Yung takot at kaba ko hindi pa din nawawala hanggang ngayon. Pakaalis ni Partner may kulay puti sa bintana. Akala ko taong nakawhite t-shirt. Alam naman kasi ng kapitbahay dito na pag umalis si Partner ay mag-isa na lang ako. Maya-maya pusa pala pero yung takot andito pa din. Kinuha ko ang kutsilyo at katabi ko nga hanggang ngayon. Natatakot ako lumapit sa pinto at bintana. Kung titignan maigi madali talaga mapasok bahay na inuupahan namin. Gusto ko ng bumalik sa bahay ng mama ko. Atleast doon may kasama ako lagi tapos may aso pa na mag-iingay kung may tao. Pray lang para mawala takot. 🙏🙏🙏
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet