Paano ba maging mabuting ama? May kakilala ako na minsan okay sya bilang ama at minsan naman ay hindi. Kaninang umaga umalis kami para pumunta sa party ng pamangkin ko. Ang unang plano dahil bawal marami sa taxi, tag-isang taxi kami ng ate ko at hati sa anak nya. Kaso hindi nya alam pupuntahan namin. Kaya napag-usapan namin na try na makiusap sa driver. Then sabi ni ate, ihahatid na lang daw sila ng asawa nya (pero una palang narinig ko ng ayaw ng asawa nya). Sabi pa ni ate, taxi daw sila agad kasi ayaw ni kuya magtricycle sila. Hanggang sa ayaw ni bayaw paano daw pauwi nya maglalakad sya? Pangatlong plano ay pasasakayin sila ni bayaw ng taxi at iguide ng motor ni bayaw yung driver. Bibili pa kasi ako ng cake. Hanggang sa paalis na kami. Ang plano pala ng bayaw ko ihatid lang sila sa labasan. Ayaw ipagtricycle kasi malapit lang naman daw. Kaya nagtiis kami sa init at layo ng lakad (irita na ako nito). Akalain mong may baby na 1month old at apat na anak pa nila ni ate pinaglakad sa mainit? Pumara ng taxi, imbes na yung padiretso na ang pinara pa yung kailangan pang umikot para sa may malapit sa kanila (maling direksyon ang pinara). Ang ending malayo ang inikot which means mas lumaki ang bill. Nagdecide na kami ni ate ko na wag na syang maghatid. Kami na ni ate bahala sa taxi. Kairita talaga sya minsan. 😑
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet