Andito pa din kami sa bahay ng parents ni Partner. Dumalaw kami kasi naglambing pamangkin nya na galing Laguna. Gusto daw ako makita at ang tyan ko. Birthday nya din nung July 30 kaya nagpaice cream kami na malaki. Masaya naman sila at lahat din ay nakatikim. 🥰 Sana tumila na ang ulan maya-maya para kami ay makauwi na. Hindi pa man din ako nagdala ng jacket pantakip sa ulo kahit may payong. Yung uniform din ni Partner panigurado na basang-basa pa kaya need pa yun itapat sa electric fan. 🌧️
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet