..

@SisBhie

Magandang gabi mga ka noise! Kaninang hapon pag open ko dito kay noise nagulat ako kasi biglang may notif saken na may FT na ko! Sobrang saya ko mga ka ingay kasi finally meron na din ako pambigay. Kaso di ko sya alam paano ba yan.. para san kaya yung percentage? anu ba dapat ilagay dyan? Sana po may mag explain maraming salamat mga ka ingay!

@SisBhie

Goodmorning mga ka ingay! Medyo sad tayo ngayon di nakapasok si Ms. Philippines sa Top 3.. Pero deserving naman yung tatlong nakapasok kasi magagaling sila sumagot.. Kayo ba nanunuod ba kayo ng Miss Universe ngayon?

@SisBhie

Kamusta mga ka noise squad! Anu meryenda nyo dyan? pwede ba makikain nalang? Ang sarap kumain kapag ganitong malamig ang panahon. Kaso wala na ko stock dito sa bahay ng pang meryenda nagugutom tuloy ako hahaha.. parang gusto ko ng burger at fries! haha.. 😅

@SisBhie

Gandang tanghali mga ka food trip! Tapos na ko magluto ng ulam namen ngayong tanghali. Menudillo for today's recipe.. haha tyamba lang masarap daw sabi ng asawa ko! weh? Tara na po kain na..

@SisBhie

Goodmornight mga ka noise friendship squad! may gising pa ba? nawala ang antok ko ang tagal pa nya bumalik hays.. parang yung FT lang.. saglit lang ako pinasaya ni FT.. iniwan nya din ako at hanggang ngayon di pa sya bumabalik! Pasensya na kayo mga ka ingay wala ako maishare eh..

@SisBhie

Magandang umaga mga ka squad! mabilisan almusal muna tayo ngayon. Bumili kami ng Lomi kasi malamig ang panahon masarap kumain ng ganito kapag ganitong malamig.. tara kain na tayo..

@SisBhie

Midnight snack! Bigla ako nagutom at gusto ko ng pizza.. naisip ko meron kami sa ref left over spag sauce at may konting bell pepper pa. Sumakto din at kakabili lang ng tasty at cheese at may nagbigay ng ham kay hubby kay naisip ko gumawa nalang pizza.. Sinalang ko lang sa kawali para ma melt ang cheese.. Charan! Craving satisfied ngayong gabi! Goodeve mga ka noise!

@SisBhie

Ube halaya ng San Pablo, Laguna! Tikman na naten ang ating panghimagas.. nagpabili ako ng ube halaya para makakain naman kahit minsan. 35 pesos isa bali tatlo ang binili ko. Sakto lang ang tamis masarap sya mga ka noise! hehe..

@SisBhie

Gumawa ako ng Garlic bread! Yung natirang tasty bread na paexpired na kaysa masayang at amagin ayan ginawan ko ng paraan para makain ulet! Nag-pino lang ako ng bawang at sinama ko sa butter (soften butter hindi lusaw) saka pahid sa tinapay at isinalang ko lang sa kawali! Hahaha eh di naubos sya walang sayang! Goodmorning po!

@SisBhie

Magandang umaga mga ka noise! Ilang oras nalang magpapalit na ang taon! May handa ba kayo? Busy na siguro ang iba sa pamimili at paghahanda para mamaya. Kami almusal muna para may lakas, pritong tawilis at tirang ulam kagabi na menudillo.. Tara kain po!

@SisBhie

Kailan kaya babalik ang FT ko? hahaha beke nemen ninong noise.cash hahaha.. Salamat po.. hehehehe