read.cash Log in
@Shawn09 more from that month

Yung kapatid mong malakas magmura sa nagpapa-aral sa kanya at malakas sumagot-sagot sa magulang. Malakas din manghingi ng pera para sa mga kailangan nya. Tulad ngayon pangsalamin nya. Nanghihingi din ng laptop, wala pa nga syang school for college kasi bagsak sa unang school na napili nya. Iba-iba din talaga tayo ng pag-iisip. Pero kung ako ang may utang na loob sa tao hindi ako magiging bastos sa kanya. Parang nung nag-aaral kami, pag may inutos yung nagpapa-aral, sunod agad. Kahit masama pakiramdam namin or antok pa sige lang. Tapos yung nagpapa-aral ang magsasalita ng hindi maganda, hindi yung kung sino pa pinapa-aral sya pa matapang at may ganang magsalita ng kung anu-ano. Baliktad na talaga ang mundo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.