read.cash Log in
@Shawn09 more from that month

Ang hirap pag kinakain ka ng Guilt. πŸ˜­πŸ’” I need my Dad. Miss ko na sya. Ang dami kong Sana. Sana hinabaan ko ang aking pasensya. Sana sinunod ko na lang lahat ng utos nya ng walang reklamo. Sana kinumusta ko sya. Sana tinanong ko sya kung kumain na ba sya. Sana hinayaan na lang namin sya at hindi na pinagsabihan. Kasi ganyan sya samin. Nasa bahay man o wala laging nangungulit kung kumusta o kumain na ba kami. Ang dami ko ding Baka. Baka kung hinayaan namin sya buhay pa sya. Baka kung dinala agad sya sa Ospital okay pa sya. Baka Buhay pa sya hanggang ngayon. Kasi ganun naman dati. Nadala sa Ospital at gumaling sya. Alam ko nasa piling ka na ni Lord Pa kasi mabuti kang tao. Makulit pero mabait. Mahal na Mahal na Mahal po kita Papa ko. 😘😘 Kung saan man ako o kami nagkulang patawarin mo kami. Kung naparamdam ko man na nahihirapan na kami sorry Pa. Hindi ko sadya. Pagod, stress at puyat sa trabaho pero hindi sapat na dahilan para sana balewalain kita. I miss you so much Pa. Pakita ka sakin kahit sa panaginip. Alam kong huli na pero hihingi pa din ako ng tawad. I love you Papa ko in Heaven. πŸ˜‡πŸ•ŠοΈπŸ’•πŸ™

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.