Yung gusto ko na umuwi. Andito kasi kami sa bahay ng parents ni Partner. First birthday and binyag na din ng pamangkin nya. Sobrang naiinitan at naiinip na din ako. Gusto kong gumamit banyo kaso baka maulit yung kanina. Pagdating namin sobrang need ko gumamit banyo kaya doon ako dumiretso. Ang banyo nila dito ay parang sa bahay ng parents ko na kurtina lang meron. Kagaya ng kinakatakot ko may biglang pumasok which is bayaw ni Partner or asawa ng ate nya. Sobrang gulat ko na nahiya at pinawisan. Gusto ko na talaga umuwi. Hayss.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet