read.cash Log in
@Shawn09 more from that month

Yung may inorder ako sa shopee na lalagyan ng sawsawan para kanya kanyang gawa ng timpla tapos sabi ng papa ko "Kung anu-ano binibili mo akala ko ba wala kang pera. Ni hindi ka nga makapagpaulam dito." Nahurt lang ako kasi nung may work ako kahit sagot ko sarili kong pagkain kasi stay in at minimum lang ang sahod ko nagbibigay pa din ako sa kanila. Bihira lang ako umuwi pero nagbibigay ako sa kanila. May mga pasalubong pa yan. Nung ayaw ko na magtrabaho at nagbukas ng tindahan pinilit kong ibili sila ng gatas nila ni mama. Kay mama bearbrand kay papa ensure gold. May ambagan sa handaan nagbibigay ako. Pag may kita na tindahan nag-aabot naman ako kahit papano. Tapos maririnig ko yung ganyan? Parang ang sakit lang. 😔💔 Mahilig talaga ako bumili ng gamit sa bahay. Hindi lang naman ako ang gagamit. Lahat naman. 😔💔

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.